Chapter 4

88.8K 2.2K 164
                                        

ISABELA

FOR THE FIFTH time, my phone buzzed again.

Hindi ko na tiningnan. Nagpatuloy lang ako rito sa tinatapos kong painting. Alam ko na rin naman kasi kung sino ang nag-text, eh. It's Arkhe.

Kahapon niya pa ako kinukulit. Gusto na namang makipag-kita. Hindi ko na nga alam kung ano pang pwede kong i-reason out.

Mayamaya lang naman ay kinuha ko na ang phone ko na nakapatong sa kalapit na mesa, hindi para replyan si Arkhe kung 'di para tawagan si Jewel.

Ngayon ko lang siya magagawang kontakin pagkatapos niyang ipamigay ang number ko.

I tapped her number, and after a couple of rings, she picked up. "Isabela, hey!"

"Bakit mo pinamigay ang number ko?" Diniretso ko na agad siya.

"W-what?"

"Binigay mo ang number ko kay Arkhe at sinabi mo rin sa kanya na nasa art exhibit ako nung isang gabi. 'Di ba sabi mo sa 'kin, lumayo ako sa kanya dahil isa siyang certified playboy?"

"Sorry! Sorry na, wag ka nang magtampo. E kasi naman, sobrang kulit ni Arkhe! Ayaw niya akong tantanan sa kahihingi sa number mo. Kaya binigay ko na. Tsaka Isabela, I think he really likes you. Don't you wanna give him a chance?"

Napakunot ako ng noo. "What are you taking about? Nung huling beses tayong nagkita, kung anu-ano ang sinabi mo tungkol sa kanya. I don't get you, Jewel. You mean, gusto mo akong mabaliw kagaya ng ibang mga babaeng napaiyak niya? 'Yon mimso ang sinabi mo sa 'kin."

"Ok, ok, Isabela, look. Arkhe's my friend, too. Sinabi niya sa akin na gusto ka niya nung unang beses ka pa lang niyang nakita sa club. And I realized na, ba't nga ba hindi ko siya tulungan. Malay natin, baka ikaw na pala ang makakapag-patino sa kanya at magpapatigil sa kanya sa pangbabae."

"So you're using me?"

"Hindi naman sa gano'n. I-try niyo lang. Okay naman 'yon si Arkhe eh. He's cool."

Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko. "Alam mo bang kinukulit niya ako simula nung nagkasama kami sa exhibit? He wants us to go on a date!"

"Oh, good! That's a great start. Ibig sabihin, you can have a chance to know him better."

What? Nagtataka na talaga ako sa kanya. Nilayo ko nga muna itong phone mula sa tainga ko para tingnan kung number nga ba talaga ni Jewel ang natawagan ko. She's acting so weird. Hindi ko alam kung bagong gising ba siya or what.

I just cut the call without saying goodbye. Ang gulo niyang kausap. Feeling ko tuloy inuuto niya na lang ako.

Jewel is my only close friend. I met her in an orchestra concert I attended years ago.

Nagkasundo kami agad kasi parehas kaming artist. Jewel is a violin player and she's part of an orchestra. But the love for arts is the only thing we have in common. Pagdating sa ibang bagay, magkasalungat na kami.

I admit I'm kind of an introvert. Si Jewel naman, masyadong outgoing at mahilig sa mga parties. May mga ugali rin siya na hindi ko gaanong gusto. Katulad na lang ng pagiging balimbing at walang isang salita. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na pinamigay niya ang number ko at pinipilit pa akong i-entertain ang isang lalaki na nakilala ko lang naman sa club.

Binalik ko na ang phone ko sa mesa, pero ilang sandali lang ay nag-ring na naman ito. Akala ko nagca-call back lang si Jewel kaya sinilip ko, pero hindi. It's Arkhe again.

I let out a deep sigh. Mukhang makulit at seryoso nga talaga itong DJ na ito. Wala na tuloy akong choice kung 'di sabihin na sa kanya ang totoo para matigil na siya sa pangungulit.

Everything I Want [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon