Chapter 5

91.1K 2.1K 171
                                        

ARKHE

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Isabela. Arranged marriage. Tangina, totoo pala 'yung mga gano'n?

Malas lang, sa dinami-rami ng babaeng pwedeng ma-arrange marriage, 'yung natitipuhan ko pa talaga. Ewan ko, ayoko naman talaga ng mga ganitong relasyon na may sabit, pero iba talaga ang tama ko kay Sab. Wala akong pakialam kung milyonaryo siya at ikakasal sa isa ring milyonaryo.

Ang korni pakinggan, pero masyado akong na-love at first sight kaya gagawin ko talaga ang lahat mahulog lang siya sa 'kin. Alam kong may laban ako e. Ramdam kong hindi naman talaga mahal ni Isabela ang Morris na 'yon.

Kaya nga ngayon, hindi pa rin ako tumigil sa pangungulit sa kanya. Simula nung nagkita kami sa park, wala ng oras na hindi ko siya tinext para kumustahin.

Nakakatuwa naman kasi nagre-reply siya kahit papaano. Niyaya ko ulit siyang lumabas ngayong araw. Ang hirap niyang pilitin pero sigurado akong konting pangungulit pa, papayag na rin siya.

At tama nga ako. Mayamaya lang, nag-text na siya sa 'kin. Pumapayag na siyang makipagkita at nagpapasundo pa nga.

Syempre bigla akong nabuhayan ng dugo! Tinigil ko na itong ginagawa kong mix para sana sa susunod kong gig, tapos na naligo na agad.

Mag-isa lang akong nakatira rito sa bahay namin. 'Yung mga magulang ko kasi tsaka utol ko, nasa Batangas. Mas pinili ko rito sa Manila kasi mas marami akong nakukuhang trabaho rito bilang club DJ.

Pagkatapos mag-ayos, umalis na agad ako ng bahay at dumiretso sa exclusive village kung saan nagpapasundo si Isabela.

Malamang dito siya nakatira. Malayo pa lang, nakita ko na 'yung mga kotseng itim na nakaparada malapit sa entrance nitong village. Siguradong si Sab na ito kasama ang mga bodyguards niya.

Naalala ko na naman tuloy 'yung sinapit ko sa mga bodyguards na ito. Hindi naman 'yon ang unang beses na natutukan ako ng baril, pero 'yon ang unang beses na tinutukan ako ng MARAMING baril. Tangina, akala ko talaga katapusan ko na, eh. Napatawag ako ng mga santo nang wala sa oras.

Pumarada na rin ako malapit sa mga nakahilerang sasakyan. Tapos tinext ko na si Isabela para sabihing nandito na ako.

Mayamaya lang, lumabas na siya mula sa isa sa mga itim na kotse.

Bumaba agad ako para salubungin siya at pagbuksan ng pinto ng sasakyan ko.

"Ang tagal ko ba?" tanong ko agad nung parehas na kaming nakasakay rito sa loob.

"No, you're good." Nagkabit siya ng seatbelt. "Kararating lang din namin."

"Sakto pala. Ayos lang ba sa mga bodyguards mo na sa akin ka sasakay? Baka tutukan na naman ako ng baril ng mga 'yan, ah."

Natawa siya. "No, don't worry. I already talked to them. Susunod lang sila sa 'tin para bantayan ako, pero hindi na sila mangingialam."

"Buti naman."

Pasimple ko siyang tiningnan habang nagkakabit ako ng seatbelt. Ang ganda na naman ng suot niya ngayon. Pansin ko na mahilig siyang mag-pormal na bistida. Ibang-iba sa mga pormahan ng mga nakaka-date ko dati na palaging kinulang sa tela ang damit.

"Buti pumayag ka uling makipag-kita sa 'kin," sabi ko sa kanya.

"Ang kulit mo, eh. Tsaka wala na rin akong magawa sa bahay. I'm bored."

"Ah, pampalipas oras lang pala ako, gano'n?"

Napangiti siya nang pilit na para bang na-guilty siya.

Ngumiti na lang din ako. "Ayos lang naman. Payag naman akong maging pampalipas oras mo muna." Binuhay ko na ang makina ng sasakyan pagkatapos. "Tara na? Kain tayo?"

Everything I Want [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon