ISABELA
Tears started filling my eyes. Hindi ito pwedeng mangyari! Bakit ba kasi masyado akong nakampante na walang manghuhuli sa amin.
I deleted the video kahit na alam kong huli na, tapos kinuha ko itong mga information tungkol kay Arkhe at lumabas ulit ng office.
My entire body was trembling! Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari ngayong pinahanap na ni Morris ang lahat tungkol kay Ark. I know the Reverentes—they're powerful, they can do whatever they want. Sana kasi mas nag-ingat ako!
Papunta dapat ako sa kwarto ko ngayon para mag-empake ng ibang gamit at balikan si Arkhe, pero natigilan na lang agad ako nang mapansing bukas ang pintuan.
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Tumakbo na ako papunta ro'n para silipin kung sinung nasa loob. It's Morris! He's talking to someone over the phone.
Nagtago ako at pinakinggan muna siya.
"No. Didn't you hear my order?" sermon niya sa kausap. "Not tomorrow, not the next day. I want that Arkhe Alvarez dead tonight."
Nanlaki ang mga mata ko! Dali-dali ko nang binuksan nang buo itong pinto at pinasok siya sa loob. "Morris!"
He just looked at me, parang hindi man lang siya nagulat. Nagpaalam lang siya sa kausap niya sabay nagbaba ng tingin sa hawak kong mga papeles.
Mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan sa suot niyang suit. "I heard you. Don't hurt Arkhe. Please don't! Hindi niya kayang lumaban sa inyo!"
"Too late. Hinahanap na siya ng ibang mga tauhan ko ngayon. You'll never get to see that son of a bitch again."
"No!" Tumulo na ang mga luha ko. "You can't do this."
"I can. And I'm doing it."
"You can't! Wala kang karapatan pakialaman at saktan ang mga tao sa buhay ko, you're not yet my husband!"
Bigla niya akong tinitigan nang matalim. "Ganyan ka pala mag-isip. Kaya ka ba nakipag-landian muna sa ibang lalaki? Kasi hindi pa naman tayo mag-asawa? I thought you're decent."
Natigilan ako sabay pikit. "I-I'm sorry. Sasabihin ko naman talaga sa 'yo lahat. I was even planning to call Amanda tonight to tell her I'm cancelling our wedding."
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong higitin sa braso ko! "What did you just say?"
"M-Morris, let go." Pinilit kong kumawala sa kanya. "You're hurting me."
"No." Lalo niya pang hinigpitan ang kapit niya at mas nilapit ako sa kanya. "What did you say? You're calling off our wedding?"
"Why not? I don't love you, and you don't love me either. It was just an arranged marriage."
"Who told you I don't love you? Sa tingin mo ba papayag akong magpakasal sa 'yo kung hindi kita gusto?"
My eyes widened. "W-what?"
"You are mine, Isabela. No one else can own you, not even that asshole DJ. Now if you want to call him and say goodbye, do it. Dahil 'yan na ang huling beses na maririnig mo ang boses niya."
Binitiwan na niya ako at dapat aalis ng kwarto pero biglang tumunog ang phone niya. He immediately answered it. "Hello . . .
. . . good." Sabay tingin niya sa 'kin. "Mabuti naman at mabilis niyong nahanap kung nasaan 'yang Arkhe na 'yan. Puntahan niyo na. Take him somewhere and shoot him dead. Or you can torture him first if you want."
"NO!" Taranta akong tumakbo papunta sa kanya at inagaw ang phone. "No, don't do that!" utos ko sa kausap niya. "Listen to me, I'm a Santiaguel. Don't you dare hurt him!"
BINABASA MO ANG
Everything I Want [Book 1]
General Fiction[PUBLISHED UNDER POP FICTION] Handa si Isabela Rose Santiaguel na isakripisyo ang lahat-her wealth, her influence, and her advantageous betrothal to billionaire Morris Reverente-para kay Arkhe Alvarez, isang club DJ and infamous playboy. That's how...
![Everything I Want [Book 1]](https://img.wattpad.com/cover/165118100-64-k265786.jpg)