Chapter 7

73.8K 1.9K 93
                                        

ISABELA

ILANG LINGGO NA rin ang lumipas mula nung nakipagkasundo ako kay Arkhe.

Wala naman akong pinagsisisihan sa ginawa ko. I actually don't take that deal seriously. Kilala ko kasi ang sarili ko. Alam kong hindi ako basta-basta mahuhulog sa isang certified playboy.

But I admit, nag-eenjoy ako sa mga nangyayari kahit na papaano.

Maraming beses na rin kaming nagde-date ni Arkhe simula nung dinala ko siya sa bahay namin. Madalas kaming kumakain sa labas at nagpupunta sa iba't ibang lugar. There's this one time he even brought me to his gig in La Union. I was impressed watching him spin music throughout the night. He's cool. Feeling ko tuloy mas lalo ko siyang nakikilala kasi nae-expose ako sa mundo niya.

I'm really having a great time. Masarap din kasing kasama si Arkhe dahil palabiro siya at masayahin. Hindi siya nauubusan ng kwento. And somehow, nawawala ang pagkainip ko sa bahay. Ni hindi pa nga ulit ako nakakabalik sa art room para mag-paint. Masyadong nauubos ang oras ko kay Arkhe.

Alam ko naman na walang patutunguhan itong ginagawa namin kasi engaged na ako kay Morris. Naisip ko na lang talaga na enjoy-in ang company ni Arkhe at sulitin ang natitirang taon ko bilang dalaga.

Ngayong araw nga, may lakad nanaman kami ni Ark.

Inimbitahan kasi kami ni Jewel na manood ng isang ballet performance kung saan tutugtog nang live ang orchestra group niya. It's already 4PM and the show will start at seven.

Papunta na si Arkhe rito sa bahay para sunduin ako kaya abala na ako sa pag-aayos.

I was currently fixing my big-curled hair when I suddenly received a video call. It's from my sister, Amanda.

Mabuti naman at nagkatugma na ang oras namin. Ilang beses niya na kasi akong tinatawagan pero hindi ko masagot-sagot kasi nga kasama ko si Arkhe.

I grabbed my phone and answered her call. "Hey."

Ang lapad ng ngiti sa 'kin ni Amanda, pero agad din iyong nawala nung napansin niyang ayos na ayos ako. "Are you going somewhere?"

I looked away. "Uh, yes. Manonood ng show."

"Again? The last time I tried to call you, parang 'yan din ang iniwan mong message sa 'kin. Really, Isabela, what's keeping you busy these past few days?"

"Wala naman." Tipid akong ngumiti. "Sunod-sunod lang talaga ang mga pinupuntahan ko ngayon." Sumandal ako rito sa vanity chair sa loob ng kwarto ko. "Why are you calling? May problema ba?"

Napabuntonghininga siya. "I had a meeting with the Reverentes last week."

"And?"

"They want you and Morris' wedding to happen in three months."

Kumunot agad ang noo ko. "I thought late next year pa?"

"Yeah, pero wala na rin naman daw kasing ibang dahilan para patagalin pa. Gusto na nilang magkaroon ng full responsibility sa lahat ng mga properties natin. At gusto ka na rin kasing pakasalan agad ni Morris."

"And you immediately said yes?"

"Why not? I mean, mas magiging madali na para sa 'tin kung magkakaroon na tayo ng katulong sa pagpapatakbo sa mga kompanya. My husband and I can no longer manage everything, Isabela. Tsaka para may makasama ka na rin at may mag-alaga na sa 'yo. You know I'm worried na mag-isa ka lang diyan sa Pilipinas."

"Hindi ako mag-isa. May kasama ako rito."

"The helpers and your bodyguards?"

"Why, what's wrong with them?"

Everything I Want [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon