ISABELA
"Ladies and gentlemen, let's all welcome the artist behind these masterpieces, Ms. Isabela Rose Santiaguel."
Nabalik ako sa sarili dahil sa anunsyong 'yon.
Agad akong tumingin sa nagsalita sa unahan at pinanlakihan na lang ng mga mata nang makitang si Jewel ang naroon. I knew it! May kutob akong may kinalaman din talaga siya sa nangyaring surprise exhibit.
Pupuntahan ko na dapat siya pero hindi ko nagawa kasi halos lahat ng mga bisita rito sa loob ay nagsilapitan na sa akin. They were all taking an interest in me and praising my paintings. I was so overwhelmed! Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Wala na nga akong ibang masabi kung 'di 'thank you' lang.
Hindi ako sanay na ganito karaming tao ang pumupuri sa 'kin. Ang iba pa sa kanila ay sunod-sunod akong tinatanong kung anung inspirasyon ko sa pagpipinta, kung gaano katagal ko nang ginagawa ito at kung bakit ngayon lamang ako lumabas. They're even asking me if I accept commissions.
There are also some photographers in the venue taking pictures of me. For the first time, naramdaman ko na para akong isang sikat na artist.
Nung unti-unti nang umalis ang mga nakapaligid sa 'kin para muling lumibot sa exhibit ay nakahinga na rin ako nang maluwag.
Nakakapagod din palang ngumiti nang matagal. I'm not good with people, pero natutuwa ako na may mga nakikihalubilo sa akin ng gano'n.
Ilang sandali pa ay napansin ko na si Jewel na palapit sa 'kin. She looks pretty in her long blush-colored dress.
Sinalubong ko agad siya. "Jewel!"
Niyakap niya naman ako nang mahigpit. "Grabe, I'm so proud!" Masayang sabi niya pa. "Hindi ko alam na ganito ka pala kagaling. Bakit hindi mo nilalabas itong mga paintings mo?"
Nakaramdam na naman tuloy ako ng hiya. I was so flattered I feel like my cheeks were turning red.
"Sinong may pakana nito?" tanong ko na lang.
"Anong sinong may pakana?"
"This exhibit. Who did this?"
Natawa siya. "Wag ka na ngang umarte diyan. I'm sure kilala mo kung sino ang mastermind."
Hindi ako nakasagot. Sa totoo lang, may idea naman na talaga ako kung sino, ayoko lang pangunahan kasi baka mamaya mali naman ako.
"Ano, kilala mo na?" she then asked.
I bit my lower lip. "Si Arkhe?"
"Siya nga!" Niyugyog niya pa talaga ang braso ko. "My god, ang swerte mo! Sa tagal kong kakilala si Arkhe, ngayon ko lang siya nakitang nag-effort nang ganito pag dating sa babae. Patay na patay talaga sa 'yo 'yung balasubas na 'yon."
Jesus, I don't know what to say anymore. Hindi ako makapaniwala kahit na may kutob naman na ako. That guy, gagawin niya talaga lahat, eh.
Pinahid ko ang noo ko na parang pinagpapawisan ngayon sabay balik ng tingin kay Jewel. "Paano ka niya kinausap tungkol dito?"
"Ayun, kinwento niya na nakita niya ang mga paintings mo at hindi siya matatahimik hangga't hindi niya naipapaalam sa buong mundo kung gaano ka kagaling. Nagpatulong siya sa 'kin na maghanap ng venue at asikasuhin lahat ng mga kakailanganin. Tapos alam mo ba, kinausap niya rin ang ilan sa mga bodyguards mo para makuha 'yung iba mong mga paintings sa bahay at madala rito."
"What?"
"Hindi mo sila napansin?"
Napaisip ako nang mabuti. Ilang araw na akong hindi nakakapasok sa art room kaya hindi ko nakita, at naging busy talaga ako sa mga dates namin ni Arkhe.
BINABASA MO ANG
Everything I Want [Book 1]
General Fiction[PUBLISHED UNDER POP FICTION] Handa si Isabela Rose Santiaguel na isakripisyo ang lahat-her wealth, her influence, and her advantageous betrothal to billionaire Morris Reverente-para kay Arkhe Alvarez, isang club DJ and infamous playboy. That's how...
![Everything I Want [Book 1]](https://img.wattpad.com/cover/165118100-64-k265786.jpg)