Chapter 6

74.1K 1.9K 138
                                        

ARKHE

Pagkatapos kumain, dumiretso na agad kami ni Isabela sa bahay nila.

Tangina, halo-halo na itong nararamdaman ko ngayon. Pero masaya ako kasi makikita ko na rin 'yung nag-iisang bagay na nagpapasaya kay Sab.

"Saan ang bahay niyo rito?" Tanong ko pagkapasok namin sa exclusive village kung saan ko siya sinundo kanina.

"Just go straight," sagot niya naman. "Tapos liko ka riyan sa right street."

Sinunod ko siya hanggang sa nakakita na ako ng sobrang laking bahay sa may dulo.

Halos lumuwa pa ang mga mata ko. "Yan?" Tinuro ko pa. "Diyan ka nakatira?"

"Yeah. Why?"

"Wala. Bahay pala 'yan. Akala ko mall, sobrang laki."

Natawa lang siya nang mahinhin.

Pinapasok niya ang sasakyan ko sa loob ng malaking gate.

Ang layo pa pala nung mismong bahay nila mula sa gate kaya kailangan pa ring imaneho. Silip nga ako nang silip sa bintana ng kotse kasi hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa laki ng tinitirhan niya. 'Langya parang kasing laki na ito ng subdivision namin.

Ganitong-ganito 'yung mga napapanood ko sa pelikula. 'Yung parang mga entrance sa mga 5-star hotel na may malaking water fountain sa gitna tapos doon ibababa ang mga VIP. May ganito pala talaga sa totoong buhay.

"Let's go?" Alok na niya pagkahinto namin sa tapat.

Doon lang ako natauhan. Pinatay ko ang makina ng kotse at nagtanggal ng seatbelt, tapos bumaba agad para pagbuksan siya sa kabilang pinto.

Sakto namang bumukas din itong malaking pinto ng bahay. May sumalubong sa 'min na mga kasambahay at bodyguards niya. 'Yung isa, hiniram pa ang susi ng sasakyan ko para ito na ang mag-park. Aba, ayos talaga dito ah, may valet parking.

"Good afternoon, Ma'am," bati ng mga sumalubong sa 'min at nagsi-yukuan pa.

"Good afternoon," sagot din naman ni Sab, tapos naglakad na papasok ng bahay.

Sinenyasan niya ako na magkalakad na rin. Para rin tuloy akong bodyguard na naging sunod-sunuran sa kanya.

Kung namangha ako sa itsura ng bahay sa labas, tangina mas namangha ako rito sa loob. Natigilan nga ako pagka-pasok na pagkapasok sa pintuan.

"Are you okay?" Biglang tanong ni Sab kasi napansin niyang naiwan na niya ako sa paglalakad.

"Bahay ba talaga ito?" tanong ko naman habang pinagmamasdan pa rin itong loob.

"Mm-hmm. Bakit, hindi ba mukhang bahay?"

"Parang hotel, e. May mga restaurant din ba rito?"

Natawa na naman siya. "You're really funny. Come on, let's go upstairs. I'll show you my paintings."

Sumunod na lang ulit ako at umakyat na kami sa pagkahaba-habang hagdan. Para talagang pang-pelikula ang bahay nila. Mansion kung mansion.

"Hindi ba magsusumbong ang mga bodyguards mo ro'n sa mapapangasawa mo kasi nandito ako sa bahay?" Bigla kong naisip na itanong.

"Kay Morris? No, don't worry about that, I have their loyalty."

Pagkarating namin sa taas, may tinuro agad siyang isang kwarto. "That's my bedroom. You want to see it?"

Napangisi ako kasi bigla akong may kaberdehang naisip. "Wag na. Baka kung ano pang mangyari sa loob."

Kumunot ang noo niya. "Ano namang mangyayari?"

Everything I Want [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon