Chapter 12

83.6K 1.8K 159
                                        

ISABELA

My legs still feel weak after making love with Arkhe.

Hindi pa nga ako bumabangon kahit na kanina pa ako gising. Naka-tagilid lang ako ng higa rito sa kama habang nakayakap naman si Arkhe sa 'kin mula sa likuran ko. He's still asleep.

Parang nagre-replay pa sa utak ko lahat ng mga ginawa namin. I still couldn't believe we are one now.

Wala akong pinagsisisihan sa nangyari. Masaya ako, pero hindi ko rin maiwasang hindi malungkot. Hindi ko kasi alam kung ano na'ng mangyayari sa 'min pagkatapos nito.

Reality check, I'm still engaged and still set to marry another man. Ang sakit isipin na in the end, magkakahiwalay at magkakahiwalay rin naman kaming dalawa ni Ark.

Umikot ako paharap sa kanya. Pinagmasdan ko lang siya habang mahimbing siyang natutulog.

Pagkatapos ng nangyari sa 'min, mas lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya. Parang hindi ko na kaya na tatlong buwan lang kaming magiging ganito. I love him too much now.

Bigla na lang tuloy akong naluha. Masyado akong nagiging emotional dahil sa mga fears at worries na tumatakbo sa isip ko kanina pa. Pinahid ko na lang agad ang mga pisngi ko para hindi mapansin ni Ark.

Pinagmasdan ko ulit siya pagkatapos. Then I gently traced the outline of his lips with my finger. Hindi naman siya nagigising. Kumukunot-kunot lang ang noo niya. Tulog na tulog talaga siya.

Binalutan ko ng kumot ang katawan ko at bahagyang sumandal sa ibabaw niya. I rested my chin over his chest and looked up at him.

"Arkhe..." I called in my bedroom voice. "...Ark."

"Hmm..."

"Wake up."

Unti-unti siyang dumilat at sumilip sa 'kin.

Ngumiti ako nang mapait sa kanya.

Ngumiti rin naman siya pero agad ding nawala 'yon nung makita niya na nang maayos ang itsura ko. Parang biglang nawala ang antok niya.

Napabangon agad siya sabay haplos sa pisngi ko. "Umiiyak ka ba? Bakit?"

"Nothing." Tinago ko ang mukha ko sa dibdib niya.

"Sab." Pilit niya akong sinisilip. "Bakit, anong nangyari?"

"Wala."

"Pwede ba namang wala, e bigla kang umiiyak. Tumingin ka nga sa 'kin." Inangat na niya ang mukha ko. "Kausapin mo ako nang maayos."

Tiningnan ko na rin naman siya. Kaso parang mas lalo lang akong naiiyak. I kept wiping my cheeks.

"Anong nangyari?"

Umiling-iling ako. "Nothing. I just miss you."

"Miss? Magkasama naman tayo ah?"

"I don't know. Basta parang namimiss lang kita."

"Tsk, hindi ako naniniwala. Alam kong may ibang dahilan. Ano ba 'yon?" Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa mga pisngi ko para mas makita niya ako nang maayos. "Ayaw mo ba nung ginawa natin? Galit ka?"

"No, it's not that."

"Eh ano?"

I bit my lower lip. "Natatakot lang ako."

"Saan?"

"Kapag nawala ka na sa 'kin."

Napabagsak siya ng mga balikat at hindi nakasagot.

Muli ko na lang siyang niyakap at humiga sa dibdib niya. "I love you, Arkhe, I don't want to lose you." Tumuloy-tuloy na ang pagluha ko.

Niyakap niya rin naman ako pabalik. He rubbed my back to comfort me. Ang tagal naming ganito bago niya nagawang magsalita. "Wag ka nang umiyak. Pwede naman tayong hindi maghiwalay."

Everything I Want [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon