ARKHE ALVAREZ
KANINA PA AKO hindi mapakali rito sa tattoo studio ni Baron, 'yung ka-tropa kong tattoo artist.
Si Jewel kasi, ilang beses ko nang tinatawagan para hingin ang number ni Isabela, pero hindi naman ako sinasagot. Pati mga texts ko, ayaw replyan.
"Tsk, wala talaga sa ayos itong babaeng ito." Walang gana akong napasandal sa upuan. "Kapag ako na ang may kailangan, hindi na namamansin."
"Sino ba 'yan?" tanong na ni Baron habang nagta-tattoo sa isang kliyente. "Kanina ka pa hindi matahimik diyan, tangina hindi ko alam kung nag-aalburoto ba 'yang tiyan mo o ano."
"Si Jewel. Tinatawagan ko, binababaan lang ako."
"Sinong Jewel? 'Yung musikera?"
"Oo."
"Tangina ka, bakit nilalandi mo 'yan? 'Di ba may boyfriend 'yan?"
"Hindi ko nilalandi, gago. May kailangan lang ako sa kanya kaya ko tinatawagan."
"Anong kailangan mo?"
Napangiti ako kasi naalala ko na naman kung gaano ka-ganda si Isabela. "May nakilala akong babae sa club namin nung Sabado. Mukhang anghel."
"Parang sinabi mo na rin sa 'kin nung nakaraang linggo 'yan, ah?"
"Hindi! Iba ito. Unang kita ko pa lang sa kanya, alam kong siya na ang babaeng makakasama ko habang buhay."
Bigla siyang napahinto sa pagta-tattoo. "'Tol, alak ka ba?"
"Bakit?"
"Nakakasuka ka, e. Umuwi ka na nga. Itulog mo na lang 'yan, kulang ka lang sa tulog."
Natawa na lang din ako sa sarili ko. "Pero seryoso, trip ko talaga 'yung babaeng 'yon. Si Isabela. Kapag nakita mo rin siya, sinasabi ko sa 'yo, para kang biglang nakarating sa langit. Sobrang amo ng mukha. Parang hindi marunong magalit. Tapos kapag nagsasalita, sobrang pormal. Ang hinhin."
"Anak mayaman?"
"Parang. May driver pati mga bodyguards. Englisera pa."
Bigla siyang ngumisi. "Goodluck. Ipagdadasal na lang kitang kumag ka kasi mukhang dehado ka diyan."
Natawa ako. Minsan talaga wala rin sa ayos kausap itong si Baron.
Matagal ko na siyang kaibigan. Nakilala ko siya nung nagpa-tattoo ako sa dati niyang pinata-trabuhang shop. Ngayon may sarili na siyang tattoo studio. Tatlo talaga kaming magkaka-tropa, pero nakahiwalay sa 'min 'yung isa, si Kael.
Magkaiba kami ng hilig nitong si Baron, pero pagdating sa mga babae, nagkakasundo kami. Pwede na yata kaming patayuan ng rebulto sa dami ng mga naging girlfriends namin.
"Oo nga pala," biglang salita ulit ni Baron, "bakit tina-target mo 'yang chiks na 'yan? 'Di ba parang nung nakaraang buwan lang may girlfriend ka pa? Nasaan na 'yon?"
"Ah, 'yon. Wala na. Hiniwalayan ko."
"Bakit?"
"Eh tangina ang hilig magpabili. Kung anu-anong nire-request."
"Anong mga pinabibili?"
"Nung isang beses, nagpapabili sa 'kin ng laptop. Two weeks ko pa lang girlfriend 'yon, ah."
"Tangina, ang lakas."
"Kaya hiniwalayan ko eh. Minahal ko na nga, nanghingi pa ng laptop."
Natawa siya. Pati ako natawa na lang din kasi naalala ko 'yung mga pinaggagawa sa 'kin ng ex kong 'yon. Wala pa akong trenta, pero ginawa na agad akong sugar daddy.
BINABASA MO ANG
Everything I Want [Book 1]
General Fiction[PUBLISHED UNDER POP FICTION] Handa si Isabela Rose Santiaguel na isakripisyo ang lahat-her wealth, her influence, and her advantageous betrothal to billionaire Morris Reverente-para kay Arkhe Alvarez, isang club DJ and infamous playboy. That's how...
![Everything I Want [Book 1]](https://img.wattpad.com/cover/165118100-64-k265786.jpg)