ARKHE
"Tagay pa, 'tol. Baka nagkukulang ka na sa alak," biglang banat sa 'kin ni Baron habang nakaupo kami rito sa bar ng pinagtatrabahuan kong club.
"Ayoko na," sagot ko lang. "May set pa ako mamaya. Hindi ako pwedeng malasing."
"Tangina konti lang naman, ang korni mo ngayon. Mag-enjoy ka nga. Gayahin mo si Kael, o." Tinuro niya 'yung isang sulok. "Enjoy na enjoy ang kupal."
Tiningnan ko naman. Nasa may dilim nga 'yung isa naming kaibigan na si Kael habang may kahalikan na namang babae.
Napailing-iling na lang ako. "Baka makadali dito sa Maynila 'yang kumag na 'yan."
"Pabayaan mo. Gusto niya 'yan e. Ikaw, ilang araw ka nang ganyan na wala sa sarili. Ano ba talagang nangyayari sa 'yo?"
"Wala." Pinaglaruan ko itong bote ng alak na nasa pahabang mesa. "Problemado lang."
"Babae ba 'yan?"
Tumango ako. "Si Sab."
"Sab. Sino nga ulit 'yan?"
"Tangina naman. Ilang beses ko na ang kinwento sa 'yo. Palibhasa ang dami ng pangalan ng babae diyan sa utak mo kaya hindi mo na maa-alala."
"Ako pa sinisi mo. Ikaw itong ang dami-daming babaeng kinikwento sa 'kin, paano ko maa-alala lahat? Sino ba 'yang Sab na 'yan?"
"Si Isabela. Siya lang naman 'yung nai-kwento ko sa'yo nitong mga nakaraang araw."
"Ah, 'yung mayaman na pinagawan mo ng exhibit. O bakit, anong problema? Hindi ka maka-score?"
"Hindi, gago. Hindi ko magawan ng paraan na maging kami."
Natawa siya. "Tangina, first time 'yan, ah. Akalain mo 'yon, may babae ka palang hindi makuha. Parang ang tagal mo nang tina-target 'yan. Bakit, may sabit ba?"
"Meron. May ibang nagmamay ari."
"Ah, may boyfriend na?"
"Ikakasal na. Arranged marriage raw."
Hindi siya nakasagot agad. Parang hindi rin siya makapaniwala. "Tangina, totoo pala 'yon?"
"'Yan nga rin ang una kong naisip."
"Gago wag na 'yan, marami namang ibang babae. Problema nga lang 'yang pinasok mo. Bitiwan mo na."
"Gusto ko talaga siya, 'tol."
"'Yun lang." Napainom siya sa kapit niyang baso na may lamang alak.
Ako naman, ginulo-gulo ko na lang itong buhok ko tapos bumuntong hininga. "Ang hirap nang bitiwan. Medyo nasanay na kasi ako na nandyan siya palagi. Ngayon ngang dalawang linggo pa lang kaming hindi nagkikita pati nagkakausap, ang lungkot na."
"Bakit ba kasi hindi mo tinatawagan?"
"Busy 'yon sa pag-aasikaso sa kasal. Tsaka mas mahihirapan lang akong makalimot kung madalas ko pa ring maririnig ang boses niya. Tsk..." napahilot ako sa noo ko. "...akala ko kasi magagawan ko ng paraan na mapa-atras siya ro'n sa kasal. Hindi pala."
"Ayaw niyang umatras?"
"Hindi na raw siya pwedeng umatras. Bigla kasing napalapit 'yung araw ng kasal niya, tatlong buwan na lang." Tiningnan ko itong si Baron. "Wala na akong laban kapag gano'n, 'no?"
Napaisip siya. "Meron naman, brad. Itanan mo na siya tapos itago mo. Ewan ko lang kung makawala pa 'yan."
"Tangina naman, gusto mo ba akong mapatay ng mga bodyguards niya at nung mapapangasawa niya?"
BINABASA MO ANG
Everything I Want [Book 1]
General Fiction[PUBLISHED UNDER POP FICTION] Handa si Isabela Rose Santiaguel na isakripisyo ang lahat-her wealth, her influence, and her advantageous betrothal to billionaire Morris Reverente-para kay Arkhe Alvarez, isang club DJ and infamous playboy. That's how...
![Everything I Want [Book 1]](https://img.wattpad.com/cover/165118100-64-k265786.jpg)