ARKHE
INITSA KO 'TONG cellphone ko rito sa sofa. Hindi na naman nagre-reply sa 'kin si Koko. Tinatanong ko kung nasa coffee shop ba siya kasi susunduin ko sana siya pagkatapos niya sa trabaho, kaso ayaw namang sumagot. Baka busy pa 'yon.
Humithit na lang ulit ako ng yosi ko sabay hilot sa noo ko. Tsk, sobrang gulo ng isip ko ngayon. Ewan ko kung tama ba 'tong mga pinaggagawa ko.
Noong nakaraang linggo, pinuntahan ko na si Nikola. Hindi ako natuloy sa kanya nung gabing nagkaharap kami nila Baron and Desa sa Third Base kasi nawalan ako ng gana dahil sa text ni Jewel. Kaya umuwi na lang ako no'n. Noong nakaraang linggo ko lang talaga siya napuntahan. Wala nga dapat sa plano ko 'yon. Kung pupuntahan ko man si Koko, 'yon e para lang linawin kung bakit niya ginawa 'yon sa 'min nila Desa. Kaso iba ang nangyari nung nagkausap na kami.
Umakto ako na parang wala lang, na parang hindi niya ako nasaktan. Hinalikan ko pa siya. Tangina hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nung gabing 'yon. Ang init lang kasi talaga ng ulo dahil biglang nagpakita sa 'kin si Isabela.
Gusto kong patunayan sa sarili ko na hinding-hindi ako bibigay sa kanya at wala na akong pakialam kung nandito na ulit siya sa Pilipinas.
Wala akong plano na gamitin si Koko. Sa totoo lang, gusto ko ngang subukang intindihan kung anong rason niya bakit siya nanakit at tingnan kung pwede pa kami — kahit na aminado akong hindi na katulad ng dati ang nararamdaman ko para sa kanya. Nabawasan na kasi nadismaya talaga ako sa ginawa niyang kasalanan. Masama ang loob ko sa kanya, pero parang nakalimutan ko 'yon nung makita ko ulit si Isabela. Mas nangibabaw ang galit ko sa babaeng 'yon.
Buti na nga lang hindi pa ulit 'yon nagpapakita sa 'kin pagkatapos niya akong puntahan sa Third Base. Tangina ayoko na talaga siyang makita, napipikon lang ako. Ayoko ring pakinggan kung ano mang mga ipapaliwanag niya. Matagal ko na siyang kinalimutan at wala na akong balak alalahanin lahat ng mga nangyari sa 'min.
Tinapos ko na itong pagyo-yosi ko. Tumayo ako galing dito sa sofa, tapos dumiretso sa banyo para maligo saglit. Pupuntahan ko na lang si Koko ngayon kahit wala pa siyang reply sa 'kin.
Pagkatapos mag-ayos, tumuloy na agad ako ng alis.
Sakto namang may nagtext sa 'kin nung nag-umpisa na akong mag maneho. Akala ko si Nikola na, si Jewel lang pala — tinatanong kung nagkita na raw kami ni Isabela. Hindi ko ulit ni-replyan.
Wala talaga akong planong sagutin itong si Jewel lalo na kapag tungkol do'n sa kaibigan niya. Alam niya naman na dapat 'yon e. Nakausap ko siya dati, sinabi ko ang nangyari sa 'min ni Isabela. Alam niyang ayoko na uling makita 'yung babaeng 'yon kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit binalitaan niya pa ako na nakabalik na 'yon dito.
Sinilip ko na lang saglit itong inbox ko sa cellphone habang traffic pa. Pati si Baron, wala pa rin palang reply sa 'kin. Tinext ko kasi 'yon kanina. Sabi ko lang, inom kami. Hindi pa ako sinasagot.
Iniisip ko kung nagka-ayos na ba sila ni Desa. Hindi ko pa kasi nakakausap 'yon simula nung nangyaring gulo. Nagpalamig muna ako ng ulo tsaka ang dami nga rin kasing nangyari. Alam kong may mali rin ako. Dapat inalam ko muna ang totoong nangyari sa kanila ni Nikola, kaso hindi, tangina napikon din agad ako. Kilalang-kilala ko kasi si Baron pagdating sa babae — papatusin talaga no'n lahat. Ang nawala sa isip ko, matagal na nga pala siyang hindi gano'n. Napatino na 'yon ni Desa at alam kong tapat 'yon kay Desa.
Kakausapin ko na lang si Baron kapag nag-reply na sa 'kin. Hindi pa rin pala nila alam na nakikipag-kita pa rin ako kay Koko. Malamang sasama ang loob ng mga 'yon sa 'kin, lalo na si Desa. Pero bahala na.
MEDYO NA-TRAFFIC AKO sa byahe, pero sakto lang naman ang dating ko sa pinagta-trabahuang coffee shop ni Koko. Malamang pauwi na siya ngayon.
Hindi na ako pumasok sa loob ng shop. Nag-text na lang ulit ako sa kanya, tapos naghintay na lang ako dito sa labas ng kotse.
BINABASA MO ANG
Everything I Want [Book 1]
Romansa[PUBLISHED UNDER POP FICTION] Handa si Isabela Rose Santiaguel na isakripisyo ang lahat-her wealth, her influence, and her advantageous betrothal to billionaire Morris Reverente-para kay Arkhe Alvarez, isang club DJ and infamous playboy. That's how...
![Everything I Want [Book 1]](https://img.wattpad.com/cover/165118100-64-k265786.jpg)