ARKHE
"ARK? ARE YOU going to sleep beside me tonight?"
Napatingin ako kay Sab na nagsusuklay na ng buhok sa tapat ng salamin. Nakapagbanlaw na kami ngayon at handa nang matulog
"Gusto mo ba akong katabi?" tanong ko.
"Of course. Namiss nga kita. Sleep beside me and keep me warm, please?"
Ngumiti ako. "Sige." Nilapitan ko na siya para pagmasdan sa tapat ng salamin.
Siya lang yata ang babae na ang ganda at ayos na ayos pa rin kahit na matutulog na. Nakasuot siya ngayon ng mahabang bistida na kulay puti. 'Yong parang pang-manika? Sobrang bango niya pa. Amoy na amoy ko ang pinahid niyang lotion sa katawan.
"Why are you staring at me like that?" bigla niya namang tanong nung mapansin ako.
Napangiti lang ulit ako sabay tumuloy na ng lapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. Siniksik ko ang mukha ko sa mabango niyang leeg. "Wala. Namiss lang din kita."
Hinaplos niya saglit itong mga braso ko na nakayakap sa kanya tas umikot na siya paharap sa 'kin. Ang tamis ng ngiti niya. "This is one of the happiest nights of my life."
"Parehas tayo." Inipit ko ang buhok niya sa likod ng tenga niya.
Bigla naman siyang nagbaba ng tingin sa mga peklat ko sa balikat pati sa dibdib. Wala kasi akong suot na T-shirt ngayon. Dahan-dahan niyang hinaplos ang mga 'yon gamit ang daliri niya.
"Wag mo nang tingnan 'yang mga 'yan," sabi ko.
"Hindi ko kayang hindi tingnan, eh. Nakakapag-alala. Iniisip ko kung gaano kasakit nung nakuha mo itong mga sugat na ito."
"Wala lang 'yan. Malayo sa bituka."
Binalik niya ang tingin niya sa 'kin. "Ark, please don't get into fights again."
"Hindi na. May magbabantay na ulit sa 'kin ngayon e." Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan na siya sa noo. "Sige na, tulog na tayo. Madaling-araw na. Maaga pa tayo aalis bukas."
"Okay." Tumapat na ulit siya sa salamin. Tinapos niya lang ang pagsusuklay niya ng buhok tapos nauna na siyang humiga sa malaking kama.
Ako naman, pinatay ko muna ang ilaw bago ako sumunod. 'Yong mga lampshade sa magkabilang gilid ng kama na lang ang nakabukas ngayon.
Pagkahigang-pagkahiga ko, niyakap ko agad siya at sinubsob sa dibdib ko. Ngayon na lang yata ulit ako matutulog nang ganito kasaya.
Tumingala siya sa 'kin at ngumiti. "Goodnight."
"Goodnight. Tulog ka na." Hinalikan ko siya sa tuktok ng ulo at pinahiga na ulit sa dibdib ko.
Hindi pa naman muna ako pumikit. Parang gusto ko lang muna siyang pagmasdan na nakayakap sa 'kin ngayon.
Akala ko hindi na ulit ito mangyayari—ang makakasama ko siya nang ganito. Ang tindi pa rin talaga ng tama ko rito kay Sab. Ilang taon ang lumipas na pinaniwala ko ang sarili ko na wala na akong nararamdaman para sa kanya, pero ito ako ngayon, nasa tabi niya ulit. Sa kanya pa rin talaga ako bumalik.
Sobrang gaan na sa pakiramdam. Para nga akong nabunutan nang malaking tinik sa dibdib pagkatapos naming mag-usap kanina. Pinagtapat ko talaga lahat. Nagtagal kami roon sa jacuzzi kasi sinabi ko lahat ng mga nangyari sa 'kin dati noong nagkahiwalay kami. Kinwento ko na ilang beses akong pumasok sa gulo at maraming beses akong nangbabae.
Sinabi ko na rin lahat-lahat tungkol kay Koko, kung paano kami nagkakilalang dalawa. Inamin ko na hinalikan ko 'yon, pero hanggang do'n lang naman. Walang ibang nangyari sa amin. Akala ko nga magtatampo siya, pero naintindihan niya pa rin. Sobrang bait niya, hindi man lang siya nagbago.
BINABASA MO ANG
Everything I Want [Book 1]
General Fiction[PUBLISHED UNDER POP FICTION] Handa si Isabela Rose Santiaguel na isakripisyo ang lahat-her wealth, her influence, and her advantageous betrothal to billionaire Morris Reverente-para kay Arkhe Alvarez, isang club DJ and infamous playboy. That's how...
![Everything I Want [Book 1]](https://img.wattpad.com/cover/165118100-64-k265786.jpg)