Chapter 20

64.6K 1.8K 421
                                        

ARKHE

ILANG ARAW NA akong walang ganang kumilos. Parang ang sama ng pakiramdam ko na hindi ko maintindihan.

Nagsimula ito nung nagkausap kami ni Isabela rito sa bahay. Hindi na nawala sa isip ko lahat ng sinabi niya sa 'kin.

May parte sa utak ko na gusto ko nang paniwalaan ang paliwanag niya, pero may parte rin na hindi ko kaya at mas gusto ko na lang balewalain kasi mas nangingibabaw pa rin talaga ang sakit na naramdaman ko. Naiisip ko nga na sana hindi ko na lang narinig ang paliwanag niya. Kasi maayos naman na ako ngayon.

Pumikit ako habang nakahiga rito sa kama ko.

Inaantok na naman ako kaso hindi ko magawang matulog kasi baka bigla nang dumating sila Baron. Dadaan daw siya rito sa bahay kasama si Desa para iabot ang kailangan ko.

Nagkaayos na kami ni Baron. Noong nakaraang linggo lang nung uminom kami sa Third Base. Kagagaling lang pala nila ni Desa sa Baguio kaya hindi siya nagrereply sa 'kin nung araw na tinext ko siya. Buti nagka-ayos na rin ang dalawang 'yon. Masaya na ulit sila.

Ako na lang talaga itong malungkot na naman. Tsk, ewan ko ba. Ang daming tumatakbo sa isip ko.

Nabanggit ko nga kay Baron ang tungkol kay Isabela nung uminom kami, pero hindi ko kinwento nang detalyado. Hindi niya alam na nandito na ulit 'yon sa Pinas. Pinalabas ko na lang na sinabi sa 'kin ni Jewel kamakailan lang 'yung totoong nangyari dati kaya nalaman ko rin.

Napaisip din si Baron tungkol kay Morris. Gusto niyang malaman kung gaano raw ba talaga kayaman at ka-makapangyarihan ang taong 'yon para ipapatay pa ako. Kaya 'yon, pinahanap niya yata sa mga kakilala niya kung sino si Morris at kung anong kaugnayan ng pamilya non sa mga Santiaguel. 'Yun ang iaabot niya sa 'kin ngayon kaya siya dadaan dito sa bahay.

Sinabi ko naman sa kanya na wag na kasi baka mahirapan lang siya. Hindi ko rin kasi matandaan kung anong buong pangalan ng lalaking 'yon. Pero sabi niya, susubukan niya lang daw. Gusto niya yata akong tulungan. Hinayaan ko na lang.

Kinuha ko ang cellphone ko ngayon para mag-Internet na lang sana ulit kaso sakto, bigla na namang tumawag si Jewel. Aksidente kong nasagot.

Pinanindigan ko na lang kahit na ayoko pa rin sanang makausap ito. "Hello."

"Hello? Alvarez! Finally, sumagot ka na rin!"

Bumuntong-hininga ako. "O, bakit?"

"Wow, ang seryoso naman ng boses mo. Nagising ba kita?"

"Hindi. Bakit ka tumawag?"

"Wala naman, I just wanna check on you. Ang tagal mo na kasing hindi nagre-reply sa 'kin e. Nasa bahay ka ba ngayon o nasa Third Base?"

"Nandito sa bahay. Kauuwi ko lang kaninang umaga, may set ako kagabi."

"Oh, okay. Anyway, may rason talaga kung bakit ako tumawag bukod sa gusto kitang kumustahin. Pwede ka ba sa Saturday, next week?"

"Bakit, anong meron?"

"Second birthday ng anak ko. Magkakaroon ulit siya ng party. Punta ka ulit."

"Magbi-birthday na naman? Parang ang bilis?"

Natawa siya. "Ano ka ba, last year pa 'yon!"

Natawa rin ako. "Parang nung nakaraang buwan lang e. Lumalaki na ang anak mo."

"Oo nga e. Pero baby ko pa rin. Basta pumunta ka, ha? Aasahan ka namin ng daddy niya ro'n."

"Sige. Saan ba 'yan?"

"I'll just send you an invitation, nando'n ang full event details." Saglit siyang natahimik pagkatapos, bago nagsalita ulit. "Arkhe, by the way, is it okay kung i-invite ko rin si Isabela? Tutal kasi nandito na siya sa Pinas. Iimbitahan ko sana para makita niya naman ang anak ko. Actually, hindi niya pa alam na may anak na ako."

Everything I Want [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon