Chapter 38

64.4K 1.6K 136
                                        

ARKHE

***FLASHBACK***

"Anong meron?" tanong ko agad dito kay Amanda pagkalabas namin ng kwarto ni Sab.

"Dito tayo," sabi niya naman sabay pinasunod ako ng lakad palayo sa kwarto.

Lalo tuloy akong nagtaka. Ayaw niya yata talagang marinig ni Sab ang kung ano mang pag-uusapan namin.

Pumwesto kami malapit dito sa hagdan. Sa itsura niya pa lang ngayon, kutob ko nang seryoso ang sasabihin niya.

"Ano ba 'to?" tanong ko na ulit.

Tipid siyang ngumiti. "Tungkol sa bumaril kay Isabela. Kumuha na kasi ako ng mga tao para hanapin ang nanakit sa kapatid ko."

Nakahinga ako nang maluwag. 'Yon lang pala. Akala ko kung ano na.

"Mag-uumpisa na rin ako sa paghahanap sa grupong 'yon, lalo na sa bumaril kay Sab," sabi ko. "Mamaya nga pupunta ako sa club ko. Aasikasuhin ko ang mga koneksyon ko na pwedeng tumulong sa 'kin. Hindi titigil ang grupong 'yon hangga't hindi nakaka-ganti, e."

"Let's just work together then. Bibigyan kita ng karagdagang tao na pwedeng tumulong sa 'yo."

"Sige." Hindi na ako tumanggi. "Tatawagan ko rin ang isa kong kaibigan. Siya kasi ang mas nakaka-kilala do'n sa grupo."

"Alright. And by the way, I'll give you some bodyguards, too."

Kumunot ang noo ko. "Para saan?"

"Para may magpo-protekta sa 'yo."

"Hindi na kailangan. Kaya ko naman ang sarili ko."

"Utos ito ni Isabela. She wants you to be safe while we're still here in the Philippines."

Hindi na ako lumaban. Tumango na lang ako. "Sige, kayo'ng bahala." Tapos bumuntong-hininga ako. "Ito lang ba ang sasabihin mo sa 'kin?"

Bigla naman siyang umiwas ng tingin. "Actually, may isa pa. Ito talaga ang dahilan kung bakit kita gustong makausap."

"Ano 'yan?"

Ang tagal bago siya nakasagot. "About Isabela's condition. Nakausap kasi ni Morris ang dating doktor ng kapatid ko sa New York."

Ako naman itong umiwas ng tingin. Parang hindi maganda ang kutob ko sa tono pa lang ng pananalita niya. "Anong sabi ng doktor tungkol sa sakit ni Sab?"

"He will need to check Isabela again and do some tests. Pero dahil patuloy sa pagde-develop ang mga symptoms niya at may posibilidad na lumaki na ang tumor, baka raw hindi na basta therapy ang gawin sa kanya."

"Anong ibig mong sabihin?"

Napabuntong-hininga siya. "I'm sorry to say this, but she might undergo surgery."

Napatulala pa ako nang matagal sa kanya bago ako pumikit nang mariin. Bigla akong pinanghinaan ng mga tuhod. "Delikado 'yon, 'di ba?"

"Yes, it is risky. But looks like we have no choice. Kung patuloy na lalaki ang bukol, baka hindi na niya ma-tolerate. It needs to be removed . . .

. . . Actually, ito rin ang sinabi ng bagong doktor ni Isabela dito sa Pilipinas. Pero ayaw tanggapin ng kapatid ko. She wants to look for other options. But the problem is, there's no other best option. Surgery na talaga ang sinasabi ng mga doktor niya."

Napasandal na ako rito sa balustrade ng hagdan. Nag-uumpisa na naman akong lamunin ng takot. "Alam na ito ni Sab?"

"'Yung tungkol lang sa posibilidad na ooperahan siya. Hindi niya pa alam na 'yon din ang sinabi ng doktor niya sa New York. Ayoko pang ipaalam sa kanya kasi baka mas lalo siyang matakot. Ang bilis kasing ma-apektohan ng kapatid ko ngayon. Parang hirap siyang tanggapin ang mga bagay. I'm glad you're here. Sa 'yo lang siya nakikinig."

Everything I Want [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon