Chapter 3

103K 2.4K 192
                                        

ARKHE

"LET'S GO?" ALOK na sa 'kin ni Isabela.

Sumunod naman agad ako. Abala na ulit siya sa pagtingin sa mga paintings. Ako naman, abala sa pagtingin sa kanya.

Mas maganda pa siya kaysa sa mga paintings na naka-display rito sa exhibit. Para talaga siyang anghel, ang bait ng mukha niya. Ngayon ko lang siya natitigan na maliwanag ang paligid. Do'n kasi sa club kung saan ko siya unang nakita, ang dilim. Ngayon ko napatunayan na maganda talaga siya. Halata ngang mayaman kasi ang puti at ang kinis ng balat.

Ang tahimik niya lang din. Hindi siya nagsasalita habang naglalakad kami. Ang hirap tuloy bumanat kasi pati itong buong lugar, ang tahimik din. Parang bawal mag-ingay. Ibang-iba sa mga bars at clubs na pinagta-trabahuan ko.

"Ito naman pala ang mundo mo, 'no?" tanong ko na para may mapag-usapan.

Tumingin siya sa 'kin at ngumiti. "Mm-hmm. Hindi ka ba sanay?"

"Hindi masyado. Pero maganda. Madalas ka talagang pumunta sa mga ganitong exhibits?"

"Yeah, this is my place. Someday, gusto ko ring makapag-exhibit ng kagaya ng ganito." Ngumiti ulit siya sa 'kin. "I paint."

Natigilan ako. "Talaga? Painter ka?"

Namangha ako ro'n. Mukhang naka-jackpot talaga ako kasi artist pala siya.

"I've been painting since I was little," dagdag niya naman. "Pero hindi ko kayang ipakita sa iba ang mga gawa ko."

"Bakit?"

"I don't know. I guess I lack the confidence."

Napangiti ako. "Sigurado namang magaling ka. Sa akin mo ipakita 'yang mga paintings mo, ako ang magsasabi kung kaya mo nang mag-exhibit."

Natawa lang siya, tapos biglang umupo roon sa bench na katapat ng isang malaking painting.

Tumabi ako. "Pagod ka na? Mukhang kanina ka pag nag-iikot."

"No. I just love staring at this one. Binabalik-balikan ko ito, eh. Namamangha kasi ako. It's beautiful, isn't it? Oil paint ang gamit diyan kaya ganyan kasarap sa mata."

Tiningnan ko rin. Wala akong kaalam-alam pagdating sa mga ganitong bagay kaya hindi ako makasagot. Pero oo nga, maganda ang painting.

"I admire the artist behind that work," sabi niya pa. "Ang galing niya kasi sa mga portrait paintings, eh. Hindi ko kaya 'yon. Hindi ko kayang mag-paint ng mga tao."

"Nasubukan mo na ba?"

Tumango siya. "Many times. But I always fail."

"Ano bang mga pinipinta mo?"

"Landscapes. I love painting gardens, rivers, mountains. Gusto ko ang mga ganoong lugar. Very calm, very peaceful."

Napangiti na lang ako. Habang pinakikinggan siya, napapagtanto ko na magkaiba kami ng mga hilig.

Bigla niya akong tiningnan. "First time mo bang pumunta ng art exhibit?"

"Hindi naman." Kunyari ko lang 'yon, pero first time ko lang talaga.

"So you really do attend these kinds of events? Anu-anong mga exhibits na ang napuntahan mo?"

Hindi ako nakasagot. 'Langya mukhang napasubo ako, ah. "Hindi ko na maalala, medyo matagal na eh," palusot ko na lang.

Mabuti na lang kumagat siya. Nginitian niya lang ako, tapos tumayo na mula sa bench. "Let's go, ikot na tayo ulit."

Sakto namang nahulog ang panyo niya. Pinulot ko agad para ibalik. "Sab. Panyo mo."

Everything I Want [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon