Chapter 10

74.7K 1.9K 160
                                        

ARKHE

MABILIS KAMING NAKARATING sa bahay. Wala pa yatang twenty minutes. Malapit nga lang kasi talaga.

Pinarada ko itong kotse sa tapat tapos nauna na akong bumaba para pagbuksan at alalayan si Sab. Pansin ko ngang napatitig agad siya sa mataas na gate ng bahay namin.

"Who lives here with you?" tanong niya.

"Wala, ako lang. Bakit?"

"Nothing. It's just, it's quite huge for a single person."

"Paanong malaki. Wala pa nga ito sa 1/4 ng mansion niyo. Sa pamilya ko kasi talaga itong bahay. Pero sa Batangas na sila nakatira ngayon, kaya ako na lang mag-isa dito." Binuksan ko na itong gate. "Halika na."

Pagkapasok namin, binuksan ko agad 'yung mga ilaw tapos pinaupo muna siya sa ro'n sa sofa sa may sala.

"Sorry, magulo," sabi ko. "Ako lang kasi mag-isa kaya hindi ako masyadong nag-aayos."

Tiningnan niya naman ang buong bahay. "It's okay. Hindi naman totally magulo, e."

"Gusto mo ng maiinom?" alok ko pagkatapos. "Softdrinks? Umiinom ka ba no'n?"

"Mm-hmm."

"Sige, saglit lang. Kukuhanan kita."

Pumunta ako sa kusina. Pero bago ko ilabas 'yung bote ng Mountain Dew sa ref, hinugasan ko muna itong kamao ko dito sa may lababo. Ngayon ko lang tuluyang naramdaman 'yung sakit ng pag-sapak na ginawa ko kanina. Matagal-tagal na rin akong hindi napapa-away. Pasalamat talaga 'yung gagong 'yon na hindi ko siya pinuruhan.

Pagkatapos maghugas, kinuha ko na 'yung softdrinks na binili ko nung isang araw. Tapos pasimple kong tiningnan si Sab do'n sa sala habang nagsasalin ako ng inumin dito sa mga baso.

Inaayos niya ang damit niya pati ang nakalugay niyang buhok na medyo kulot. Napangiti ako. Sa lahat ng muntik nang mapahamak, siya 'yung maganda pa rin.

Binalikan ko na siya pagkatapos para ibigay na itong baso ng softdrinks.

"Ayos ka na ba?" tanong ko.

Ngumiti lang siya sabay tinanggap itong baso. "I'm feeling better now. Medyo kinakabahan pa rin, pero hindi na katulad kanina. Thank you."

Nginitian ko lang din siya. Halata ngang maayos na ang pakiramdam niya kahit papaano. Hindi na kasi siya namumutla tsaka nakakangiti na rin siya ulit.

"Kinabahan din ako sa 'yo kanina," sabi ko. "Akala ko hindi kita maaabutan. Wag mo nang uulitin 'yon, ah? Wag ka na uling aalis nang wala kang kasamang bodyguards. Tinakot mo ako."

Napayuko siya. "I'm sorry."

"Ayos na. Basta kapag gusto mo akong makita, tumawag ka lang."

"O-okay." Pinatong niya 'yung baso niya ng softdrinks sa katabing mesa, tapos bigla niyang inabot ang kamay ko.

Hinaplos niya ang kamao ko na pinang-sapak ko kanina. "Does it hurt?"

"Hindi naman."

"Namumula siya."

"Wala lang 'yan. Sanay naman ako."

Nag-angat siya ng tingin sa 'kin. "Are you sure?"

Tumango ako. Tapos hinaplos ko siya sa buhok. "Pahinga ka muna dito. May gagawin lang ako saglit."

Bumalik ulit ako sa kusina. Parang bigla kasi akong ginutom sa nangyari.

Binuksan ko isa-isa itong mga cabinet dito para maghanap ng pagkain. Buti na lang may noodles pa pala ako. Hindi ako madalas nagluluto dito sa bahay kasi kumakain naman ako sa labas.

Everything I Want [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon