ISABELA
Four years later (present time)
"So, have you had any luck finding him?" tanong sa 'kin ni Amanda na ka-video call ko ulit ngayon.
Napabuntong-hininga na lang ako at umayos ng pagkakaupo rito sa kotse habang nasa byahe pauwi sa bahay. She's talking about Arkhe again.
"Negative," I answered. "Pero nag-umpisa na akong ipahanap siya kila Lukas nung nakabalik ako rito sa bansa several weeks ago."
"At wala pa ring balita hanggang ngayon?"
Umiling-iling ako. "They're doing their best, though. Siguro sa mga susunod na araw, makakapag-report na rin sa 'kin si Lukas. Hindi ko pala siya kasama ngayon. 'Yung ibang mga bodyguards ko ang sumama sa 'kin."
"Okay." She smiled. "What are you feeling right now? Kinakabahan ka ba sa idea na posibleng makita mo na ulit si Arkhe?"
"Of course. And scared, too. Alam ko naman kasi na malaki ang galit niya sa 'kin dahil sa ginawa ko. Parang naiisip ko na nga kung anung magiging reaksyon niya kapag nagkita na kami ulit. Siguro ipagtatabuyan niya ako. Baka nga mapatay niya pa ako."
"What are you talking about? Bakit niya naman gagawin 'yon. It's been four years already. Who knows, baka naka-move on na siya."
Napangiti na lang ako nang mapait sabay ayos sa knitted shawl na nakapatong sa mga balikat ko. "I don't think that's possible. Ako nga, hindi pa nakaka-move on. And he hates me too much to forgive me that fast and easily. Siguro kung nakita mo ang itsura niya at narinig mo lahat ng sinabi niya sa 'kin noong naghiwalay kami, malalaman mong sobrang nasaktan ko talaga siya. Malamang sinumpa niya ako kaya ako nagkaganito ngayon." Natawa pa ako kunwari.
"Tumigil ka nga." Bigla namang sumeryoso ang boses nitong si Amanda. "Hindi biro 'yang nangyayari sa 'yo, 'wag mong pagtawanan."
Natahimik na lang ako.
At siya, napahinga nang malalim. "Anyway, naisip mo na ba kung anong mga sasabihin mo once makapagusap na kayo?"
"Yes. Naplano ko na sa isip ko lahat. I will explain everything to him. Alam kong posibleng hindi niya paniwalaan o baka hindi na siya interisado, pero magpapaliwanag pa rin ako." Sumandal ako rito sa upuan ng kotse at bumuntong hininga rin. "This might be my last and only chance, Amanda. Ayokong sayangin. Gusto kong gawin ang lahat ng makakaya ko para maibalik namin ang dati at maging maayos na ulit kaming dalawa."
"I admire how determined you are. If you need more people to help you look for Arkhe, just let me know. Padadalhan kita ng dagdag na tauhan diyan."
"No need. May tiwala akong magagawa ni Lukas nang maayos ang trabaho niya."
"Okay. Just keep looking for him, Isabela. Pero kapag nahanap mo na siya at pinagtabuyan ka niya, please, 'wag mong ipagpipilitan ang sarili mo. Just let go. Remember, you have your health to think about."
"I know. You don't need to keep reminding me that."
"Sinasabi ko lang. I'm worried here. Kaming lahat dito. Ewan ko nga ba kung bakit ulit kita hinayaang mag-isa diyan e. We all know you're not well."
"Amanda, please."
Natigilan siya. Pumikit siya nang mariin at tumango-tango na lang. "I'm sorry. Alam kong gusto mong mamuhay nang normal diyan sa Pilipinas. Hindi ko na dapat sinasabi ang mga ito sa 'yo."
Umiwas ako ng tingin. Parang bigla akong nawala sa mood dahil sa mga pasimpleng hirit niya. "Mag-usap na lang ulit tayo next time. Malapit na ako sa bahay."
"O-okay. Uhm, by the way, Morris called me last night. Kinukumusta ka rin niya. Gusto niyang malaman kung nahanap mo na raw ba si Arkhe. Sabi niya, kung may iba ka pa raw na kailangan diyan, handa siyang ibigay agad. Gusto mo raw bang magpalagay ng new painting materials sa art room mo para may iba kang mapagka-abalahan diyan?"
BINABASA MO ANG
Everything I Want [Book 1]
Romance[PUBLISHED UNDER POP FICTION] Handa si Isabela Rose Santiaguel na isakripisyo ang lahat-her wealth, her influence, and her advantageous betrothal to billionaire Morris Reverente-para kay Arkhe Alvarez, isang club DJ and infamous playboy. That's how...
![Everything I Want [Book 1]](https://img.wattpad.com/cover/165118100-64-k265786.jpg)