ARKHE
"UHM, HEY," BATI agad sa 'kin ni Isabela nang sagutin ko ang tawag niya sa cellphone ko. "I'm sorry, but where are you now?"
"Malapit na diyan. Pasensya na, na-traffic ako."
"Oh, okay! I'm just worried, akala ko hindi ka na darating. I'll wait for you here. Ingat ka sa pagda-drive."
"Sige." Binaba ko na itong tawag at dumiretso lang sa pagmamaneho.
Naka-pangako ako sa kanya na magkikita kami ngayon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama 'tong ginagawa ko o may patutunguhan ba. Pero gusto kong subukan. Ang laki ng mga bagay na napagtanto ko nitong mga nakaraang araw.
Unang-una, ang labo nung sa amin ni Koko. Simula nung gabi na uminom kami, biglang hindi na ulit siya nagparamdam. Kaya tinanggap ko na siguro, wala lang talaga 'yung sa amin. Baka kaibigan lang talaga. Hindi na ako nagpumilit.
Pangalawa, sobrang laki ng pagkukulang ko kay Isabela. Ito talaga 'yong hindi nagpapa-tahimik sa 'kin ngayon. Kaya ginu-gusto ko ring makipagkita sa kanya.
Nagsimula lahat 'tong pakiramdam na ito nong binuksan ko na ang envelope na binigay ni Baron.
Nasa loob pala no'n ang listahan ng ilan sa mga taong pinapatay nila Morris. Halos lahat ng importanteng impormasyon tungkol sa baho ng mga Reverente, nahagilap ni Baron. Ang hirap paniwalaan, pero totoo pala talagang kayang magpapatay ng taong 'yon. Ibig sabihin, posibleng totoo rin ang paliwanag sa 'kin ni Isabela.
Tangina, mas lalo akong nanliit nung naisip kong ako pala itong may mas malaking kasalanan. Bigla akong naliwanagan, e. Parang nabuksan ang isip ko. Hindi naman sa nawala na lahat ng sakit at galit na naramdaman ko, pero nabawasan.
Ang bigat ng sinakripisyo ni Isabela kung sakaling totoo ngang hiniwalayan niya lang ako para hindi ako mapahamak. Sobrang tapang niya na ginawa niya 'yon. Gano'n niya ako ka-mahal.
Tsk, bakit ba kasi masyado akong nagpalamon sa sama ng loob. Pinersonal ko lahat imbis na alamin ko muna kung ano ba talaga ang totoo. Galit na galit pa ako, samantalang siya naman pala ang dapat magalit dahil masyado akong naging matigas.
Ngayon, ewan ko kung paano ako makakabawi. Aminado kasi akong medyo may takot pa rin akong ibigay ulit ang buong ako sa kanya. Hindi na ako katulad ng dati, ang dami ng nagbago sa 'kin. Pero gusto ko uling subukang sumugal. Uunti-untion ko muna, hindi ko bibiglain lahat. Basta susubukan ko.
ILANG SAGLIT PA, nakarating na rin ako rito sa tapat ng bahay nila Isabela.
Tinext ko na siya, tapos inayos ko itong buhok ko saglit, tsaka ako bumaba ng kotse. Dito ko na siya sa labas hihintayin.
Mayamaya lang naman bumukas na rin itong malaking pinto ng bahay nila. Nakita ko na siya na naglalakad palabas, may kasamang isang lalaking. Natatandaan ko, ito rin ang kasama niya ro'n sa birthday ng anak ni Jewel.
"Hi!" Bati niya agad sa 'kin.
Ngumiti lang ako nang tipid.
"I'm sorry, ang tagal ko ba?"
"Hindi, sakto lang."
"Akala ko kasi nainip ka na. By the way, this is Lukas." Pinakilala niya ang kasama niyang lalaki. "My new head bodyguard."
Tinanguan ko lang. Bagong bodyguard pala ito. Hindi kasi gano'n ang dating niya sa 'kin.
"Tara?" tanong ko na rito kay Isabela.
"Okay."
Pinabuksan ko na siya ng pinto ng kotse. Pagkasakay niya, umikot na agad ako papunta sa kabilang pinto para sumakay na rin. Gusto ko nga sanang ako ulit ang magkabit ng seatbelt niya, kaso naunahan niya na ako.
BINABASA MO ANG
Everything I Want [Book 1]
Aktuelle Literatur[PUBLISHED UNDER POP FICTION] Handa si Isabela Rose Santiaguel na isakripisyo ang lahat-her wealth, her influence, and her advantageous betrothal to billionaire Morris Reverente-para kay Arkhe Alvarez, isang club DJ and infamous playboy. That's how...
![Everything I Want [Book 1]](https://img.wattpad.com/cover/165118100-64-k265786.jpg)