Kyle’s POV
Ramdam ko ang pag-init ng aking mga pisngi, panlalamig ng aking kamay at paa, at pagtulo ng malamig na patak ng aking pawis.
Anong kalokohan to Ms. Stupid?
Hawak nya ang aking batok at sinakop nya ang aking labi.
Hindi ako marunong humalik.
'Yan ang isa sa mga bagay na hindi kailanman na hindi pumasok sa aking isipan. Hindi ko alam kung paano tutugon sa halik.
Kinagat nya ng marahan ang aking labi at ramdam ko ang kanyang malalambot na labi sa aking labi.
Hindi ko namalayan ang sarili ko na hinapit ang kaniyang baywang palapit sa akin at nakapikit na tumugon sa kanyang halik.
Ngayon ko lang nalaman na matamis pala ang isang halik.
Para akong nalalasing ng isang matinding uri ng alcohol.Matindi pa ito tumalab sa beer. Naramdaman ko nalang ang kanyang dila sa ibabaw ng aking pang-ibabang labi.
Pakiramadam ko ay napasailalim ako sa kanyang hipnotismo o napainom ako ng isang gayuma o ginamitan nya ako ng kakaibang mahika.
Habang wala sa sarili kong dinadama at sinasagot ang kanyang halik ay naramdaman ko ang kaniyang pag-ngisi. Ngunit parang wala lang iyon sa akin at itunuloy ko pa rin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay kami lang ang naroon sa lugar na iyon.
"K-kyle?"
Nabuksan ko ang aking mga mata at nabalik ako sa ulirat. Naitulak ko si Rae ngunit lalo nyang diniin ang halik. I don't know but I can't resist.
"K-kyle?"garagal na tawag sa akin ng isang boses. At buong lakas kong itunulak si Rae palayo sa akin. Hindi siya tumilapon pero inalis nya na ang labi niya sa labi ko. Ngumiti siya sa akin ngunit idinikit niya ulit iyon,kinindatan nya ako at hinila si Lea. Bago siya umalis ay nagsalita muna siya.
"The Drama is off! Continue what all of you doing before we interrupt it or you will taste the pits of hell!" sabi ni Rae ng nakatingin sa ibang estudyante na nagkunwaring wala lang silang nasaksihan.
Nagulat ako ng lumingon siya sa akin. She gave me her mocking sweetest smile as she whisper something.
"Your lips taste good"
Again she smile and pull Lea out of the Cafeteria. Hindi pa ako nakakalingon ay sinampal ako sa aking kanang pisngi ni Chisa. She was crying. Halatang kanina pa dahil mukhang hindi napunasan ang mga luha nya dahil natuyo ito sa kanyang pisngi.
"A-akala ko b-ba babawi ka sa akin?" tanong niyang utal sa akin.
Ugh! I hate you Rae!! Ms. Slut!
"She is the one who kissed me!" sagot ko kay Chisa pero isang malutong na sampal na naman ang inabot ko.
"At sarap na sarap ka naman?" now we are the center of the attention again!
Mukha tuloy nagkaroon ng Part 2 yung eksena kanina.
"No!" sinampal na nya naman ako. Chisa please, listen to me!
"Anong hindi? Ako ba talaga ginag*go mo?! T*rantado ka talaga Kyle! Hindi ako bulag! Wala akong katarata! Dalawa ang mata ko! Kahit lumuluha ako kitang-kita ko ang pagpikit mo at pagsagot mo sa halik ng babaeng yon! Kitang-kita ko rin kung paano mo ninanamnam yung labi ng babaeng yon!" sigaw niya sakin. Lahat nakatingin sakin lalo na sila Reim at Rain na blangkong nakatingin sakin.
"...." I was speechless
Tumadyak si Chisa at hinagis nya yung tatlong mesa sa isang kisap-mata.At lahat ng estudyante ay napaiwas.
Nakatingin siya sa akin ng deretso sa mata. I can see the pain,sorrow and sadness in her eyes.
"See? Youre speechless because I am right! Hindi naman sana ganito ako magagalit Kyle eh! 'Yun yon Kyle eh!"sambit nya at napahagis ulit ng isang mesa at upuan sa malapit.
"Kasi Kyle depende sana kung.."
Kung?...
"Sana kung nung nililigawan mo ko nakuha ko yung first kiss mo.." mahinahon pero mahihimigan ang panghihinayang sa boses nya.
Sana kung nung nililigawan mo ko nakuha ko yung first kiss mo
Sana kung nung nililigawan mo ko nakuha ko yung first kiss mo
Sana kung nung nililigawan mo ko nakuha ko yung first kiss mo
Sana kung nung nililigawan mo ko nakuha ko yung first kiss mo
First Kiss? Does it really matters?
Napapitik si Chisa,wala akong masabi dahil lahat ng sinasambit nya ngayon ay tama!
"Oo!" tumango sya at lumingon sakin.
"A-ano yon Chisa?" na sabi ko na lang. Hindi mo mapapakalma kahit kailan ang nagwawalang Chisa Feng.
"Yung first kiss mo! 'Di ba? Ako yung nililigawan mo for 4 years na! Since Grade 9! Pero ano? P*ta! Dahil pinaniwala ko yung sarili ko sa mga salita mong 'magagawa kong hinatayin ang sagot mo', 'Oo mo lang ang matatanggap ko' at higit sa lahat ay yung 'Labi mo lang ang unang hahalikan ko!' Langya!! Lahat yon pinaniwalaan ko!! Pero kahapon lang narinig ko sa mismong bibig mo na 'girlfriend mo that ugly Cathy bitch!' tapos ngayon naman makikita kong harap-harapan may HINAHALIKAN KA? putek! Sa sobrang pagkabagot mo! Humanap ka na ng iba? Langyang kapalaran 'to! HUDAS KA TADHANA! Lintek talaga! Naunahan pa ako ng ahas! Bwisit!" tinanggap ko nalang lahat ng mga salitang sinabi niya. Hindi ako pwedeng umiyak. Di ko sya pwedeng pigilan dahil katapusan ko na kung saka-sakali.
"Kyle!" pagtawag sakin ni Chisa.
"Simula sa araw na ito ay hindi na kita kilala! Kalimutan mo ng may isang Chisa Feng na nabuhay at kakalimutan ko na ring may nanligaw sakin for four years na.."
"Na dapat ay sasagutin ko na ngayon!"
---
BINABASA MO ANG
The Wars' Legacy (On-Hold)
Action"Years ago, the first heiress of the Fuentez Clan gone missing." NOTE: Gonna edit this later and do so much changes for the better of my story. The Wars' Legacy [Formerly entitled as W. Academy Fighters' Around] A novel by SakamakiYuii Started : Jan...