Chapter 29
Third Person's Point Of View
“GET HER!”agad na kumaripas ng takbo si Rhaine, hinawakan niya ang kutsilyo niya at mabilis na sinaksak ang katabi at inagaw ang baril saka tumakbo.
Ang flashbang na hinagis niya ay nambulag ng marami sa kalaban. Tatlong bomba nalang ang natitira sa kanya. Ang isang F. Gang Leader ay laging may dalang bomba. Mukha mang lokohan pero kailangang laging mayroon ka nito para sa seguridad mo.
Lumiko si Rhaine para magtago sa likod ng mga halaman.
‘Sh*t! Bakit ko ba iniwan ang sapatos ko!? Hindi ko na mababalikan yon!’
Itinuon niya nalang ang pansin niya sa pag-iisip ng paraan para makatakas, ng wala na siyang marinig na ingay ay nagpalipas siya ng halos bente minutos doon, pagkatapos ng bente minutos ay may sumigaw.
“WALA NA DITO!”tama ang kanyang hinala na hinintay lang siyang lumabas ng mga ito sa pinagtataguan niya.
“Knight! Andito si boss”sigaw ng isa, at kasunod nun ay mga malulutong na mura. Ng wala ng ingay ay lumabas na siya.
‘Lechugas!’
Pagmumura ni Rhaine sa isip niya ng may katanang halos pumugot sa ulo niya. Agad siyang tumalon paabante at pagtingin niya ay isang babaeng nakasuot ng all black.
‘Ninja’
Napangisi nalang siya ng hindi niya akalaing may ninja ang grupong dumukot sa kanya. Hindi niya akalain na ganito kahigpit ang ginagawang pagbabantay sa kanya. Agad siyang sinugod nito, umiwas lang siya ng umiwas at nung napagod na ang kalaban niya ay agad niyang sinaksak ang leeg nito ng walang alinlangan at binaon ito ng todo saka inikot-ikot ito tsaka marahas at mabilis na tinanggal ang pagkakabaon ng kutsilyo sa leeg nito. Tumakbo na siya dahil siguradong patay na ito, pero ganon nalang ang pagtaas ng mga balahibo niya sa batok ng maramdamang may tao sa likod niyas pero huli na, dahil nabaril na siya nito sa balikat.
Tatakbo sana siya kaso nabaril na siya sa paa, nagkaroon na sya ng dalawang tama agad-agad hindi pa nakakalayo.
“No one can escape from me, Warianne Rhaine Fuentez, and you deserve a punishment for escaping”sambit ng lalaking bumaril sa kanya.
‘Knight’
“Napakarami mong—”hindi na natapos ni Rhaine ang sasabihin niya ng sikmuraan siya nito at pukpukin ng baril sa sintido banda na dahilan ng pagkawala ng malay nito.
“Di ka pwedeng mamatay, Rhaine”
* * *
Rhaine's Point Of View“MIA! HINDI KA PWEDENG LUMABAS NG BAHAY!”napatingin nalang ako sa sobrang labong mukha ng isang babae. Parang abstract painting ang lahat ng tao. Hindi ko makilala.
Napatingin nalang ako sa isang batang babae. T-teka.. Siya lang ang hindi malabo. Kita ko ang kulay brown niyang mata at medyo yumyuko siya. Kulay brown din ang buhok niyang nakabraid at may suot siyang bracelet na ang disenyo ay kadena.
“O-opo”humikbi siya at agad niyang tinakpan ang bibig niya dahil dun ay agad na nanlisik ang mata ng babaeng nakatayo sa harap niya.
“MIA!”nakabibingi ang sigaw ng babaeng nasa harap ng bata. Pigil na pigil ang pag-iyak ng bata.
“Camia...”lumingon ang bata sa babae at ganon na lang ang gulat ko ng umalingawngaw ang isang malutong na sampal sa buong silid.
“PINAPAKITA MO SA AKIN NA ISA KANG MAHINANG NILALANG!”nakayuko lang ito at sumenyas ang babae dun sa bata at agd itong tumakbo paakyat.
Agad kong sinundan ang bata at nakatanaw siya sa bintana. Umiiyak siya at nakatingin sa isang puno. Bigla nalang itong gumalaw at isang batang malabo ang mukha ang nakita ko.
“Sama ka sakin, laro tayo”mugtong matang tumingin si Camia sa batang lalaki.
“B-bawal”mahinang sabi nito.
“Bilis! Maglalaro kami ng basketball sa bakanteng lote”agad na sumilay ang isang maaliwalas na ngiti ng bata. Parang nawash out lahat ng lungkot niya. Nakita kong bumaba yung bata at halos mapugto ang paghinga ko ng bigla nalang niyang tinalon ang bintana at ang kwartong ito ang nasa ikatlong palapag.
“WAAAAGGG!”
*BOOGSH!*
“A-aray”parang nalasog ang mga buto ko sa pagkalaglag ko sa kama.
Huh? Kama?
“Asan ako?”tinignan ko ang paligid, gawa sa kahoy ang paligid pati ang papag. Lumingon ako sa kaliwa at ganon nalang ang gulat ko ng masawsaw ko ang kamay ko sa maligamgam na tubig. Ngayon ko lang narealize na meron palang towel ang ulo ko kanina.
Parang nahihilo ako...
*knock**knock*
“Gising ka na pala hija”napalingon ako sa babaeng may hawak na umuusok na mangkok na sa tingin ko ay lugaw.
“S-sino po kayo?”nalilito ako. Wala akong matandaan. Ang alam ko ay binubugbog ako nung mga kung sino tapos nawalan ako ng malay.
“Ako si Felicia, nakita ka ng asawa ko at ng anak ko sa dalampasigan.”h-hah?
“D-dalampasigan?”takang tanong ko. Panong napunta ako dito? Dalampasigan? Teka!?
“Aling Felicia, nasaan po tayo ngayon? At anong petsa na po?” kinakabahang tanong ko dahil sigurado akong hindi ko magugustuhan ang maririnig ko.
“Oktubre 13, 20xx na hija, at nasa Palawan ka.”seryosong saad sa akin ni Aling Felicia.
ANO?!
SERYOSO? OCTOBER 13?!
EH PARANG SEPTEMBER LANG NUNG NAKARAAN AH?!
AT...
ANONG PALAWAN?!
WHUT THE HELL!?
NAKAPAGTRAVEL AKO NG TULOG?!
---
Finally! Haha, gusto ko na talagang tapusin tong story na to. Hehe...
July 12, 2019
#RhaineFirstPOV?
~Makki~
BINABASA MO ANG
The Wars' Legacy (On-Hold)
Action"Years ago, the first heiress of the Fuentez Clan gone missing." NOTE: Gonna edit this later and do so much changes for the better of my story. The Wars' Legacy [Formerly entitled as W. Academy Fighters' Around] A novel by SakamakiYuii Started : Jan...