Chapter 25

8 0 0
                                    

Chapter 25

Asia's Point Of View

Nabitawan ko yung hawak kong box, mabuti nalang at nasa mesa nalaglag.

"RAE!"napalingon ako kay Rae ng isigaw ni Juliet ang pangalan niya.

Nahimatay siya, pakiramdam ko nanghihina ako, kung hindi nga siguro ako nakaupo baka nasa sahig na ako. All of us have conclusion at mukhang hindi na gulat si Ryan dahil mukhang alam niyang daliri ang nandito. Pero hindi niya rin kayang tignan ulit.

Dalawang daliri, dalawang putol na daliri, presko pa ito, halatang kakaputol lang, isang tao lang ang naiisip kong nagmamay-ari nito.

'Warianne Rhaine Fuentez'

"Asia, ayos ka lang?"napaligon ako sa kanan ko, andun si Reim. Halatang naluluha rin siya pero pinipigilan niya. Si Kyle dineretso si Rae sa clinic.

Hinawakan ko ang mukha ko. Basa, umiiyak ako? Umiiyak na ako? Bat di ko alam?

I inhale and then exhale, pinunasan ko na rin yung luha ko, kulang nalang itusok ko na yung panyo ko sa mata ko dahil di pa rin tumigil ang luha.

"Inumin mo to"binigyan ako ni Reim ng bote ng tubig, tinanggap ko iyon at ininom, halos wala ng natirang tubig.

"Kumuha kayo ng Jar o kahit anong pwedeng lagayan! Tapos yelo! Para mapreserve!"sinigaw ko kaagad, tumango naman si Eunice at Jiro na tumakbo at naghanap ng pinahahanap ko.

"Asia, di tayo sure kung kay Rhaine nga yan!"sabi ni Gem.

"DNA Test! Hindi naman kabawasan sa kayamanan natin kung ipapa-DNA yan diba?"sabi ko nalang...

"Sige tatawagin ko lang si Principal Wins—"hindi ko na siya pinatapos at nagsalita.

"Walang dapat makaalam na may nagpadala ng ganito sa atin, papakialaman nila ito at mawawalan tayo ng karapatan mag-imbestiga ng sarili natin. At si Principal? Wala siyang kwenta! Siya mag-uutos sa iba para mawalan tayo ng koneksyon tungkol sa kaso ni Rhaine"sabi ko na nagpatahimik sa kanya. Ayaw ni Principal na may makaalam ng sa kaso ng pagkawala ni Rhaine. Malaking sira iyon sa kanya at maaari siyang ipapatay ng magulang ni Rhaine dahil sa ang sabi niya on-going ang kaso at sa kung ano-ano pang napakawalang kwentang dahilan niya at REALTALK! Hindi sa sinisiraan ko pero, ang UTO-UTO ng mga Mafia! Jusko! I said na palusot lang yon lahat pero hindi ko alam kung anong sinabi niya sa mga magulang namin, oo! Lahat ng magulang ng members ng F.Gang ay pinoprotektahan yang lintek na Winston na yan! Ako lang at ang F.Gang ang syempre, ang nakakaalam non. Gusto kong mapatalsik yang si Principal kasi isipin mo kung may ginagawa talaga siya tungkol sa kaso si Rhaine ay! Malamang alam na namin kung sino ang hype na dumukot kay Rhaine.

"Eh? Paano naman natin malalaman kung kay Rhaine na daliri ba talaga yan?"tanong ng kadadating lang na si Jiro kasama si Eunice. Naglagay muna ng mga yelo si Eunice sa Jar tapos ginamit yung tweezers para makuha yung dalawang duguang daliri. Nandidiri pa rin si Eunice, kasi yung daliri, hindi basta-bastang putol. Isipin mo yung daliri na may dugo talaga na to the point hindi mo makita yung mismong balat tapos pati laman, LABAS!

"I know who can help us!"sabi ko at napatitig naman sa akin sila Reim,Eunice,Jiro,Ryan at Gem.

I know who!

***

"So? Anong meron mga Fighters ng W.Academy at nagtipon-tipon kayo sa aking office? Balita ko sa mga nurses, hinimatay yung isang Fuentez?"nagyayabang si Dr. Fullen.

Yup! Si Dra. Agatha Fullen, siya ang hambog at nakakabwisit na doctor nung si Lea ang nalaglag sa hagdan.

"I want you!"tinuro ko siya "To help us!"sabi ko at ibinaba ang kamay.

Tumingin siya sa akin at humagalpak sa tawa. Aba! Mukha ba akong nagjojoke?
Nakakapikon siya! She is a doctor! Tsk.. Very unprofessional!! Tsk tsk tsk!

Tinignan ko siya ng masama at nung makita niya yon ay nagseryoso siya.

"Ayoko, so what now? Pagbabantaan nyo ba ako na buong angkan ko hanggang sa salinlahi namin ba ang papatayin nyo?"sarkastiko nyang sabi sa amin.

"No, because isusuplong kita sa mga pulis na nag-sasagawa ka ng mga DNA Test kahit hindi ka pwede at ikaw diba ikaw din yung kumukuha ng mga lamang-loob ng mga taong nahuhuli ng sindikato? Oh my! For sure tapos ka pagnangyari yon!"yes I can do that! I am not afraid of cops, kasi kahit mag-background check sila sa akin, wala silang mapapala! Me, being a F.Gang Leader in this academy will not be spread outside this academy. Ipapatay ang sino mang gumawa non!

Natahimik siya at nag-isip. I did a background check on her, at dahil one call away lang dahil sa ako si flower, naasikaso agad.

Maya-maya ay napailing siya.

"Tsk..tsk..tsk.. Fighters Gang.. Pangalan pa lang, palaban na!..akala ko yabang lang dahil sa yaman nyo! It was a big mistake that I underestimate all of you! Lalo ka na Incarnate!.. Hindi ko alam na mga tuso pala talaga kayo!"alam ko na ang kasunod ng speech nya.

Tumayo siya at sinenyasan kaming ilock ang pinto,patayin ang ilaw at sumunod sa kanya.

We followed her and kung ano-ano ang kinalikot niya hanggang sa may nagbukas na kung ano, phew! Buti nalang pinadala ko kay Jiro ang mga daliri.

Bumukas ang isang sikretong pintuan. Pagpasok namin otomatikong nagsara iyon.

Puti, puro puti ang paligid maliban sa mga chemical sa test tubes, mga akala mong alak na umuusok sa mga Flasks. At kung anong sinusunog ng isang bunsen burner.

"My Lab"Dr.Fullen introduced.

"Buti pa si Dr.Fullen may 'lab' ako single yata forever, diba? Jiro?"ayos din si Eunice ah? Hindi halatang nagpaparinig? At hindi siya panira ng moment?

But back to reality. Nilingon ko si Dr.Fullen na nakatingin sa amin.

"Done fantasizing at my 'lab' ?" sinasakyan ba ni Doktora ang trip ni Eunice? Tch! I dont care.

"Jiro, gave her the jar. Reim, alam mo na gagawin mo!" I commanded na tinanguan nilang dalawa.

Naghintay kami hanggang sa matapos sila sa pagkuha ng mga samples. Humarap si Dr. Fullen samin at nagsalita.

"Ibibigay ko sa inyo ang results in 3 days,hindi ko sisirain yung daliri"sabi niya at tumango ako, mabilis na rin yun!

We left her lab and office at ako nagpaplano na sa isip ko. Basta isa ang sigurado..

Kapag kay Rhaine ang daliri..

Ibig sabihin nasa tabi-tabi lang ang mastermind sa pagdukot sa kanya.

---

Yesh naman! Nakagawa pa rin ng chapter although it was lame.

Valentines? Think of something..

Dedicated to you! @Cruz_lexy para may clue ka kung paano ko pinapatay sa aking 'murderous mind' yung taong nagdadamot sakin ng wamport! One-fourt lang eh! Siya nga makahiling sakin talbog ko pa wishing well ih..

✔ Date I wrote this : 02/13/19

✔ Updated :

✔ SakamakiYuii

The Wars' Legacy (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon