Chapter 31

2 0 0
                                    

Chapter 31

Wariana's POV

Nakabalik kami sa Academy ng ligtas, but there's something wrong here. Strange, ang tahimik ng paligid. Una kong naisip ay ang balikan ang dorm. The deadly silence, there's something!

“Asia?! Lea?!” natataranta ako habang binubuksan ang mga ilaw. Parang nagkakarera ang puso ko habang naghahalughog. Una kong pinuntahan ay 'yung kwarto ni Lea. Akala ko may makikita akong tulog na Lea sa kwarto pero wala, tanging isang note lang.

Looking for her?

Tama ako, may nangyari sa Academy habang wala ako. Lea is not someone who loves pulling pranks and tricks, same as Asia, kaya may nangyari bago kami nakabalik.

Babalikan ko na sana si Kyle pero wala akong inabutan, it felt like he vanished in the thin air. I tried searching for Asia. But I found nothing except the phone that was laid in her bed. Nung binuksan ko, isang kulay lang ang sumalubong sa akin. Black was the wallpaper of the lockscreen pero there's something written on it.

Wanna find them? Swipe up!

I swiped out the lockscreen and the same color was once again presented but this time, another message is typed in it.

The voice recorder. Listen, Raena.

Agad kong clinick ang voice recording app at isang recording lang ang nandoon. Random name, I listened.

Hi, Raena. You loved playing mind games right?

Who am I, Raena?  Pinatay mo ako. That's the biggest clue!

I heard the voice chuckled. A woman's voice is calling me Raena. My heart raced so fast when I realized what it just said.

Pinatay?! Wala akong pinatay na tao!

Don't be shocked. Oh, wait, your dear Academy? They are under my possession. Nakawala kasi ang alas, kaya kailangan kong maghagilap ng ibang baraha.

Do you know how to play cards? Poker? So tell me, wala ang alas sa akin, hulaan mo kung ano ang hawak ko?

Anyway, I want you

...dead, just like what you did to her. You b*tch is still blind. Tama na ang pagbubulag-bulagan mo Raena. Oras na para magbayad ng utang.

Your sweet friend,
Akimoto

Then three gunshots were fired and cries are able to be heard in the last twenty seconds of the recording.

Parang nawindang ako habang iniisip ang mga nangyayari. Bakit ako? Ano bang nangyari?!

Agad akong bumaba at nagpunta ng gymnasium. Parang may bumara sa lalamunan ko habang pinagmamasdan ang mga bangkay ng ilang estudyante at ng mga sunog na facility ng school.

Sinong demonyo ang naghasik ng lagim sa Academy?

Hanggang sa naramdaman kong may isang malakas na pwersa ang pumalo sa ulo ko kaya agad akong nahilo at napaluhod dahil nawalan ako ng balanse.

“Hindi ako papayag na makatakas ka. Kahit si kamatayan, kakasabwatin ko, makapaghiganti lang.”

Wala akong naintindihan sa mga narinig ko ng nawalan na ako ng malay.

***

Komportable. 'Yan ang una kong napansin ng maimulat ko ang mata ko. Hindi ako nakagapos o nakabusal. Maayos ang pakiramdam ko bukod sa hilo.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid, hindi ako makapaniwala sa napansin ko. Paanong nangyaring narito ako sa Mansyon namin?! Kwarto ko ito, agad akong tumayo at sumilip sa bintana ko, nilanghap ang sariwang hangin. Napahawak ako sa bakal na harang sa ibaba ng hagdan pero agad ko din tinanggal ang kamay ko pero hindi ko magawang alisin sa pagkakadikit mag kamay ko.

“AHH!” napapaso ang kamay ko at parang minamagnet lalo ng init ang balat ko. Hinila ko ng paulit-ulit ang kamay ko palayo sa mainit na bakal ngunit hindi tumatalab. Napagbuga ako ng hangin bago buong lakas na hinila ang mga kamay kong natutunaw. Ang laking ginhawa sa pakiramdam ko ng matanggal ang palad ko sa pagkakapaso.

“Ugh! Ang sakit!” nanunuot sa laman ko ang paso. Parang nangitim ang mapuputi kong palad sa sobrang init. Napaluha ako dahil sa sakit, agad akong napaupo pabalik sa kama ko dahil mabilis akong nanghina. Napanikit pa ako kapag may dumidikit sa palad ko. Nang magkaroon ako ng lakas, agad akong tumayo at tumakbo kahit malapit lang ang lababo para hugasan ang duguan kong kamay. Mabilis na umagos ang dugo sa lababo. Napapasigaw ako sa sobrang sakit ng mga palad ko sa tuwing napapatakan ng nakakanginig sa lamig na tubig. Pakiramdam ko namumutla ako, malamig ang tumatagaktak na pawis sa aking noo. Patuloy ang pag-agos ng aking luha dahil sa sobrang sakit. Napalingon ako sa pinto ng aking kwarto. Iniisip ko kung paano ko bubuksan ang pinto gamit ang doorknob ng hindi ito hinahawakan.

Wala ng oras na dapat aksayahin, agad ko itong nilapitan. Naghanap muna ako ng tela para mailagay sa doorknob. Nakakapagtaka kung bakit sobrang init ng bakal sa bintana. Pero dahil hirap ang idikit iyon sa doorknob, kahit na para ng inihaw ang kamay ko, hinawakan ko ang doorknob. Napaiyak ako ng nagyeyelong lamig ang bumungad sa palad ko. Muling kumirot ng mas matindi ang aking paso, ngunit desperado na akong makawala sa impyernong ito. Sinubukan kong galawin ito, nagbabaka-sakaling mabubuksan ngunit kahit anong gawin ko, hindi ito nagbubukas.

The door is locked. I'm trap in my own room.

Napasandal ako sa dingding ng aking silid, hindi sinasadya akong napatingin sa vanity table ko. What caught my attention is the mirror. Isang babaeng namimilipit sa sakit, may namumulang mga kamay at namumutla. She's wearing a white dress, it has a black belt in the waist.

The girl is me, but there's something different.

Parang pinukpok ng maso ang ulo ko kaya napahanap ako ng upuan. Ang upuan sa tapat ng salamin ang una kong nakita kaya kahit nangangatog ang tuhod ay napatakbo ako palapit doon at napaupo. Another tear escaped in my left eye as I unconsciously.

“Raena! Tulungan mo ako!”

Her wavy hair is flowing down reaching her waist. Her innocent eyes were watered and asking for my help. She has the pointed nose and pink lips. Estimating her age, she's I think 12 years old.

She exactly looked like my 12 years old self. But her angelic voice gave me the doubt. She's standing infront of her window. Touching the metal part of it. Namumula ang mga palad n'yang nagsisimula ng mangitim.

“Tulungan mo ako, Raena”

“Why would I?

...Ate?”

Agad kong nahugot ang aking hininga habang may mga luhang umaagos sa aking mga mata. Para akong nalulunod at sa wakas naka-ahon din. Isang puting papel ang nakadikit sa salamin. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay at labi habang binabasa ang sulat.

Why did you chose to left me, Raena?

Why you chose to forget me? Am I not a good Ate to you?

———

Ang tagal bago ko naisipang i-update ang WAFA. Mabuti nalang tapos na ang plot nito sa utak ko.

Push ko ang Mystery/Thriller & Action genre nitows. Hehehe.

Nasimulan ko ng i-rewrite ang story na ito. After I finish this is it, pancit, i-uupload ko ang edited version. This book pa din.

Lovelots,
Makki

The Wars' Legacy (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon