Prologo

11.3K 119 0
                                    

Siya si Elisa, isang babaeng taga San Carlos probinsya ng La Union na tila taglay ang lahat ng kagandahan. Isa itong rehistradong guro at nars ngunit kasalukuyan itong nagtatrabaho sa isang sikat na unibersidad sa kanilang lugar.



Bata pa lamang ito ay hangad na niyang matulungan ang ama't ina na maiahon sa kahirapan. Mangingisda ng kanyang ama habang nagtitinda naman ang kanyang ina.



Napakabuti ng diyos dahil nakapagtapos siya sa kolehiyo at nakakuha ng degree kahit ganoon lamang ang estilo ng kanilang pamumuhay.



Mayroon itong kapatid na kambal na sina Elijah at Isaiah na nasa ika-labing isa na sa senior high.



Halos abutin ng walang taon bago siya kaagad nasundan dahil sa hirap na pagbubuntis ng kanyang Ina na si Dahlia. Tanging dasal lang ang ginawa niya kahit wala pang kamuwang muwang dahil sa kagustuhan na magkaroon ng kahit isa manlang na kapatid.



Kaya laking pasasalamat nalang niya ng sabihin sa kanya ng Ina na buntis ito at magkakaroon na siya ng kapatid at kambal pa. Sa bibliya mismo galing ang pangalan ng kanyang kapatid bilang pasasalamat sa poong maykapal.



Kilala siya sa pangalan Elisa ngunit Hestia naman ang tawag sa kanya kapag nasa unibersidad ito. Lahat yata sa kanya mapapalingon kapag napapadaan ito sa pasilyo ng paaralan.



Hindi naman kasi ikakaila ang kagandahan nitong taglay. Hindi ito gaanong kaputian dahil morena ang balat niya at wala siyang balak baguhin iyon.



Tamang tama ang pagkakahulma ng mukha at napakakinis noon. Hindi naman gaanong katangkaran ang ilong ngunit maayos na rin atleast matangkad naman ang taas niya.



Mayroong manipis na labi at higit sa lahat ang nakakaakit nitong mga mata na halos isang titig lang ay tila mahuhumaling sa kanya. Kulay itim naman iyon pero sadyang may epekto talaga lalo na sa mga taong tinititigan niya.



Tila kapag tinititigan ka gamit ang matang iyon ay sinisindihan ka ng apoy at tila nag iiba ang ihip ng hangin. Ganoon yata kalakas ang dating niya sa iba.



Masasabi niyang mahirap man ang buhay pero masaya naman ito dahil kumpleto ang pamilya niya na sa kanya'y nagbibigay ng saya at inspirasyon upang gawain niya ang mga bagay bagay. Subalit tila may kulang talaga na halos hindi niya manais kung ano.



Siguro hinahanap nito ang taong bubuo sa kanyang pagkatao. Ang taong tatanggap sa kanya ng lubos kahit ganoon ang kanyang kinalakihan na pamumuhay.



Kailangan niya ng taong mag uunawa sa bawat desisyon at gagawin niya sa buhay. At ang isang taong ipaparanas sa kanya kung gaano siya ka-importante sa mundo.

SEDUCTRESS - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon