ABALA ako sa aking ginagawa mula sa aking lamesa at katatapos ko lang na magturo sa dalawa kong klase nang bumukas ang pinto. Nakita ko ang pagpasok doon ng kapwa ko guro na si Ulap at Klea.
"Magandang hapon Binibining Elisa! Anong meron at hapon na pero ang fresh mo pa rin." Hindi nito mapigilang puri sa akin na dinugtungan naman kaagad ng kasama nito.
"Oo nga 'no. Anong meron?" Nagtatakang sabi pa nito.
Kahit kailan talaga ay walang araw na hindi ako nito kinulit at binwisit.
"Naglagay lang ako ng kaunting pulbo." Sagot ko at muling tinuon ang atensyon ko sa sinusulat ko.
"Maniwala kami sayo." Sabi pa ni Ulap kaya napakunot noo akong tumingin sa kanya. Ngunit inirapan niya lang ako.
"Di ka manlang magsabi na ininvite at dinala ka pala ni Pres. noong kaarawan ng Lolo niya." Tila nagmamaktol na sabi nito na ikinagulat ko.
Pa—paanong nalaman nila?
"Oo nga friend!" Dagdag pa ni Ulap.
"Sa—sandali pa-paano niyo nalaman..."
Hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ko ay bigla na namang bumukas ang pinto dahilan para maitutok naming doon ang aming mga atensyon.
Sa suot nitong kulay asul na napakapormal tingnan ay napakagwapo nito pagmasdan. Parang ayoko ng ilipat pa ang paningin ko sa iba. Sa kanya lang.
Kasi bumibilis ang pintig ng puso ko. Mas lalo na naman ako nahuhulog sa lalaking ito lalo na't sa ngayon ay may dala na naman itong bulaklak.
"Good afternoon Mr. President!" Aniya ng dalawa ng tuluyan itong makapasok.
Base sa kanilang mukha ay gulat na gulat ito at hindi makapaniwalang nandito muli ang aming boss.
"Ah sige ho, muna na ho kami..." Nagkukumahog pang sabi ni Klea atsaka hinila nito si Ulap na animo'y ayaw pang magpahila.
Natatawa nalang ako at napapailing dahil sa mga ginagawa nilang dalawa. Kaya naman hindi sila nagkakaroon ng nobyo dahil pareho silang mapait at masungit.
"Ano hong ginagawa mo rito Mr. President? Oras ho ng trabaho." Patay malisya kong sabi at nanatiling itinuon ang aking mata sa aking ginagawa.
"Silly, mi amour! It's five o'clock in the afternoon." Aniya tsaka natawa. Nagnakaw tingin naman ako sa orasan at alas singko y kinse na nga. "Anyway, I bought some flowers for you." Tsaka niya dinampian ng halik ang noo ko na ikinawala ng aking sistema.
"Sa susunod nga ako naman ang gagawa sayo nito." Sabi ko at inamoy ang kulay pulang mga rosas na ibinigay niya. "Salamat..." Nakangiti pang sabi ko sa kanya na kaagad naman niyang ginantihan ng ngiti.
Nagtitigan lamang kaming pareho at kapagkuwa'y parehong natawa.
"Why are so beautiful huh? Talaga bang nagpapaganda ka sa akin?" Sabi niya tsaka naupo sa tabi ko.
Grabe ha! Habang tumatagal yata ay mas lalong humahangin ngayon ang lalaking ito.
"Mawalang galang na ho at itatatama ko lang ang sinabi mo." Giit ko at itiniklop ang papel na nasa harap ko.
Narinig ko pa ang munti nitong pagtawa ngunit kalaunan ay sumeryoso muli ito.
"Hindi ako nagpapaganda sayo Mr. President. Kasalanan ko ho ba na nagagandahan kayo sa akin?" Dagdag ko tsaka tinaasan ito ng kilay.
