Kabanata 19

1.6K 44 1
                                    

MAAGA pa lamang ay binayaran ko na ang bill ni Itang sa ospital upang makauwi kami kaagad. Inip na inip na ito mula sa kalagayan niya at gustong gusto ng umuwi.



Pilit kong itinatago ang nararamdaman ko sa mga ito ng hindi ito mag alala sa akin.



Eksaktong alas otso ng tuluyan kaming makarating sa bahay.



"Tang tama na ho ang pagtatrabaho. Magpahinga na lamang ho kayo. Tingnan niyo, inaatake na kayo sa puso. Dapat sa inyo ay dito nalang sa loob ng bahay at namamahinga." Sabi ko sa Tatay ko habang inaalalayan itong makaupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy.



"Salamat anak ha ngunit mababaliw lamang ako kapag dumito ako sa loob ng bahay at walang ginagawa." Sagot pa nito dahilan upang magpakawala ako ng buntong hininga.



"Tang naman 'wag na ho kayong makulit. Tingnan niyo po halos lahat kami nataranta dahil sa nangyari sa iyo." Giit ni Ice na sa ngayon ay inaayos ang mga gamit na dinala sa ospital. "Nang oh, si Itang ang kulit. Pagalitan niyo kaya yan." Sumbong pa nito kay Inang na kasalukuyang nag aayos rin ng gamit.




Nanatili lamang akong tahimik at bahagyang inayos ang mga gamit galing ospital.



"Sa susunod ho punta ho tayo sa mall para naman makapasyal tayo roon." Suhestyon ko sa mga ito dahilan upang lingunin ako nila.




Nagtataka ang mga titig nito na isinawalang bahala ko lang.



Ang totoo kung bakit naisip ko iyon ay gusto ko silang makasama kahit sa huling mga sandali ng aking buhay. Gusto kong makita ang mga ngiti sa kanilang labi bago ako tuluyang mawala.



Kahit sandali ay mapasaya ko lamang ang mga ito at maibigay ang kani kanilang gusto.



Iniisip ko pa lang iyon ay maraming ng nabubuo sa aking utak kung ano ang gagawin sa mall.



Gusto sumaya lang ang mga ito. Gusto kong makita mula sa labi nila ang mga ngiti.



"May problema ba, Anak?" Sandali akong napatigil sa ginagawa ko nang napansin ako ni Inang.



Napaangat tingin naman ako at kitang kita ko ang pag aalala nito sa kanyang mukha.



"Bakit ang tahimik mo? Hindi ka masyadong kumikibo at nagsasalita? Anong nangyari?" Tinabihan naman ako nito.



Lihim naman akong napalunok tsaka bahagyang umiling dito.



"Magkaaway na naman ba kayo ni, Daeus anak?" Tanong pa nito.



Napayuko ako ng magsimulang manginig ang aking mga labi.



Sa huli ay hindi ko nasabi kay Inang ang totoo. Hindi ko nasabi na mayroon akong malubhang sakit. Ayokong mag alala ang mga ito.



Nang makaramdam ako ng panghihina ng katawan ay nagpaalam ako sa mga ito na magpahinga muna sandali.



BANDANG hapon ng ayain ko ang mga ito na pumunta sa gilid ng dagat upang mamasyal at lumanghap ng preskong hangin. Masaya naman ako't pumayag ang mga ito.



"Tang alam niy po kapag nakaipon na ko at may sapat na pera na, gusto ko lumipat tayo sa Maynila. Pakiramdam ko ay mas maganda ang buhay roon. Ano sa palagay mo, Tang?" Pagtatanong ko kay Itang.



Na kasalukuyan kaming nasa maliit na kubo gawa sa kawayan habang sina Inang naman ay abala sa pamumulot ng kabibe.



Alam ko namang hanggang pangarap na lamang ang lahat ng sinabi kong iyon ngunit wala namang masama. Wala namang mawawala at wala namang bayad kapag may pangarap.



SEDUCTRESS - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon