"Dae—us anong ginagawa mo dito? Ba–baka may makakita sa atin." Hindi ko mapigilang hindi ito hilahain patungo sa tagong lugar.
Ni halos wala manlang ito kapaki–pakialam sa paligid kung may makakita sa aming dalawa o wala.
"What?" Tila naiinis pang tanong sa akin.
Napanguso naman ako dahil sa inasta nito. Napailing nalang siya at hinila ulit ako palabas ngunit pahakbang palang kami ay tanaw na namin ang kapwa ko guro.
Kaagad ko siyang hinila paalis sa lugar na iyon. Nagpasalamat naman ako ng makapasok kami sa sasakyan nito.
"Hanggang kailan ba tayo ganito?" Tanong nito sa akin na ikinalingon ko.
"Ha?" Kunot noo ko pang tanong. Napapalo naman ito sa manibela na ikinagulat ko. "Daeus." Asik ko.
"Woman I don't like it. Ayoko ng ganito na para tayong tangang nagtatago kapag may mga tao." Masungit niyang sabi.
"Ano bang dapat natin gawin? Eto naman ang tama di ba?" Sambit ko sa kanya.
"Of course not." Pagsusungit niya. "Look at me!" Aniya.
Bumilis ang paghinga ko ng biglang ilapit nito ang kanyang mukha at nakipagtitigan ito sa akin.
Jusko po, yung–yung hininga niya. Ba–bakit ang bango? Amoy fresh mint na kendi.
"Dae–daeus...." Halos ibulong ko nalang iyon sa kanya.
"I wanted to introduce you in public." Malamlam ang pagkakasabi niya sa akin noon at bahagya pang hinaplos ang aking pisngi.
"E hindi mo–hindi mo naman ako no–bya. Bakit mo ko ipapakilala sa lahat?" Nagtatakang tanong ko. Sa ngayon ay hawak na nito ang pisngi ko.
"Fuck, w–hy are you so innocent." Nabubulol nitong hayag sa akin na ikinalunok ng laway ko. "I'm sorry!" Dugtong niya.
Naramdaman ko ang pag hapit nito sa akin at niyakap ako.
"Do you like me?" Rinig ko pang bulong niya.
Parang nakain ko naman ang dila ko sa sobrang pagkatahimik ko.
"Paano kapag sabihin kong o–o?" Inosente ko pa ring sabi sa kanya at bahagyang napakagat sa aking mga labi sa sobrang kabog ng aking dibdib.
Natigilan naman siya at hindi makapaniwalang tiningnan ako.
"A–i'm serious here woman." Sabi nito sa striktong tinig. Napalabi muli ako dahil sa pagsusungit naman nito.
"Seryoso naman kaya akong nagtatanong ah. Doon ka na nga." Marahan ko itong tinulak palayo sa akin. "Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang katulad mo. Ha–los na sayo na ang lahat." Sabi sabi ko habang nakatingin sa labas. "Tsaka—sandali—bat ka nakangiti dyan?" Naputol ang dapat kong sasabihin ng makita ko itong nakangiti na mas lalong dumagdag sa kagwapuhan nito.
"Tinatanong ko lang naman kung gusto mo ako, ang dami mo ng sinasabi." Bakas sa mukha nito ang tuwa.
Nag iwas tingin tuloy ako dahil nakakailang ang ngiti nito. "I'm asking you? Again." Seryoso na muli ang boses nito.
"Daeus..." Naisambit ko.
"Do you like me or not?" Pagtatanong nito.
Sasabihin ko ba?
