Kabanata 14

2.3K 42 0
                                        

STRICTLY IN PRIVATE YUNG BS GUYS HEHE SOWWY PO✌️






"GOOD morning—mi amour!"


Isang nakakakiliting hinihinga ang tumama sa aking leeg dahilan upang magising ako. Tila mabigat pa ang talukap ng mata ko at hindi basta basta iyon na bumukas.


"Wake up—hm! Let's eat break—fast together!" Naramdaman ko naman ang pagyapos nito sa akin at mas lalong idinikit ang aming katawan.


Kaagad tumama ang sikat ng araw sa aking mukha na ikinasilaw ko kaya napabaling ako ng tingin sa aking katabi. Kitang kita ko ang pagsilay ng mga ngiti nito sa kanyang maninipis na labi.


"Morning—beautiful!" Aniya tsaka kinantalan ng halik ang aking mga labi.


Awtomatiko namang gumuhit ang malapad na ngiti sa akin. Ganito pala ang pakiramdam 'non. Ang gaan—ang sarap lalo na't gumising ka tapos katabi mo ang taong mahal na mahal mo.


"Good—morning, Mr. Pre—si...dent!" Paos na paos ang boses kong sabi dito. Narinig ko naman ang marahang tawa nito.


"Kumusta ang tulog? Are you in pain?" Nangunot naman ang noo nitong nagtanong sa akin.


Halos sabay pa kaming napatingin doon na ikinapula lalo ng pisngi ko.


Naisuko ko na sa kanya ang bandera!


Umiling naman ako. "Wala naman akong nararamdamang sakit." Sa ngayong hindi pa ako gumagalaw. Sabi kasi nila mahapdi daw iyon lalo na kapag nababasa tsaka—jusko ano ba naman 'tong iniisip ko.


"Tell me if it is hurt!" Seryosong wika niya na dahang dahan kong ikinatango.


Napayuko muli ako dahil sa nararamdaman kong pagkailang sa kanya. Minsan gusto kong batukan ang sarili ko.


"Are you happy? O nagsisisi ka?" Napaangat ako sa klase ng tanong niya sa akin.


Walang mababakas na anong emosyon sa kanyang mukha.


"Look, we've just made love—baby. And it doesn't mean that I will leave you after! Seriously, I will take responsibility of what happened between us. I really do!" Tuloy tuloy na sabi niya sa seryosong tinig.


Iniabot ko naman ang mukha nito at ikinulong sa mga palad ko. "Hindi ako nagsisisi, okay!" Aniya tsaka marahang pinatakan ng mababaw ng halik ang malambot na labi nito.


Masayang masaya ako sa totoo lang tsaka ang gaan ng nararamdaman ko.


Tinitigan lamang ako nito at ngumiti ng malapad.


"I love you then..." Aniya at tila hindi mawala wala ang mga ngiti nito.


Halos pamulahan lalo ako ng mukha ng gumalaw ito at umusog pa ito palapit. Ang init init ng katawan nito na ikinakailang ko.


"Daeus." Sabi ko. Ang likot likot kasi nito at tila hindi mapakali.


Malakas ako nitong tinawanan na tila ba'y may ginawa akong nakakatawa.


ILANG minuto pa ang itinagal namin bago kami tuluyang bumangon. Hindi pa man kami nakakalabas ng kwarto ngunit rinig na rinig ko na ang bangayan ng mga kaibigan nito.


Nalaglag pa ang panga ko ng mabungaran namin ito na tila nag uunahan sa harap ng pinto.


"What the hell are you doing here?" Awtomatikong nagsalubong ang kilay ni Daeus ng makita ito.


SEDUCTRESS - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon