ELISA'S POV
"How are you sweetheart?" Tanong sa akin ng daddy ko.
Kakatapos ko palang inumin ang aking gamot at narito siya upang bantayan ako dahil umalis si Inang at may inaasikaso. Gayundin sina Itang ay wala rito at sa ngayon ay kami lamang mag ama. Wala rin si Daeus simula ng magpaalam siya sa akin kanina upang sagutin ang tawag.
Hanggang sa ngayon ay nahihiya pa rin ako sa totoong ama ko. Hindi ko alam kung anong gagawin sa tuwing magkakausap kaming dalawa.
Sinusubukan ko naman na makiusap ng maayos ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang hindi mahiya.
Base sa ikinuwento sa akin ni Inang kani kanina lamang ay nalaman ko ang lahat at sa palagay ko ay mabait naman ito at kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mukha.
Ngayon masasabi ko na kung kanino ako nagmana. Kaya pala nagtataka ako kung bakit wala akong kamukha kila Inang at Itang dahil sa totoo kong Tatay pala ako nagmana. Halos hugis lamang ng mukha ang nakuha ko kay Inang at ang lahat na ay sa Daddy ko na.
"Tell me kapag hindi maganda ang pakiramdam mo." Hindi nito mapigilang mag alala sa akin.
"Opo, Da—ddy." Sagot ko pero sa totoo lang ay nahihiya pa ako sa kanya kahit paano.
"Sweetheart bakit—bakit pati ang sakit ko dati minana mo sa akin. I'm worried for you, baby." Aniya sa malambing na boses at hinawakan ang kamay ko.
Nanginig naman ang labi ko at napayuko. Hindi ko rin alam!
Nabanggit sa akin ni Inang na mayroon itong CLL dati at sa kanya ko siguro namana ang sakit na iyon. Ngunit nalabanan niya iyon sa tulong ng doktor na tumitingin sa akin ngayon. Si Guiou.
At ngayon ko lamang nalaman na step son pala niya ito. Anak ito sa pagkadalaga ng kinakasama niya ngayon.
"Gusto kong gumaling ka rin katulad ko, sweetheart!" Dagdag nito na ikinalunok ko ng laway. "Please do it for me, sweetie. Gusto pa kitang makasama ng matagal." Nakikiusap na saad niya sa akin.
Nakagat ko nalang ang aking labi tsaka dahang dahang tumango.
"Gu—gusto ko rin ho kayong makasama pa. Gusto ko rin hong maranasan ang pag aaruga niyo, Da—ddy." Gusto ko pa siyang makilala ng matagal.
Naisip ko, paano ang mga taong nagmamahal sa akin kung iiwan ko sila? Kung susuko ako, masasaktan ko sila lalo na si Inang na halos ginawa ang lahat upang mabigyan lamang ako ng maayos at matiwasay na buhay.
Si Daeus? Lalo na at inaya na ako nitong magpakasal. Siguro sapat na iyong dahilan upang lumaban ako. Ayoko siyang iwan. At hindi na ko makapaghintay dumating ang araw ng pag iisang dibdib naming dalawa.
"I'm looking forward for it, baby. Gustong gusto kitang makasama pa ng matagal ngunit sa ngayon kailangan mo munang magpagaling, okay? We'll find professional doctors for your medication—together with Guiou. Tapos kapag magaling ka na, doon ka muna kasama ako. Sabi ng Mama mo gusto mo raw maging doctor. I'll help you sweetie....daddy will help you!"
Bigla namang nag init ang magkabila kong mata sa sinabi nito.
"And Daeus—about your fiancé baby. I'm really glad na mahal na mahal ka niya—that he can do everything for you. Basta masaya ako kung saan ka masaya." Hinaplos naman nito ang buhok ko. "May I see your ring?" Aniya pa niya.
Sumilay maman ang matamis na ngiti sa aking labi at ipinakita iyon sa kanya.
"Miss ko na agad siya, Daddy. Saan kaya siya nagpunta." Tanong ko.
