Kabanata 1

7.8K 93 13
                                    


ELISA

"Mis-ter President?" Nagkakanda-utal utal at tila balisa kong sabi ng unti unti itong lumalapit sa aking kinaroroonan.



Halos pagpapuwisan ako ng malapot dahil sa sobrang kaba. Seryoso ang titig nito sa akin at hindi manlang kumurap.



"Hindi mo lang alam kung gaano mo ako naaakit sa simpleng ginagawa mo." Bumalot ang malamig nitong boses sa apat na sulok ng kanyang opisina. Nanginginig ang labi ko dahil sa nangyayari ngayon.



Hindi ko naman kasalanan iyon dahil sa pagkakaalam ko ay wala naman ako sa kanyang ginagawang atraso. Nagtatrabaho lang ako ng maayos.



Kusang naipikit ko ang aking mga mata ng padausdusin niya ang kanyang daliri sa aking pisngi. Gustuhin ko mang tumakas sa ngayon ngunit hindi ko maihakbang ang mga paa ko.



Kilala siya bilang isang Presidente ng unibersidad na ito at lahat ng estudyante't guro ay takot sa kanya lalo naman yata ako. Iba ang angking taglay niya dahil bukod sa napakamakapangyarihan nito ay ubod ng yaman ang pamilya niya. Kayang kaya nitong gawin ang lahat ng kagustuhan niya at binabayaran niya lamang iyon ng malaking halaga ng pera.



"Pa-sensya na po k-kung na-akit kayo. Hi-ndi ko po sina-sadya." Nagkanda buhol buhol na ang salita ko habang binibigkas ko iyon. Napapikit lang ito tsaka umiling.



"Too innocent." Kay sarap sa tengang pakinggan ang tawa nito.



Sa ilang taon kong pamamalagi sa unibersidad na ito ay ngayon ko lang narinig ang tawa niyang iyon. Kadalasan kasi ay palagi itong seryoso, galit o kaya naman sumisigaw.


"Si-r?"



Jusko po! Para akong mawawalan na ng hininga ng ilapit pa nito ang kanyang sarili sa akin. Ipit na ipit na ako gamit ng kanyang katawan at nagmukha tuloy akong palaman dito sa gilid.



Parang kiliti ang hatid ng kanyang hininga sa aking tenga. Ramdam ko ang pagbilis ng aking hininga gayundin ang sa kanya. Kilabot ang naramdaman ko dahil parang tumatayo ang balahibo ko sa aking katawan.



Ilang minuto pa ang lumipas ng manatili lamang kami sa ganong posisyon. Gustong gusto ko na talagang makaalis dito dahil baka mamaya ay may makakita sa amin at ma-isyu pa ako.



"You're beautiful..." Tuluyan akong nanghina ng maramdaman kong lumalapit na ang kanyang mukha papunta sa akin.



Bago pa niya maisagawa ang kanyang nais ay tila parang nagkulay dilim ang paligid. Napapikit nalang ako tsaka nagpadala dito.



Nagising ako sa malambot na kama at hindi pamilyar na lugar. Kaagad akong napahawak sa aking ulo at inalala ang nangyari kani kanina lang. Tila natauhan nalang ako bigla ng unti unti kong maalala ang lahat.



Napatingin naman ako sa aking orasan at halos malaglag ang panga ko ng mapagtanto kong alas kwatro y medya na ng hapon.



Bagsak naman ang aking balikat dahil hindi ako nakapasok sa klase. Ngayon ko pa man din sinabi na may long quiz ang mga estudyante ko. Naawa ako dahil alam kong umasa at naghintay sila sa akin ngunit hindi ko naman sila sinipot.



"I'm glad you're awake now. Pinag alala mo ako." Naagaw ang aking atensyon sa nagsalita mula sa aking likuran. Para akong nakikita ng multo sa ngayon.



Napakagat naman ako ng aking labi tsaka bumangon mula sa pagkakahiga.



"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Seryosong tanong niya sa akin na tango lamang ang aking naisagot. Er, naiilang ako sa nangyayari. Nakakahiya!



SEDUCTRESS - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon