Kabanata 12

1.7K 39 0
                                    


LAHAT aligaga. Lahat may kanya kanyang ginagawa. Lahat ay tila hindi mapakali. Lakad dito, ayos doon. Pati ako ay naguguluhan na sa mga taong nasa paligid ko sa ngayon.

Mapa-empleyado man ay tulong tulong sa pagdidisenyo at pag aayos ng hotel kung saan gaganapin engrandeng kaarawan ni Daeus.

Gustuhin man nitong itigil ang paghahanda para sa kanyang kaarawan ngunit hindi nito mapipigilan ang mga taong nasa likod ng pag oorganisa ng ganitong pangyayari.

"Ihanda mo na ang sarili mo, Friend. Mukhang balak ka ng ipakilala ni Mr. President bilang nobya niya." Pinandilatan ko naman ito ng mata dahil sa sobrang lakas ng boses nito.

"Ulap.." Tumingin tingin naman ako sa paligid at doon lang ako nakahinga ng maluwag dahil walang taong nakarinig sa sinabi nito.

"Bakit? Wala naman akong sinasabing masama. Ano bang kinagagalit mo dyan?" Sinungitan niya pa ako.

Hindi ko tuloy mapigilang hindi tingnan mula rito sa kinatatayuan ko ang bulto ni Daeus na nasa pabilog na lamesa kasama ang nakatataas na kagaya nito.

"Huwag ka na ngang maingay pwede ba tsaka hindi pa namin napag uusapan ang bagay na 'yun. Siguro naman hindi niya gagawin 'yon dahil kung oo, sana ay nagpaalam iyon sa akin." Pagpapaliwanag ko.

"Hindi ka ba marunong sa salitang surprise. Malay mo, magulat ka nalang na tinawag ka na niya at pinapaakyat sa stage. Halah, Binibini sana mangyari 'yun." Tila ito pa yata ang unang kinikilig kesa sa akin sa ngayon.

"Hindi mangyayari 'yon.." Alam ko namang ayaw akong ilagay ni Daeus sa alanganin at hindi niya gagawin 'yun.

"Eto naman...paano malalaman ng lahat na ikaw ang nakapagpahulog sa loob ng nag iisang Mr. Daeus Levaughn Dela Fuego?" Pagtatanong pa nito na ikinabuga ko ng malalim na hininga.

"Alam mo, hindi naman 'yun importante sa akin. Baka-baka kapag ginawa niya 'yon ay iyon pa ang maging dahilan para pag-usapan ako dito sa Unibersidad na kailanman ay ayokong mangyari."

Unang una ay ayokong husgahan at mabatikos dahil lang sa may relasyon kami ni Deus. Oo, alam kong maraming matutuwa ngunit alam ko ring maraming maiinis at magagalit.

Higit pa roon ay baka pagbuntungan pa ako ng galit at mga masasakit na salita ng ibang tao.

"Kuntento ka na sa pribadong relasyon, ganon ba 'yon?" Naguguluhan nitong sabi na ikinatango ko nalang. Muli akong napatingin kay Deus na sa ngayon ay matiim na ring nakatingin sa akin.

"Sino ba namang hindi makukuntento sa ganoon? Basta ang importanteng lang naman 'dun ay mahal niya ko at takot siyang mawala ako. Kaya ano pa ang silbi para ianunsyo niya sa lahat na may relasyon kami kung masaya at kuntento naman kaming dalawa sa nangyayari sa amin ngayon." Hangad lang naman naming dalawa ay maging masaya.

"Sabi ko nga 'di ba, hindi na ko magsasalita pa..." Wala na itong naisagot pa matapos kong sabihin iyon sa kanya.

Para ano at saan pa?

"Anong pakiramdam na titig na titig sayo ang jowa mo?" Pag iiba nito ng usapan.

Sa ngayon ay ibinulong na lamang niya iyon sa akin. Napansin siguro nitong kanina pa nakatitig sa akin si Daeus.

"Ano ba sa tingin mo?" Ibinalik ko sa kanya ang tanong nito sa akin.

"Jusko, friend! Kaya nga ako nagtatanong sayo. Naku, kung ako sana ang nasa kalagayan mo ay baka kanina pa ako nakalupasay sa sahig." Sabi nito kaya napailing ako.

"Bakit kasi hindi ka nalang humanap ng babaeng mamahalin mo." Kesa sa mainggit ito sa akin.

"Ayoko!" Tila masungit nitong sabi sa akin at basta basta nalang akong tinalikuran.

SEDUCTRESS - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon