Kabanata 18

1.5K 34 1
                                    




"So siya pala ang kinababaliwan ni Mr. President?"


Awtomatiko akong natigil mula sa aking paglalakad sa hallway ng unibersidad ng marinig ko ang bulungan sa paligid ko. Maliliit na hakbang ang ginawa ko upang mas lalong marinig iyon.


"Akala mo naman kung sinong maganda. Nagfe-feeling inosente ayun pala gusto lang naman si Mr. President."


"Sinabi mo pa. Isang hamak lang naman na anak ng mangingisda 'yan. Tiyak akong inakit lang naman niya si Sir Daeus. O kaya panakip butas lang yan dahil wala yung dating kasintahan na si Ma'am Amanda. Sus baka katawan lang naman ang habol ni Sir sa kanya."


Halos manginig ang labi ko ng marinig ko ang mga salitang iyon. May kung anong bumara sa aking lalamunan. Tumigil ako at nilingon ang nag uusap na mga kababaihan. Seryoso at matalim ko itong tinitigan pagkatapos ay dali daling umalis doon.


Paano nila nagagawang sabihin iyon? Paano nila napapatunayang tama ang lumalabas sa bibig nila? Eh ni hindi nga nila alam kung ano nga ba ang totoong nangyari. Ang totoo kung bakit kami nagkaroon ng relasyon ni Daeus.


Kung makapanghusga sila ay akala mo naman napakaperpekto nila.


Pilit kong iwinawaglit sa aking isipan iyon ngunit habang papalapit ako sa aking pupuntahan ay mas lalo akong nadudurog. Na kahit papaano ay masakit pa rin para sa akin na ipamukha nila ang mga salitang iyon.


Nagsisisi tuloy akong nagtungo dito. Na sana pala ay iniutos ko nalang sa kapatid ko na kunin ang mga gamit ko. Na sana ay hindi na muli ako tumapak sa lugar na ito kung alam ko lang na ganito ang maririnig ko.


Napatakip ako sa aking bibig habang pigil pigil ko ang aking hikbi na sa tingin ko ay kakawala na anumang oras.


Halos lakad takbo ang ginawa ko upang makarating sa tagong lugar.


Oo, alam kong iilang salita lamang iyon at mababaw lang na dahilan upang masaktan ako pero ayokong pati pagkatao ko ay maapakan dahil lamang doon. Tao ako at marunong ring masaktan. At alam ko naman na hindi totoo iyon.


Pinipigilan kong magpaapekto sa narinig ko dahil unang una pa lang ay wala iyong pawang katotohanan.


Na lahat ng narinig ko ay puro kasinungalingan lamang at hindi dapat ako masaktan. Pero bakit—bakit habang tumatagal ay mas lalong tumatatak sa aking isipan. Na hanggang kailanman ay hindi kami magkakapareho ng ginagalawang paligid ni Daeus.


Malayong malayo ang kinalakihan namin. Pero masama ba kung magmahalan kami? Masama bang kahit ngayon lang ay maging masaya naman ako kahit ilang sandali?


Kasi alam kong sa huli ay hahanap at hahanap siya ng mas higit pa sa akin. Hahanap siya ng taong masusuklian ang lahat ng ibinibigay niya. At alam kong darating ang araw na maghihiwalay rin ang aming landas.



Malapit na! Nararamdaman ko na.


Ano ba naman ang silbi ko sa kanya? Ano ang kaya kong ibigay upang manatili siya sa akin? Ang katawan ko? Siguro tama naman ang sabi nila. Katawan ko lang naman talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. At darating ang araw na magsasawa siya sa akin. Magsasawa siya sa aking katawan at hahanap ng bago at kukumpleto sa kanya.


Napayuko ako at inilabas ang kanina ko pang pigil na pigil na hikbi. Paulit ulit na pumo-proseso sa aking isipan ang masasakit na salita na sinabi sa akin.


Bakit masyado akong nasasaktan? Naiinis ako sa aking sarili dahil don.


Ang bigat sa dibdib. Na animo'y may nakabara na mabigat na bagay doon. Na tila'y nahihirapan akong huminga. Bakit kailangan kong maramdaman ito?


SEDUCTRESS - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon