WARNING | MATURED CONTENT
KINAKABAHAN akong lumapit sa kanya. Nagsisimulang manginig ang aking mga labi ng mapatitig ako sa mukha nitong wala manlang kaemo—emosyon.
Isa isang nagsilabasan ang mga tao roon upang bigyan kami ng pagkakataong makapag usap.
"Daeus—daeus ano bang ginagawa mo sa sarili mo?" Hindi ko alam kung maaawa ako ba ako sa kanya o magagalit.
Pagod na pagod ang kanyang mga matang tumitig sa akin.
"Are you here to end our relationship?" Kaagad na tanong nito sa akin dahilan upang mapalunok ako ng sarili kong laway.
Umiling lamang ako. "Nandito ako kasi alam kong kailangan mo ako." Umabante ako patungo sa tabi nito. "Ano bang ginagawa mo sa sarili mo, Daeus?" Bakas sa aking boses ang pag aalala sa kanya.
Naupo ako sa kanyang tabi at sinubukan haplusin ang mukha nito na kahit kailan ay hindi pa rin nagbabago. Mapupungay man ang kanyang mga mata at tila pagod na pagod, hindi maikakaila ang kagwapuhang taglay niya.
"Kung inaakala mong makikipaghiwalay ako sayo, nagkakamali ka." Panimula ko ng simulan kong haplusin ang kanyang mukha. Tila nasisiyahan ako sa ngayon dahil hindi ito umiwas sa akin at hinayaan lang ako nitong gawin iyon. "Daeus, isa lang ang gusto ko." Dagdag ko at mataman itong tinitigan. "Gusto kong pagkatiwalaan mo ako."
Kaagad itong nag iwas ng kanyang tingin dahilan upang kumunot ang aking noo.
"I'll try my best..." Humina ang kanyang boses. "I missed you...alam mo ba 'yon." Aniya upang mapakagat ako ng aking labi. "..you're making me crazy, mi amour. Binabaliw mo ako." Napakaseryoso nito sa ngayon.
Tanging magawa ko nalang ay mapalunok ng laway ng sunod sunod. May kung anong bumara sa aking lalamunan.
"Take responsibility of me, mi amour. Hindi mo alam kung anong ginawa mo sa akin nitong nakaraang araw. Now, let me punish you."
Mabilis itong naupo mula sa pagkakahiga at iniabot ang aking labi. Napapikit ako ng maramdaman ko ang malambot na labi nitong nakadikit sa akin.
"...I'm sorry, mi amour." Hinging paumanhin niya sa akin habang paunti unti hinahalik halikan ang aking labi. "...I don't know—hindi ko alam. I'm sorry for that and it's not my intention to hurt you." Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi.
Napapikit lamang ako at tumango sa kanya. Naiintindihan ko.
"It will not happen again, baby." Parang batang sabi niya sa akin. "Don't leave me..."
MATAPOS ang insidente na iyon ay bumalik ulit kami sa dati. Ramdam na ramdam ko araw araw ang sensiridad mula sa kanya at talaga namang ipinapakita niya sa akin iyon. Sinusubukan rin nitong sabihin ang mga iilang bagay tungkol sa kanya lalo na sa kanyang pamilya na talaga namang nakakalungkot.
Sa ngayon ay mas lalong naging malapit na kami sa isa't isa. Pinapayagan na rin ako nila Itang na kasama ito at may tiwala na ito sa akin. Na iyong tipong hindi na ako uuwi pa sa bahay at magpapaalam sa kanila na kasama ko si Daeus.
Sobrang saya ko lang dahil sa kanya. Nakalimutan ko na rin ang madilim ba pangyayari dahil lagi nalang si Daeus ang laman ng utak ko sa ngayon.
