Kabanata 3

3.6K 69 2
                                    

Palipat lipat ang tingin naming tatlo sa bawat isa. Naguguluhan at tila hindi makapaniwala si Ulap sa ngayon na nakatayo pa rin sa pintuan habang deretso at seryoso lamang ang tingin ni Mr. President sa bagong dating na kaibigan ko.

Parang may bara sa aking lalamunan dahilan para hindi ako makapagsalita. Hindi ko rin alam kung sino ang uunahin kong kakausapin o bibigyan ng atensiyon.

"Ah–good—morning Mr. President." Yumuko nalang si Ulap para magbigay galang dito. Halos tango lamang ang iginawad sa kanya.

"I'll see you later." Malamig nitong usal tsaka tumayo para umalis. Napatingin nalang ako sa likod nito habang naglalakad palabas ng maliit kong opisina.

Awang pa rin ang labi ni Ulap habang nakatingin sa kawalan. Nag isip naman ako ng maaari kong sabihin sa kanya ngunit ni isa ay walang lumalabas sa bibig ko.

"Elisa....." Tukoy niya sa pangalan ko ng mahimasmasan ito.

Imbis na kausapin ko ito ay nagtungo lamang ako sa aking upuan tsaka naupo roon. "Bakit–bakit hindi mo sa akin sinabi? Ma–may relasyon kayo? Girlfriend ka ba ni–ya?" Tila putol putol na sabi niya sa akin.

"Hindi ah." Kaagad na sagot ko sa kanya.

Totoo naman kasi yun dahil hindi ko naman siya nobyo at wala kaming relasyon tsaka kahapon lang naman kami nagkita ah, hindi ko na kasalanan kung naakit siya nitong mata ko.

"Pinagloloko mo ba ko hoy. Anong ginagawa niya rito—tsaka kailan pa kayo nagkikita't nag uusap?" Usisa niya pa.

Parang gusto ko itong batukan sa ngayon dahil nasa harapan ko na ito at tila desidido talagang malaman ang katanungan niya.

"Kahapon lang naman tsaka magkaibigan lang kami–oo magkaibigan." Sabi ko pa. Wala namang masama sa pagiging magkaibigan.

"Siraulo, Elisa. Hindi ako inosente kagaya mo okay? Alam ko ring hindi uso kay President na makipagkaibigan sa mga empleyado niya." Nakapameywang na ito sa ngayon habang dinadakdakan ako. Napanguso nalang ako dahil sa mga sinabi nito.

"Ano bang mali 'don? Wala naman akong ginagawang masama. Siya kaya itong lumalapit sa akin." Minsan gusto ko ring mainis sa sarili ko dahil sa pagka–inosente ko.

Hindi naman ito nagsalita pa at natahimik nalang bigla.

"Bakit ka ba nagagalit dyan?" Masungit na tanong ko pa sa kanya. Matalim lamang niya akong tinitigan.

"Wala. Oo na ikaw na 'yung maganda." Asik pa niya sa akin na ikinakunot noo ko nalang. "Kaya ka ba nawala kagabi dahil magkasama kayo?" Mapanuyang tanong nito na ikinayuko ko nalang.

Napapaypay nalang siya sa kanyang sarili gamit ang kanyang kamay.

"Bakit ka ba nandito tsaka anong ginagawa mo?" Pagtatanong ko pa.

Umagang umaga tapos ganito ang bubungad sa akin. Okay na sanang dumating si Mr. President na may dalang pagkain tapos sisirain naman niya.

"Wala. Sige na aalis na ko at baka matapakan ko pa 'yang mahabang buhok mo." Masungit na pagpapaalam niya sa akin na ikinakunot uli ng noo ko.

"Siraulo..." Nasabi ko nalang ng makalabas ito.



SAKTONG alas diyes ng pumasok ako sa klase ko. Kaagad nagsibatian ang mga estudyanteng nasa loob at napangiti nalang ng makita ako. Nasa ikaapat na sa kolehiyo ang tinuturuan ko at halo halo na ang mga estudyante ko.



Binigyan ko ito ng kanilang pagsusulit dahil malapit na ang kanilang Prelim Exam.

Habang abala sila sa pagsasagot ay abala rin ako sa paggawa ng paperworks na hindi ko natapos kanina dahil nga sa nangyari.

SEDUCTRESS - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon