Kabanata 8

2.1K 42 0
                                        

"Ate sigurado ka bang doon ka matutulog sa kanila? Pwede namang samahan kita. Nang, Tang papayagan niyo ba si Ate?"

Kanina pa nangungulit sa akin si Ice na huwag pumunta sa kaarawan ng Lolo ni Daeus. Kanina pa ako nito kinakausap na samahan ako nito kahit sa labas lang ng bahay maghintay at uuwi pagkatapos.

"Anak, Ice nasa tamang edad na 'yang Ate mo at hindi lahat ng oras ay kokontrolin namin ng Inang mo. May sariling isip na iyan." Si Itang ang nagsalita na abala sa kanyang ginagawa.

"Bakit ho 'tang, boto na rin ba kayo 'dun sa lalaking 'yon?" Sabi nito na kaagad sinuway ni Inang.

"Ice, hindi ko nagugustuhan 'yang lumalabas sa bibig mo. Matanda pa rin iyon sa iyo at resputuhin mo kung sino ang gusto ng Ate mo." Alam kong matagal na itong nagtatalo tungkol kay Daeus.

Napayuko naman ang kambal ngunit may sinabi pa ito bago umalis.

"Reresputuhin ko po iyon, Nang. Pero kailanman hindi ko po siya matatanggap para kay Ate." Tapos tumalikod pa ito at nagtungo sa kanyang silid.

"Isaiah bumalik ka rito." Galit na sabi ni Inang sa kanya ngunit hindi na ito bumalik pa.

Napailing nalang ako at bumuntong hininga. "Hayaan niyo na ho, Nang!" Sabi ko nalang.

Alam ko naman ang dahilan kung bakit ayaw niyang tumanggap ng lalaking para sa akin.

"Nagdadrama lang 'yun Ate." Singit ni Eli sa likod ko.

"Oh ikaw ba Eli? Magtapat ka nga ng totoo. Ayaw mo rin ba sa Kuya Daeus mo?" Halos napatingin kami kay Itang ng tanungin nito ang isa 'pang kambal.

"Tang, hindi ako katulad ni Ice. Opo, nag aalinlangan ako sa kanya pero wala naman akong magagawa dahil sa tingin ko po ay napapasaya naman niya si Ate. Tsaka ang bait kaya ni Kuya. Hindi lang napapansin ni kambal dahil mailap siya kapag nandito 'yon." Sagot nito.

"Eh ikaw ba, Ismael. Anong sumapi sa iyo at nagustuhan mo na ang binatang iyon. Halos noong una ay pahirapan mo na. Hindi ka na nahiya sa tao." Komento ni Inang kay Itang kaya napatigil ito sa kanyang ginagawa at hinarap si Inang.

"Natural lang sa akin iyon dahil ama ako. Lalo na't nag iisang babae pa ang anak kong nililigawan 'non. Syempre, hindi naman pwede na kaagad ko iyong tanggapin na parang walang nangyari. Sinigurado ko lang na mabait at marunong rumespeto ang balak na manligaw sa anak ko."

"Hay, ewan ko sa inyo. Ikaw ang kumausap sa anak mong isa. Nagiging matigas na ang ulo." Tukoy nito kay Ice.

"Ano ka ba naman, Mahal! Hayaan mo na at lilipas 'din yon. Darating ang panahon at matatanggap niya rin ang Kuya niya." Sabi ni Itang.

Masaya naman ako na unti unti na nilang natatanggap si Daeus bukod kay Ice dahil mukhang matatagalan pa bago niya tanggapin ang lalaking 'yon. Katulad nga ng sabi ko noon ay iniiwasan niya lamang na masaktan ako.

NANG maisaayos ko ang mga gamit ay isa isa akong nagpaalam sa kanila bukod kay Ice na magmula kanina ay hindi ito nagpakita sa akin at nagkulong lamang sa kanilang silid.

Napabuntong hininga akong linisan ang bahay namin dahil hinihintay ako ni Daeus.

Naiintindihan ko naman kung bakit hindi ito makapunta sa bahay at hindi ako masundo. Alam ko kasing maraming itong ginagawa at abala ito lalo na't kaarawan ng kanyang Lolo.

Sakay ng bus ay bitbit ko ang hindi kalakihang bag at mga iilan ko pang gamit. Tiningnan ko pa ang telepono ko kung nagtext ba sa akin si Daeus.

SEDUCTRESS - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon