RATED | 18+ WORDS ARE STRICTLY NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS‼️
ISANG araw ang lumipas ngunit hindi nagparamdam sa akin si Daeus. Kahit ni isang mensahe o tawag ay wala akong natanggap kaya mas lalo akong nag alala sa kanya.
Iniisip ko kung ano na bang ginagawa nito? Kung maayos lang ba ang lagay niya. Kung iniisip niya ba ako? Kung marami ba itong ginagawa? Kaarawan pa man din niya ngayon ngunit heto at galit ito sa akin.
Kahapon ko pa iniisip kung ano ang gagawin ko para hindi na ito magalit sa akin at mapatawad na niya ako. Pero nagdadalawang isip pa ako dahil kinakabahan ako kung paano ko ba gagawin ang bagay na iyon.
"O anak bakit nakahiga ka pa dyan. Wala ka bang pasok?" Pagtatanong ni Inang ng pumasok ito sa aking silid.
Tinatamad yata akong bumangon at parang gusto ko lang na humiga at matulog ngayong araw.
Napabuntong hininga nalang ako at tamad na sumagot. "Wala ho 'nang." Sabi ko pa na mas lalo nitong ikinataka.
"May problema ba? Kahapon ka pa nagmumukmok dito sa loob ng kwarto mo." Nag aalalang sabi nito at tumabi sa akin. Naramdaman ko naman ang paghaplos nito sa aking balikat.
Ayokong maglihim kay Inang pero ayoko rin namang aminin sa kanya ang totoo. Maliit na bagay lamang iyon para sabihin ko sa kanya na galit sa akin si Daeus. Ayoko na rin namang palakihin at baka kung ano ang isipin nila.
"Nag away ba kayo?" Tanong nito na kaagad ko namang nakuha kung sino ang tinutukoy niya.
"Hindi naman ho, Nang sa nag away kami. Pero parang ganon na rin po. Kasalanan ko naman kung bakit nagalit siya sa akin." Sabi ko.
"Gusto mo ba siyang puntahan? Kausapin mo siya at mag usap kayo ng masinsinan dahil walang mangyayari kung magmumukmok ka lang dito. At sinabi mo na rin na galit siya sa iyo, hindi iyon pupunta rito dahil wala naman ata siyang kasalanan. Kaya dapat ikaw itong gumawa ng paraan para magkaayos kayo. Mauunawaan ka naman niya, anak." Ani pa ng Nanay ko.
"Mamaya na ho siguro, 'nang. Pag iisipin ko ho muna." Sabi ko pa.
Wala pa akong lakas ng loob para puntahan ito dahil hindi ko pa alam kung ano ang ipapaliwanag ko.
"Ikaw ang bahala anak. Kung iyan ang gusto mo." Wala namang nagawa pa ang nanay ko. "Nag aalala na ang iyong Itang at palaging tinatanong ako kung bakit hindi ka lumalabas ng kwarto mo." Nalungkot naman ako ng malaman ko iyon.
Isang mabigat na buntong hininga nalang muli ang pinakawalan ko at napatitig sa kisame.
Daeus ano bang ginagawa mo sa akin? Napahilot nalang ako sa aking ulo.
INIHATID at sinamahan ako ni Eli sa bayan na bumili ng cake na dadalhin ko sa mga Dela Fuego. Nagluto rin si Inang ng biko at sapin sapin para kay Lola Barbara atsaka kay Daeus. Hindi naman halatang gustong gusto ng nanay ko si Daeus para sa akin.
Minsan lang siya gumawa ng mga kakanin lalo na't paborito ko. Tuwing may okasyon o kaya may bumibili sa kanya.
"Ate sana magkaayos na po kayo ni Kuya Daeus. Gusto ko na ulit siyang pumunta sa bahay." Ngingiting sabi ng kapatid ko sa akin dahilan kaya ginulo ko ang kanyang buhok. "Pabati nalang ako Ate ha. Sabihin mo Maligayang Kaarawan." Dagdag niya pa.
"Sige na, sige na. Makakaabot 'yon." Napailing nalang ako sa kanya.
Tiyak may gusto na naman ito kaya inabutan ko ito ng limang daan.
