SIKAT na ang araw nang magising ako at wala na si Daeus sa aking tabi. Napahawak nalang ako sa magkabila kong pisngi ng magsimulang mag init iyon.Jusko! Elisa! Malakas ba ang pagkakaungol ko kanina? May nakarinig kaya sa amin? Sana lang ay hindi dito pumunta ang mga kaibigan ni Daeus. Baka magtaka ang mga iyon.
Sandali akong napaigik sa sakit ng maramdaman kong kakaiba ang dulot na kirot ng aking pagkababae. Mas lalo akong napahilamos sa aking mukha at tinatago ang nag iinit kong mga pisngi.
Ikalawang beses na ito pero bakit nananakit pa rin? Oo nga pala't dumugo na naman ito ng sirain na naman ni Daeus ang pribadong kong parte.
Bakit ba kasi ang laki laki ng kanya? Hindi ba pwedeng siya naman ang mag adjust?
Muli akong napailing dahil nangyari na at wala na akong magagawa. Ginusto ko naman iyon tsaka sumaya naman ako kahit papaano. Tumayo ako iniinda ang masakit na pribado kong parte.
Pakiramdam ko ay nabugbog iyon dahil sa namamanhid na nararamdaman ko. Mas malala pa ito nung una naming pagtatalik ni Daeus.
Aabutin ko na sana ang aking damit ngunit napasimangot nalang ako dahil wala na iyon sa lugar kung saan itinapon ni Daeus.
Isinuot ko nalang ang underwear na nasa tabi ko at nagtungo ako sa kabinet nito upang kumuha ng damit na maisusuot.
Pagkabukas ko palang noon ay tila awtomatiko akong nanghina sa nasaksihan ng mga mata ko. Samu't sari at halos iba ibang klase ng baril ang nasa loob 'non.
Napatakip pa ako gamit ang aking kamay at nanginginig na kinuha ang isa ng mga baril. Totoo ang mga iyon dahil mabigat ang mga ito at nasa tabi pa nito ang mga bala ng mga baril.
"Ba—by—!" Pumasok sa loob ng kwarto si Daeus at nang makita ako ay naputol ang dapat sanang sasabihin nito.
Tila'y tinakasan ito ng dugo dahil natuod ito sa pinto.
Nanginginig akong itinaas ang hawak kong baril at ipinakita sa kanya. Walang salitang lumabas sa bibig niya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Nag iinit ang mata ko sa nasaksihan ko ngayon.
"Ba...by!" Tila natauhan ito at lumapit sa akin ngunit itinaas ko lamang ang kamay ko upang pahintuin ito.
Mariin akong napapikit dahil sa kakaibang nararamdaman ko. May kung anong gustong sumabog sa dibdib ko.
"Ba—by, ha—yaan mo a—akong magpaliwanag." Kinakabahan at nauutal na sabi nito sa akin at muling humakbang para lapitan ako. "Elisa—"
"Ba—kit napaka—rami mong b..baril?" Nahihirapang tanong ko sa kanya at may kung anong bumara sa aking lalamunan.
"Elisa, I'll explain." Sinubukan niyang lumapit sa akin ngunit umatras lamang ako sa kanya.
"Daeus! Sagutin mo ang tanong ko. Bakit may mga baril ka? Bakit ang dami? Anong meron? Sino ka? Sino ka ba talaga ha?" Seryosong sabi ko sa kanya.
Umiling lamang ito at muling lumapit sa akin.
"Hu—wag mo akong la..lapitan. La—yuan mo a..ako. Daeus.." Binitawan ko ang kanina'y hawak kong baril dahilan upang mahulog iyon sa sahig.
Nanginginig ang mga kamay ko dahil doon.
"Elisa, baby! N—o pa—kinggan mo muna ako. Listen to me first..." Sinubukan nitong hawakan ang kamay ko ngunit mabilis kong iwinaksi iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/175090603-288-k250524.jpg)