HINDI pa man sumisikat ang araw ay nagising na ako upang maghanda pauwi sa bahay. Kailangan ko 'pang mag ayos sa kadahilanan ay may klase pa akong papasukan mamaya. Hinanap ko ang gamit ko at kinuha na iyon.
"I told you, pwede ka namang hindi na muna pumasok ngayon." Si Daeus na sa ngayon ay kagigising lang na lumipat kaagad sa silid na tinulugan ko.
"Eros, hindi pwede! Kailangan kong pumasok." Kinuha ko naman ang mga iilang gamit na nandoon. Sayang lang ang ibinabayad sa akin kung hindi ako papasok.
"I am your boss!" Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya.
"Alam ko. Pero pasensya na Mr. President hindi mo ko makukuha sa paganyan ganyan mo." Nginisian ko naman ito para magkamot ito ng kanyang ulo.
"God, woman! I don't know what to do with you." Napasinghap nalang ako ng bigla ako nitong kargahin at walang pasabi sabing dinala sa kama.
Hindi naman ako naiilang doon dahil yung nangyari palang kagabi ay parang nawala na ang hiya ko.
"Eros, aaaa—ah tumigil ka nga..." Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng simulan ako nitong kilitiin sa bewang ko. "Eros, sandali hahahaha. Uy, teka lang sabi..." Gusto kong batukan ang lalaking nasa ibabaw ko na panay ang kiliti sa akin.
"I won't stop unless you do what I want." Panghahamon nito at pinagpatuloy pa rin ang pangingiliti sa akin.
"Erooos, ano ba. Aaaah!" Tila wala itong pakialam sa ginagawa niya at tawa lang ng tawa. "Tama na—oo na." Hingal na hingal na sabi ko at itinulak ito palayo.
"See, I won." Ngumisi pa siya sa akin na mas lalo kong ikinainis.
"Hindi ko alam na may pagka-isip bata pa rin pala." Kunyari ay inirapan ko ito.
"You're so hot!" Sabi nalang nito kaya napasuri ako sa aking sarili.
Parang gusto kong lumubog mula sa kinahihigaan ko ng mapansin kong manipis na tela lang pala ang suot ko at sa ngayon ay nakatiwangwang pa iyon dahil sa pagkakiliti niya sa akin.
"Bastos!" Asik ko pa dito na ikinatawa niya lang.
"What? Why?" Pagtatanong niya pa. Tiniliman ko naman ito ng titig at binato ng unan. "Wala akong ginagawa." Giit niya.
"Nakakainis..." Hindi ko mapigilang sumigaw sa kanya.
Hinabol habol ko pa ito at binato bato ng mga unan na nandoon. Ngayon ko lang nalaman na malayong malayo ang Daeus sa inaakala ko sa katotohanan.
Napuno lamang iyon ng katuwaan. Nakakagalak lang dahil ang sarap ng mga ngiti at tawa ni Daeus. Parang ayoko na tuloy mawala iyon sa labi niya.
"Magandang umaga ho, Lolo, Lola" Nakangiting bati ko ng makababa kami at nagmano sa kanila.
Naabutan pa namin doon ang mag asawa na umiinom ng tsaa habang nakamasid sa paligid.
"Mas maganda ka pa sa umaga Iha." Pagbibiro pa ng Lolo ni Daeus na ikinahiya ko.
"Mabuti naman at hindi ka muna umuwi Iha." Si Lola Barbara na nakangiti rin sa akin.
"Nakakahiya nga po, Lola e. Gustuhin ko 'mang umuwi na at pumasok sa klase ko pero napakakulit po nitong apo niyo." Tukoy ko pa kay Daeus na nasa gilid ko.
Natawa lamang ang dalawang matanda sa sinabi ko.
"Mukhang tinamaan ka na yata talaga Apo ah." Dugtong pa ni Lolo Salazar na mas lalong ikinangiti ni Daeus.