ISANG linggo ang lumipas at mas lalo pa naming nakilala ang isa't isa ni Daeus. Unti unti na ring nawawala ang hiya sa pagitan namin at ikinagagalak ko iyon.
Halos araw araw ay magkasama kami para mamasyal o kaya naman ay bumisita sa ancestral house nito. Siguro iyon na ang naging dating place namin sa sobrang pribado.
Mas lalo pa akong natuwa dahil minsan na lang ito kung magalit pagdating sa unibersidad.
Sobrang saya ko dahil marami kaming nagagawang mga alaala tuwing magkasama kami. At mali pala akong pagtaguan at layuan ito. Dahil habang tumatagal ay mas lalong nagiging maalaga ito pagdating sa akin.
Naisip ko isang araw, paano kaya kung umalis ako tsaka hindi na magparamdam sa kanya. Siguro ay hindi mangyayari sa akin ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.
Basta ang masasabi ko ay napakasaya ko at nakakagalak pa ang mga susunod na araw dahil alam kong may mga mangyayari pa sa aming magaganda.
"Hello, nasaan ka na? Akala ko ba susunod ka rito?" Si Daeus ang kausap ko mula sa kabilang linya.
Ang sabi kasi nito ay susunod siya sa akin dahil may tatapusin muna itong mahalagang dokumento.
Nandito kami sa isang beach resort kung saan dinarayo ng mga turista. Dahil sa hindi pagkakatuloy ng outing namin noong nakaraang linggo ay napagpasyahan nilang ngayon nalang gawin ang hindi patuloy na aktibidad.
"I'm sorry. I'm on my way!" Rinig kong sagot niya. "Do you want anything? I'll buy you." Sabi niya na ikinatuwa ko.
"Sigurado ka?" Pagtatanong ko pa.
"Of course, now tell me." Napangiti nalang ako at sinabi sa kanya ang lahat ng gusto kong kainin.
Hindi naman dahil sa mayaman ito ay gagawin ko na iyong dahilan para ibigay ang lahat ng gusto ko. May mga pagkakataong binibigyan ako nito ngunit may pagkakataon rin na humihindi ako sa kanya.
Alam ko kung ano ang limitasyon ko bilang isang babae pagdating sa kanya.
"Salamat, E–ros." Nauutal kong sabi dito. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong hindi kiligin.
"Just stay there and wait for me. No boys allowed." Sabi nito bago pinatay ang tawag.
Inilagay ko pa ang telepono ko sa bandang dibdib ko at lihim na ngumiti. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong hindi kiligin sa ginagawa niya.
NAGTIPON tipon ang lahat sa isang kubo dahil sa isang anunsyo. Kasama ko ang dalawang kaibigan ko na si Ulap at Klea na sa ngayon ay seryosong nakikinig sa nagsasalita sa maliit na entablado.
Ako naman ay hindi mapakaling tumingin sa paligid at sa telepono ko dahil hinihintay ko ang pagdating ni Daeus.
Nasaan na kaya ang lalaking 'yon? Sabi niya papunta na siya.
Hanggang sa magsimula na ang kasiyahan—nag–iindakan at naghihiyawan na ang mga tao dito.
Nagsisimula na ring tumugtog ang musika kasabay ng pagsayaw ng mga iba't ibang kulay ng ilaw. Dahil dumidilim na ay nagiging masaya ang kasiyahang ito.
Napaupo lang ako sa gilid at nanonood sa mga sumasayaw na tao. Sa gilid noon ay may sinindihan silang mga kahoy upang hindi masyadong lamigin ang mga tao rito lalo na at hindi mapigilan ng iba ang hindi maligo sa dagat.
"Elisa, ano tutunganga ka nalang ba dyan? Hindi mo manlang ba susulitin ang gabing ito?" Si Ulap na sa ngayon ay handang handa ng maligo sa dagat.
"Huwag mong sasabihing ayaw mo, Elisa." Tinaasan pa ako ng kilay ni Klea. Ang seksi nito sa suot niya.