Kabanata 6

2.7K 43 0
                                    

"Tama ba ang narinig ko? Gusto mo ang anak ko?" Napatawa pa ng mapakla si Itang ng sabihin niya iyon sa kasama ko.

Naalintana naman ako at gusto ko itong pagilan at baka kung ano ano ang masabi niya kay Daeus.

"Opo!" Taas noo pa nitong sagot at hindi manlang nabulol.

Kinakabahan ako at baka kung anong mangyari dito ngayon.

"Ngayon, ibig mo bang sabihin na nililigawan mo ang anak ko kaya ka nandito?" Walang sawang tanong ng Itang ko kay Daeus.

Mabahaging langit. Matapos na sana ito at umuwi na ang lalaking kasama ko.

"Yes sir." Deretsong sagot nito.

"Masyado yatang mataas ang tingin mo sa iyong sarili, Iho." Napaangat ako ng tingin sa sinabi ni Itang at parang nanginig pa ang kalamnan ko. "Hindi dahil mayaman at ikaw ang boss nitong anak ko ay matatanggap kita kaagad." Dugtong nito sa seryosong tinig.

Masyado bang strikto sa akin si Itang? Bakit kung makahigpit siya sa ngayon ay kala mo kukunin na ako nitong si Daeus at itatakas mula sa kanila.

"Hindi naman ho Sir. It's just that I like your daughter, so much." Sabi niya pa na ikinalunok ko.

"Alam mo bang ayoko sa lalaki lalo na sa mga gustong manligaw sa anak ko? At mas lalong ayoko ng lalaking mayaman." Aniya.

"Ismael, ano ba! Tumigil ka na nga dyan." Nakahinga lang ako ng maluwag ng dumating na si Inang dala ang mga pagkain na hinanda nito. "Ah–iho pagpasensyahan mo na itong Ama ni Elisa. Sadyang ganyan talaga iyan pagdating sa gustong manligaw kay Elisa. Kumain ka na muna." Tapos nilapag nito ang pagkain sa harapan namin.

"Elisa, pumasok ka muna sa silid mo at kakausapin muna namin itong manliligaw mo." Utos sa akin ni Itang na ikinalaki ng mga mata ko.

"Tang..." Pigil ko pa dito ngunit sinamaan lamang ako niya ako ng tingin kaya sinunod ko naman ang sinabi niya.

"Nang, kayo na ho ang bahala sa kanya." Binulungan ko pa si Inang bago ako umalis roon at baka kung anong gawin ni Itang dito. Tumango naman ito tsaka hinaplos ang likod ko.

Nasa tamang edad na rin naman ako ah. Ano bang problema?

Palakad lakad ako sa aking silid at parang gusto kong makinig sa usapan nila. Hindi ko naman inaasahan ang nangyayari ngayon at lalong hindi ko rin inaasahan ang mga sasabihin nito.

Masyado bang madali ang lahat? At masyado rin bang malupit si Itang pagdating sa akin?

Alam kong noon palang ay alagang alaga na ako nito at ayaw manlang masaktan pero alam ko naman ang ginagawa ko dahil tama naman iyon tsaka hindi naman ako nagmamadali.

Ilang minuto pa ang lumipas at parang tumatagal yata ang usapan nila. Gusto ko ng lumabas at pauwiin na si Daeus.

Bukod dahil sa nahihiya ako ay naabala ko pa yata ang oras nito. Alam kong abala ito at maraming ginagawa sa buhay dahil ito ang namamahala sa unibersidad.

Hindi naman sa nagmamayabang pero ganoon ba ako ka–importante sa kanya at handa niya pang pagbuhusan ng kanyang atensyon at oras?

Habang tumatagal at habang nagkakakilala kami ay mas lalong rumarami ang magagandang alaala naming dalawa na ikinakagaan ng loob ko.

Napatalon pa ako at kaagad binuksan ang pinto ng kumatok ang Inang sa pinto.

"Nang? Ano hong nangyari?" Iyon kaagad ang tinanong ko dito. Isang malapad na ngiti lamang ang sumilay sa mga labi niya. "Nang..." Pilit ko pa.

SEDUCTRESS - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon