"You should be careful with good-looking guys. Kasi alam mo na! Sa sobrang gu-guwapo ng mga lalaki ngayon, sila-sila na rin ang nagkakagustuhan."
Rose chuckled nang maalala niya ang sinabi ng work-mate niyang si Ina kahapon during their coffee break. Nasa loob sila ng isang coffe shop sa mga oras na iyun na nasa tapat lang ng bangkong pinagtata-trabahuan nila. Kakatapos lang din ipakita ni Rose kay Ina ang picture nilang dalawa ng boyfriend niyang si Aki. Tinaasan pa nga siya ni Ina ng kilay as if pinagduduhan siya nitong iyun nga ang boyfriend niya.
"Weh? Sobrang guwapo niyan beh! 'Di kayo compatible," anito.
"Oo nga! Parang sira 'to! Mag-e-eight years na kami this February 14," sagot niya.
And now, here she is. Looking at her man making breakfast for her. Nakaupo siya sa mono block chair at nakadantay lang ang dalawang kamay sa parehong pisngi, smiling at her man as if she's day dreaming, as if panaginip lang ang nakikita niyang may sobrang guwapong lalaki nagluluto para sa kanya ngayon. A twenty-three-year-old guy who is really good looking, no doubt with that. Kitang-kita naman iyun sa itsura nito ngayon habang nagluluto ng fried rice para sa girlfriend niya na kung saan ay panay ang pag-fe-flix ng braso kada fini-flip niya ang frying pan.
His skin is very delicate and smooth. Walang ka-pores pores ang bata niyang mukha. His lips are thin but are very red. Sobrang perpekto rin ng pagkaka-anggulo ng kanyang jawline as if God had hired Michaelangelo to sculp it. A face as small as his palm. Matangos na ilong. Paralyzing eyes. Wavy jet black hair. He looks like an asian hunk which genes are infected by an angel. Biro nga ni Rose, sa sobrang guwapo ng boyfriend niya ay minsan naeenganyo siyang kainin ang mukha nito. He is a human version of a lollipop. And he's turning his girlfriend into a cannibal.
Panay din ang pagngiti at pag-wink niya sa girlfriend niya habang ginagawa niya iyon. Tanging gray boxers lang ang suot niya ngayon habang apron lamang na may design ng mga puso ang nakatakip sa kanyang pang-itaas. He's not that tall, 5'7'' lamang ang height niya but when he's with Rose ay nagmumukha siyang matangkad. His name's Aki, a short-cut of Akihiro. Half Japanese, half Filipino.
He has this very innocent smile na kapag pinapakita niya ay nagmumukha siyang bata. He's very adorable, a bit shy but definitely book smart. Sa katunayan nga ay ngayong darating na summer ay ga-graduate na siya sa kursong Civil Engineering.
Akihiro Mendiola, Rose Cueva's boyfriend.
He is very delicious and Rose is very sure that he is straight.
Well, iyun ang alam niya.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/176384862-288-k663908.jpg)
BINABASA MO ANG
When Our Wives Are Not Around (Set A)
General FictionAki is completely aware that he is in love with Rose. Malimit lang na may nangyayari sa kanila ngunit kahit wala iyun ay sigurado siya sa nararamdaman niya rito. Not until they move to another apartment at nakilala niya si Helix na gaya niya ay may...