CHAPTER 13 - ROSE

2K 26 0
                                    

Naalimpunagatan si Rose nang may marinig siyang ingay.

Unang bumungad sa paningin niya ang paglabas ng credits sa sinehan.

Nang mapansin niyang wala na si Aki sa tabi niya ay agad niyang inilibot ang paningin niya. Laking gulat niya nang makita niya sa Aki na hawak-hawak nang dalawang sekyu at nagpupumiglas. He is looking at the man one meter away from him na hawak-hawak din ng dalawang sekyu. Walang galos si Aki pero sobrang sama ng tingin niya sa lalaking katapat nito. While the other man, iyun ang may mga galos. Putok ang labi at namamaga ang pisngi. Pero kahit ganito na ang sitwasyon niya ay nakuha pa rin nitong ngumisi.

Dali-daling nagpunta si Rose kay Aki, tatanungin na sana niya ito kung ano ang nangyari pero hindi niya na nagawa nang kumalas na ito sa pagkakahawak mula sa sekyu at hinila na siya palabas ng sinehan.

When Our Wives Are Not Around (Set A)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon