CHAPTER 160 - NIKKI

973 5 0
                                    


“Nagbati na kaya ang dalawang ‘yun? Ang OA ha? May pa-iyak-iyak pa sila sa labas,” Nikki murmured habang naghuhugas siya ng pinggan. Kakatapos lang nila ni Helix na mag-agahan kaya ito siya ngayon, doing his very wifely duty, ang maghugas ng pinagkainan nilang dalawa mag-asawa.

Jusko, kung hindi lang talaga mahal ni Nikki itong si Helix, baka tinapon niya lang sa basurahan itong mga babasaging ginamit nila sa almusal. Pero wala e, mahal niya e.

Sabi rin kasi ni Helix sa kanya na mas attractive daw ang babae kapag marunong maghugas ng pinggan kaya eto siya ngayon, feel na feel ang pagtatanggal ng stain gamit isang sikat na brand ng dishwashing liquid.

“Ano na kayang ganap sa mag-jowang ‘yun? Maghiwalay na kaya ‘yun? Hay sana nga! Para hindi ko na makita ‘yang Rose na ‘yan no! Aba! Panay ba naman ang titig ng asawa ko sa bruhang ‘yan. FYI, maputi lang siya pero ‘di siya maganda!”

Kanina, kita ni Nikki ang mala-telenovelang ganap ni Rose at Aki sa labas. Noong nakita niyang umiiyak si Aki, medyo naluha din siya kasi sino ba naman hindi magkaka-ti-teary eyes sa guwapo umiyak ng bagets? Pero nu’ng nakita niyang iniwan ni Aki si Rose, kulang na lang ay maging mangkukulam niya dahil sa lakas ng kanyang pagtawa. Buti na lang ang natitgil siya ng sinita siya ng kanyang asawa na si Helix, “Para kang tanga!” sigaw nito sa kanya kanina habang tumatawa siya.

Speaking of Helix, saan na nga ba ang pinakamatipuno at porn-star-look-a-like na boyfriend niya? Kanina, nagbabasa lang iyun ng diyaryo sa may sala pero ngayon, hindi niya na ito mahagilap.

“OH MY GOD! BAKA KI-NOMVCORT NIYA SI BRUHANG ROSE!” kinakabahang tugon ni Nikki sa sarili. Natigil siya sa paghuhugas ng plato.

“Helix? Babe? Saan ka na?” Tinanggal ni Nikki ang suot niyang apron at gloves at lumabas na roon sa kusina. Nang makarating siya sa may sala at natagpuan niyang wala rin doon ang asawa niya ay lumabas siya ng bahay at inikot na lang ang buong garden.

“Saan na ba ‘yun?” kinakabahan niyang tanong. Hindi dapat makita ng asawa niya ang bruhang Rose na ‘yun. Because she knows that Rose is broken hearted right now at kapag nagkita ito at ang asawa niya ay malaki ang tiyansang iko-comfort ni Helix si Rose at kapag nangyari iyun ay for sure, mahuhulog si Rose kay Helix.

“Helix my babe!” mangiyak-ngiyak na turan ni Nikki sa kanyang sarili nang hindi niya pa rin makita si Helix.

She was about to cry dito sa may garden ngunit natigilan na lang siyang bigla nang sa isang mahinang paglingon ay nahagilap ng kanyang paningin ang second floor sa loob ng bahay kung saan naroon ang asawa niya. Gawa sa fiber glass ang 80% ng dingding ng first floor kaya malinaw niyang nakita ang asawa niyang nakatayo roon. Mabilis siyang tumakbo papasok sa loob. She take the stairs at nang makarating nga siya sa second floor ay biglang bumagal ang galaw ng paa niya. She saw her husband licking his fingers habang sinisilip sa maikling siwang ng pinto ang loob ng kuwarto nina Rose at Aki.

Noong una ay hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari ngunit nang makalapit siya roon at malinaw na nakita kung ano ang kababalaghang pinagmamasdan ng kanyang asawa habang panay ang pagdila sa mga daliri nito ay bigla siyang nanigas.

At nang nilingon nga siya ni Helix ay agad niya itong sinampal.

When Our Wives Are Not Around (Set A)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon