“What? Aki! Ayoko!”
“Pero Rose, pumayag na ako. They just want to have lunch with us? Anong masama roon?”
Halos mapunit ang anit ni Rose sa galit nang pagkagising na pagkagising niya mula sa pagkakadilip ay pinaalam ni Aki sa kanya na inimbitahan silang pareho nina Helix at Nikki na mananghalian sa baba. Hindi kayang tunawin ni Rose sa kanyang isipan na makakasama nila ni Aki sa iisang hapag ang mag-asawang iyun. They’re just too insensitive and straightforward.
“Aki, maybe in another time. Pero ngayon, Aki, masayado pang mainit ang ulo ko sa kanila,” eksplika ni Rose kay Aki. Nakaupo pa rin siya sa kama.
“Okay.” Lumapit si Aki sa pintuan. “Bibilhan na lang kita ng ulam sa labas and then, I’ll just have lunch with them alone.”
Naipikit ng mariin ni Rose ang mga mata niya. Aki… she can’t let Aki be with them alone. Baka mamaya’y kung ano pang impluwensya an maibigay nito sa mapapangasawa niya.
“Okay. Fine. Let’s go,” ani Rose kahit labag sa loob niya.

BINABASA MO ANG
When Our Wives Are Not Around (Set A)
Fiksi UmumAki is completely aware that he is in love with Rose. Malimit lang na may nangyayari sa kanila ngunit kahit wala iyun ay sigurado siya sa nararamdaman niya rito. Not until they move to another apartment at nakilala niya si Helix na gaya niya ay may...