Nang makarating si Aki sa first subject niya sa hapon na pang 3:30, pansin ng mga kaklase niya ang lawak ng ngiti niya. He’s also blushing na naging sanhi ng panunukso ng ilan sa kanya.“Whoa! Grabe ‘to si Aki, kung makangiti, parang naka-three points na naman kay Rose! Hoo! Engineer, grabe ka talaga!” sabi ni Yuki sabay masahe sa likod niya.
Umiling-iling lamang na natatawa si Aki at umupo na lang sa upuan niyang nasa tapat ng table ng prof nila. Wala pa naman ang prof nila kay nag-scan muna ng notes si Aki. He’s still smiling while he’s doing that.
“Teach me, Master!” Lumuhod pa si Sage sa harap niya. Nagtawanan lamang si Yuki at ang apat nitong lalaking kaklase sa ginawa ni Sage. Aki didn’t mind them. Nag-focus lang siya sa ginagawa niya habang pinapamulahan ng pisngi at nakangiti.
Rinig ni Aki ang bulungan ng mga babae nilang kaklase. And he’s sure that they’re talking about him. Paano ba naman kasi, most of the girls not only in this subject but on this entire campus is interested with him. Walang araw na hindi nakaka-tanggap ng mga regalo at letter si Aki sa locker niya. But he didn’t mind them all. He’s loyal with Rose. Kaya ganoon na lang ang inis ng karamihan sa kaniya. Even the boyfriends of those girls ay inaatake siya sa kadahilanang walang ibang bukang bibig ang girlfriend nila kundi siya.
Makailang beses na rin siyang naagrabyado dahil dito. Ayan ‘yung binabangga-bangga siya ng mga boyfriend ng babaeng nagkakagusto sa kanya, sinisiraan, at mas malala, pinapadalhan ng death threats. At first, reactive pa si Aki sa mga ganito pero sa paglipas ng panahon, mani na lang ito kay Aki. He doesn’t take those things seriously. Wala naman siyang ginagawang masama sa kanila. At higit sa lahat, it’s them who persistently includes him in their own problems. Why bother allocating time on it?
Mas lumala iyun nang naka-graduate na si Rose. Noon kasi, ilag ang mga nagkakagustong babae sa kanya dahil palagi niya iting kasama. Rose is a bit brutal with them. Kapag kasi nakikita ni Rose na may lumalandi-landi sa kanya, kung hindi sabunot ay sampal ang aabutin ng mga ito. Rose is merciless with them not until she graduated ahead. Doon na mas lumala ang mga nagpapakita ng interes sa kanya. At madalas ay lantaran. Someone even asked him for a one night stand, o kung ayaw niya raw ay bigyan na lang daw siya ng tamod nito and she’ll just pay whatever amount he’ll declare.
But again, Aki doesn’t mind them. Andiyan si Rose sa puso niya at madami siyang iniisip patungkol sa studies niya.
Thinking about it, ngayon pa lang naisip ni Aki na napakadelikado pala kung hinahatid at sinusundo siya ni Helix dito sa campus. Maraming babaeng humaling na humaling sa kaniya ang handang sirain ang matatag na relasyon nilang dalawa ni Rose. He needs to be careful. Alam niyang choice niya ang makipag-ugnayan kay Helix kaya paninidigan niya ito… without sacrificing any important thing… just like losing Rose.
“Rose…” Nabanggit ni Aki habang nag-i-scan ng notes niya. Wala pa rin ang prof nila at maingay pa rin ang mga kakalse niya. Suddenly, he remembers her. For sure, nakarating na ito ngayon sa Dubai… o baka, hindi pa. Wherever she is right now, Aki prayed that she is not worrying about him. Madalas na iniisip ni Rose si Aki. She’s always concerned about him.
“Don’t worry about me, Rose. I’m fine… and I’m sorry too,” bulong ni Aki sa isipan niya. Alam niyang ang pagkahumaling kay Helix ay isang malaking panggagago kay Rose pero anong magagawa niya? Ayaw niya rin namang magtaksil sa sarili niya. He doesn’t want to deny this. Ayaw niyang itanggi na kahit papaano, kahit mali, ay interesado siya kay Helix. At hindi niya rin naman panghabangbuhay na ililihim ito. One day, he’ll make sure that Rose will find out about this. He’s not going to keep this as a secret forever. Mali ito. At mas magiging mali pa ito kung ililihim niya ito sa matagal na panahon. Ngayon, gusto niyang sila munang dalawa ni Helix ang makaalam. Sila lang muna.

BINABASA MO ANG
When Our Wives Are Not Around (Set A)
Ficción GeneralAki is completely aware that he is in love with Rose. Malimit lang na may nangyayari sa kanila ngunit kahit wala iyun ay sigurado siya sa nararamdaman niya rito. Not until they move to another apartment at nakilala niya si Helix na gaya niya ay may...