CHAPTER 194 - HELIX

1.1K 13 0
                                    


Pagbalik ni Helix sa bahay ay agad siyang sinalubong ng flying kiss ng asawa niyang si Nikki na kasalukyang nagtatanim ng buto ng mga kamatis sa garden. Sinara niya ang pinto ng kotse at inilagay sa bulsa ang susi. Nilapitan niya ang asawa niya at hinalikan bilang sagot. Nikki giggles at muli nang nagbungkal ng lupa gamit ang bolo.

“Kamatis?” tanong niya rito.

“Bayag. Joke lang! Kamatis!” Tumawa si Nikki.

Naglakad si Helix papunta sa sun lounger at doon ay humiga. Wala siyang ibang ginawa kundi ang pagmasdan ang asawa niyang nagtatanim. Hapon na and it is actually good to plant vegetables this time. Iyun nga lang, may problema. Hindi naman nila ito lupa kaya baka kapag tumubo ang tinatanim ng asawa niya ay ipapakuha lang ito ng may-ari. But for sure, Nikki, his wife, would not let it happen. Kilala niya ang asawa niya. Kapag may pinaghirapan itong bagay, sisiguraduhin nitong hindi ito basta-bastang sisirain lang ng iba. He can already picture out on what will happen if their landlord would pull out those vegetables, paniguradong susugod ang asawa niya ng may dalang bulo o itak.

“You should try to plant balls sometimes,” rekomenda ni Helix at tumawa lang ang asawa nito.

With the previous fact, he can’t help but get worried too about him and Aki’s relationship. Kakaumpisa pa lang nilang dalawa sa araw na ito at hindi puwedeng malaman ni Nikki kung ano ang mayroon sa kanila. Not only that Nikki might do stupid things pero baka mapatay pa siya nito, or worse, baka saktan nito ang pinakamamahal niyang si Aki.

“Hinatid mo si Aki?” Biglaang tanong ni Nikki sa kanya na nagpatigil sa kanya saglit. Bahagyang namilog ang kanyang mga mata. He was about to get the book na nakalatag lang sa maliit na mesang katabi ng lounger pero hindi niya ito nagawa dahil sa biglaang tanong ni Nikki sa kanya.

He swallowed hard. Kinalma niya ang sarili niya. He needs to calm down.

“Yeah…” He sighs afterwards. Kahit ang pagbuntong-hininga ni Helix ay mararamdaman natin na sobrang sexy ito. Damn. He bite his lower lip tsaka kinuha na ang libro sabay scan sa mga pages nito.

Destiny Is A B*tch by Joey J. Makathangisip. The black book with an aesthetic cover gives a balance to the very vivid scenery. Makulay ang paligid pero hindi ang hawak na libro ni Helix.

“Hindi mo naman pinagbayad?” tanong ni Nikki.

“Hindi ako ganyan, Nikki.” Nikki giggles with his answer. Kapag kasi nakakasama niya si Nikki sa kotse at may kakilala silang nadadaanan na gustong mag-hitch ay pinapabayad ito ng asawa niya ng mas mahal pa kaysa sa pamasahe sa taxi.

“Anong pinagusapan niyo?” tanong ulit ni Nikki.

“Wala. Tahimik na binatilyo si Aki. Matipid magsalita,” aniya, which is true. At isa ito sa mga nagustuhan niya kay Aki. Matipid ito sa salita at hindi burara gaya ng asawa niyang si Nikki. An air of mystery is always with him, tipong napapaisip ka kung ano ang laman ng isipan nito. Just by looking at Aki makes you feel curious. Para itong librong sobrang dami ng pahina. At gustong-gusto ni Helix na buklatin ang mga pahinang nito.

“Hindi siya nagsabi ng patungkol kay Rose?”

“Nikki…” He called his wife by its name. Ikinatigil ito ni Nikki.

“Do you really think that I have feelings over Aki’s wife?” May hint ng ngiti sa gilid ng mga labi ni Helix, which makes him really alluring.

“H-h-ha?” Natameme si Nikki.

Nagbungkal ulit ito ng lupa. Ngayon, mabilis na mabilis na. Tila ba naging minero ito ng wala sa oras.

“Palagi mo na lang kasing dinidiin ang asawa ni Aki sa akin. Do you think I like her?” Tumaas ang makapal na kilay ni Helix.

When Our Wives Are Not Around (Set A)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon