Chapter 2

1.4K 19 0
                                    

Stella's POV

Nilibot ko naman ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto ko. Simple lang ito. Black and white ang theme niya tapos may malaking cabinet sa right side ng kama ko. Sa harap naman ng kama ko ay may flat screen tv. Sa gilid ng tv may mini ref ako dahil mahilig akong kumain. Sa left side naman ng kama ko ay nandoon ang veranda. May kurtina siyang kulay maroon na transparent both side at pareho itong nakakabit sa transparent na sliding door. Sa right side naman na katabi ng kama ko ay may mini table. Nabaling ang tingin ko sa cellphone kong nakapatong doon. Mabilis ko itong kinuha at dinial ang number ni Adalee.

After how many rings, she finally answered!

"Hey zup, Stella!" Parang siga nitong bati sa'kin. Napairap na lang ako at napabuntong-hininga.

"What's with a deep breath, my dear bessy?"

"Ang boring dito sa bahay. Nakahiga lang ako."

"Then? What do you want me to do?" Mukhang umirap pa ito base sa tono ng boses niya.

"Anong magan----"

"Ay wait! Alam ko na!" Excited niyang aniya na para bang may naisip siyang maganda. "Wait me there. Puntahan kita!" At mabilis niyang pinatay ang tawag! Ang bastos talaga hmp!

Wala pang isang oras nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tumayo naman ako sa pagkakahiga at mabilis na tinungo ang pintuan.

"What are you doing here?" Nagtataka kong tanong nang tumambad sa harapan ko si Adalee.

"You need my help, diba?"

"What?" Bumalik ako sa pagkakahiga. Sumunod naman ito at naupo sa kama ko.

"Hello nagtatanong ka kung anong magandang gawin diba?!" Iritable nitong sagot.

Hinampas ko nga ng mahina sa braso. "Just asking. You don't have to be irritated."

"Wait, wala na naman pala sila tito at tita?" I nodded. Parati kasing nag o-out of the  country ang mga magulang ko. Pero pag may mahahalagang okasyon, parati naman silang present kaya hindi nakakatampo kung parati silang wala. Nabibigyan naman nila ako ng sapat na oras kapag kailangan ko sila.

"Oh I see. Where's your iPad? Pahiram ako." Tanong nito. Tinuro ko naman kung nasaan yung Ipad.

"Anong gagawin mo diyan?"

"Hello hindi ka ba updated?"

"Saan naman?" Nagtataka kong tanong.

"Sa uso ngayon. Yung neargroup gurl!" Excited nitong aniya at may kung ano-ano na ang kinakalikot sa iPad ko habang nakadapa na sa kama katabi ako.

"Ano naman yon?"

"Myghad. You're always surfing on facebook yet you don't have any idea about neargroup thing." Sagot nito na nakatutok pa rin ang mga mata sa iPad. "Try natin to bessy!" Excited niyang aniya.

"Wait?!" Bigla kong inagaw yung iPad sa kamay nito. "Kaninong account gagamitin mo?!"

"Hello syempre sayo!Go na! Connected na yan sa NG, wag ka ng aarte!" Tumawa ito at hinablot na sa'kin yung iPad.

"Psh. Sometimes you still have to ask the owner first 'no?" Sarkastiko kong aniya at umupo katabi nito.

"Ayaan! Searching na sa makakausap.." Parang kiti-kiti naman nitong aniya. Hinayaan ko na lang siya dahil wala akong alam kung paano o ano yang neargroup neargroup na sinasabi niya.

The girl before the one [Under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon