Chapter 7

491 7 0
                                    

"Hey Stella. You're wrong!" habol pa nito sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Don't touch me." mahinahon kong sabi dahil bigla akong nainis. Anong akala niya sakin, bagay na gagamitin niya dahil malungkot siya? Dahil gusto niyang makalimot?

"Please listen. I don't know how this started but do please believe me. I really wanted to court you." I don't believe you, jerk.

"Hindi ko sineseryoso ang sinasabi mo, tumigil ka na."

"Hoy kayong dalawa bilisan niyo maglakad!" napalingon kami pareho ng sumigaw si Adalee sa hindi kalayuan. Nahuhuli na pala kami.

"Bitawan mo ako." agad naman ako nitong binitawan kaya nauna na akong naglakad.

"Stella, mauna na ako." mahina kong sabi kay Adalee ng maabutan ko sila.

"Why? What happened?"

"Nawala ako sa mood."

"Edi sasabay na ako sayo." Mabuti na lang ay busy na mag-usap yung mga lalaki kaya hindi gaanong rinig ang mga sinasabi namin.

"Sige, sabihin mo next time na lang kamo. Atsaka may class pa tayo. 1 hour na lang oh." sabi ko pa dito at pinakita ang relo ko.

"Oo nga pala, teka paalam lang ako." Tumango ako.

"Sed." kinalabit nito ito.

"Oh bakit Sha?" at humarap ito dito dahil kanina ay busy itong makipag-usap sa mga kaibigan.

"Mauuna na kami. May class pa kasi kami 'e."

"Ha? Sayang naman." halata naman ang panghihinayang ni Sed.

"Bakit dude?" Huminto kaming lahat sa paglalakad.

"Mauuna na raw sila." sagot nito kay Isaac.

"Sayang naman, sabay sabay na tayong kumain. Hahatid na lang nam---" I cut him off.

"No need. We have to go." mahinahon kong sagot kay Asher. Halata naman ang pagka-playboy sa lalaking ito.

"Hatid na namin kayo." They insisted.

"Hatid na namin kayo Sab." sumabat na si Gavin.

"W---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko sa pants ko. Hindi pa rin ito tumigil sa kaka-vibrate kaya kinuha ko ito at sinagot ang tawag ng hindi man lang tinitignan kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

"Stellaaaaa!!!!" What the? Agad ko namang nakilala kung sino ang tumawag.

"Wait sagutin ko lang itong tumatawag sakin." Paalam ko sa kanila. Tumango naman ang mga ito kaya lumayo ako ng konti sa kanila.

"What do you what Jin? I have classes today." Agad kong tanong sa spoiled kong pinsan.

"I'm in jail."

"What?! Again?!?!" hindi ko na mapigilan ang inis sa boses ko. Kailan ba ito matututo sa mga kalokohan niya?! Nasasanay na lang porket may tumutulong sa'kanya.

"I'm busy right now. Manigas ka diyan nako Jin!" Ang dami-dami ko na ngang problema, dumadagdag pa itong pinsan ko.

"Matitiis mo na ako." Halata naman sa boses nito ang pagpapa-awa.

"Nako Jin. Face the consequences, ang dami mong ginagawang kalokohan. Ako lagi ang umaasikaso." bwelta ko dito.

"This will be the last. I promisee!! Please Stellaaa!!!"

"Nakakainis ka talaga kahit kailan!" Suko ko ng sabi. Bwiset.

"I'll wait you here. Take care Tel!"

"Whatever!" at pinatay ko na ang tawag. Nahilot ko naman ang sentido ko sa inis.

"Adalee. We really have to go." Ani ko ng makalapit.

"We insist. Hahatid na naman kayo." Pilit pa rin ni Gavin.

"Okay fine. Si Adalee na lang ang ihatid niyo."

"What? Why saan ka pupunta?"

"May aasikasuhin ako."

"Ihatid ka na rin namin." NAKAKAINIS!

"Fine!" Suko kong ani.

"Yon!" at nagtawanan ang mga ito. Letse nagmamadali na nga ako kasi may klase pa kami.

"Saan ka pupunta Stella?" Tanong ni Gavin na siya naming driver. Nasa kotse niya kaming tatlo. Si Adalee, Asher, at ako na katabi ni Gavin.

"MPS." maikli kong sagot. Nasa Monumento Police Station ang magaling kong pinsan.

"Anong gagawin mo don Stella?!" Tanong sakin ni Adalee na nasa back seat. Magkatabi ito sa backseat ni Asher.

"Jin is there." tipid kong sagot.

"Again?! Wth. Kailan ba matututo yung lalaking iyon." Tahimik naman yung dalawa na para bang nakikinig sa'min.

"Hindi ko alam. Hindi naman nakikinig yon sakin." Sagot ko dito.

"Mahal na mahal mo talaga iyon ano kahit may pagkasiraulo na halos hindi mo matiis. Nako."

*cough*

Napalingon naman ako kay Gavin na ngayon ay diretso ang tingin sa kalsada. Anong problema nito? Bigla na lang naubo. Tumahimik na lang ako dahil lalo lang akong naiinis.

"We're here." dumungaw ako sa bintana. Nasa harapan na kami ni MPS. Pagkalabas ko ay sakto ring huminto ang kotse ni Sed na sakay nito yung dalawa. Si Isaac at Kevin. Lumabas na rin ang mga ito sa kotse. Pumasok na ako sa loob, sumunod naman silang lahat. Hinanap ko naman si Jin na prenteng-prenteng nakaupo sa upuan sa harapan ng table ng isang pulis.

"Jin!!" Agad naman itong nag-angat ng tingin.

"Stellaa!!" Mukha naman siyang nabuhayan ng loob. Mabilis naman akong lumapit dito at piningot ang tenga nito.
"Aray!" Reklamo nito. Pasalamat talaga ito dahil mahal na mahal ko ito sa lahat ng pinsan namin dahil ito ang pinaka-close ko kahit napaka-spoiled at pasaway.

"You're lucky again." Sabi ko dito at humarap sa pulis na nakaupo sa harapan ng table na inupuan ni Jin.

"Chief what did he do?" Tanong ko dito. Nasa edad apatnapu na ito kung titignan. Medyo kulubot na ang mukha nito at ang balat. Medyo mapuputi na rin ang karamihan ng buhok nito.

"Nahuling nagnanakaw ng pagkain sa isang store. Noong kinapkapan ay wala naman palang pang bayad." Sagot nito at napailing-iling. Napaharap naman ako kay Jin na ngayon ay nakayuko na.

"Ang dami mong kalokohan kahit kailan. Kahit ano-anong trip pinag-gagawa mo sa buhay." Sermon ko dito at humarap na muli sa kausap kong pulis.

"Babayaran ko na lang lahat ng kinuha niya."

"Sige. Sa susunod bata wag mo ng uulitn." Sabi ng pulis at umalis para maayos na yung kaso ni Jin. Mabuti na lamang at madaling ma-pakiusapan ang pulis na iyon.

"Tel, thank you." He hugged me.

"Wag mo na lang ulitin. Sakit mo sa ulo 'e." Tinawanan lang ako nito. Psh.

"Nga pala kasama mo ba ang mga iyon?" Tumingin naman ako sa direksyon na tinuturo niya na kung saan nakatayo yung anim sa may gilid ng entrance ng police station.

"Mga kaibigan ni Adalee." Sagot ko dito at iniwas ang tingin dahil nahagip ko ang seryosong titig ni Gavin.

Anong problema niya?

The girl before the one [Under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon