Chapter 9

438 8 0
                                    

Unti-unti naman na napalingon sakin si Gavin na para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"W-hat did you just say?" Parang hindi makapaniwalang aniya. Ano ba irereact ko? Bakit kasi pahamak itong bibig ko.

"Ewan." Kibit-balikat kong sagot dito at seryoso itong tinitigan.

"Sabi mo tayo na." Biglang nalungkot ang boses nito. Akala niya naman madadala niya ako sa ganyan. Nagbibiro lang naman ako sa sinabi ko kanina dahil sa naiinis ako sa pang-aasar na tatanda ako ng dalaga.

"Wala namang sinabing ganyan." Singit ni Asher.

"Oo nga dude baka nabibingi ka lang." Tatawa-tawang sabat din ni Isaac. Sinamaan naman ito ng tingin ni Gavin.

"Kayo ba ang kausap ko?"

"Si Kevin kausap namin 'e." Asar pa dito ni Asher.

"Oo nga! Assuming ka pre." Ngisi ni Isaac. Hindi na lang ito pinansin ni Gavin at humarap uli sakin.

"Sabi mo tayo na." mahinang aniya.

"Wala akong sinabi." Plain kong sagot at uminom ng iced tea.

"Wag mo ng bawiin. Hindi ako bingi."

Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Okay, bahala ka sa buhay mo."

"Tignan mo edi tayo na." Ngiting-ngiti nitong aniya.

"Bahala ka." Wala sa sarili kong sagot.

"Bahala talaga ako. Sakin ka na." He smiled looking at me intently.

Hindi na lang ako umimik at nilantakan ang pagkaing inorder nila. Parang pakiramdam ko ay gutom na gutom ako.

"Anyway who's Jin? What's your relationship with him?" Napalingon ako sa kanya.

"Ha?"

"Tinatanong ko kung anong relasyon mo sa kanya." Seryoso itong nakatitig sakin.

"Bakit mo inaalam?" pinanliitan ko ito ng mata.

"Kasi boyfriend mo na ako. So i want to know everything about you."

"He's my cousin." Sagot ko dito.

"Cousin? E bakit sabi ni Sha mahal na mahal mo yon?"

Confused naman akong napatingin dito. "Syempre pinsan ko."

"Oh okay." Tumahimik naman ito saglit.

"Marami pa akong gustong malaman sayo honey."

"Honey?"

"Yes. From now on our endearment is honey."

"Okay." Tipid kong sagot.

"Ang tipid mong sumagot honey! Wala ka man lang bang nararamdaman?" Napatingin ako sa mga kasama namin bago humarap uli dito.

"Wala." Yun yung totoo. Alangan naman na mahal ko na siya ng ganon kadali porket kami na? Baka sabihin niyo easy to get ako. Ewan ko rin ba. Sa dami ng nanligaw sakin ay siya lang itong sinagot ko ng hindi man lang nahirapan. Siguro ay trip ko lang na sabihin yung 'kami na' without even thinking.

"May pupuntahan tayo." Pag-iiba nito.

"Saan?"

"Basta. Sumama ka na lang." Nakangiting aniya at hinawakan ang kamay ko at tumayo ito kaya napatayo rin ako.

The girl before the one [Under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon