Chapter 11

407 8 0
                                    

"Nakakaiyak naman." komento ko ng matapos ang pinapanood naming palabas. Nung matapos kasi ang action movie ay nagsalang ako ng love story. Nakakaiyak kasi namatay yung bidang lalaki.

"Hindi naman ganon." napaharap ako sa lalaking katabi ko na ngayon ay nakangisi sakin.

"Oo kaya, sabagay wala ka kasing naramdaman." Inirapan ko ito. Tumawa naman ito ng mahina.

"Ang cute mo." aniya at hinawakan ang kamay ko.

"Nakakarami ka na ng hawak ah? Feel na feel mo talaga no?" Ngumisi uli ito. Napailing-iling na lang ako at tumayo.

"Ayusin ko lang mga nakakakalat." Sabi ko rito.

"Anong oras na ba?" Tanong nito ng makabalik ako sa tabi nito. Tinignan ko naman ang relo ko.

"1 AM na."

"Seryoso? Ang tagal pala nating nanood." Tumango ako. "Uuwi ka na ba?" Tanong ko dito habang magkaharap kaming dalawa.

"Gusto mo na ba akong umuwi?" Nakangiting tanong nito. Ilang minuto akong hindi sumagot at bigla ko itong niyakap. Naramdaman ko naman ang pagkabigla nito pero agad din naman itong nakabawi at niyakap ako pabalik.

"P-wede bang dito ka na lang muna?" Kinakabahan kong tanong. Hindi ko alam bakit bigla akong naging clingy.

"Sige honey. Dito lang ako." I closed my eyes when he suddenly massaged my hair. I feel so comfortable.

"Thank you." Nasabi ko na lamang hanggang sa tuluyan na akong nakatulog dahil sa ginagawa niya sa buhok ko.

----------------------

"Hmmmm.." kinusot-kusot ko ang mga mata ko bago tuluyang maimulat ang mga ito. Anong oras na? Teka bakit ako andito sa kwarto ko? Sa pagkakaalala ko ay nasa guest room kami ni Gavin kagabi pero bakit nandito na ko sa kwarto? Siya ba ang nagdala sakin dito?

Mabilis akong bumangon at nagmadaling bumaba ng hagdan.

"Lalaaaa?" Sigaw ko habang pababa ng hagdan.

"O anak? Bakit sigaw ka ng sigaw diyan?" Tanong nito na abala pala sa paghahanda ng almusal.

"Sinong nagdala sakin sa kwarto? Asan si po Gavin?"

"Yung nobyo mo ba? Siya ang nagdala sayo sa kwarto mo. Bigla ka kasing nakatulog kagabi at nagpatulong siya sakin para maihatid ka sa kwarto mo kagabi. Umuwi na rin pala siya kani-kanina lang. Pinapasabi na pasensya na raw at hindi na siya nakapag-paalam at ayaw ka niyang istorbohin sa tulog mo." Mahabang aniya.

"Teka saan po siya natulog kagabi?"

"Sa guest room ko na siya pinatulog. Sinabi ko ngang sa kwarto mo na lang pero ayaw niya. Ke-bait at galang na bata." Nakangiting papuri ni Lala.

"Sige po. Salamat La. Aasikaso lang ako."

"O siya sige na at baka ma-late ka pa." Tumango ako bago tuluyang umakyat.

--------

"Hello?" Agad kong bungad ng masagot ko ang tumatawag na si Gavin.

"Sorry hindi ako nakapag-paalam ka---"

Pinutol ko na ang sinasabi nito. "Okay lang. Pasensya ka na din kagabi at bigla akong umakto ng ganon." Paghingi ko ng pasensya. Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil hindi ako yung tipo ng tao na ganon. Hindi ko rin naman kasi maipaliwanag kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sakanya. Ganon ba talaga yon? Yung tipong kahit hindi mo pa kilala ng lubusan yung tao, makakaramdam ka ng koneksyon sainyong dalawa. Yeah ang oa pakinggan pero ganon ang nararamdaman ko kay Gavin. 'O siguro ganto ako dahil siya ang una kong nsging boyfriend.

"Okay lang yon honey. Anyway, good morning." bati nito sakin.

"Good morning."

"Teka nasaan ka? May klase ka ba ngayon?"

"Yeah. 10 AM. Parking lot, nag-park lang ako ng kotse." sagot ko dito.

"Sige, what time vacant mo?"

"11 AM then ang balik ko na ay 3 PM."

"Okay. I'll fetch you after your class. See you honey!"

"Okay. Sige na maya na lang tayo usap. Bye."

"Okay! Bye honey!" Parang excited nitong sagot. Hindi na ako sumagot at pinatay na ang tawag. Nagtuloy-tuloy naman na akong pumasok ng campus.

"Good morning my dear! Kumusta naman ang 'date niyo ni Gavin' at hindi ka nakapag-text sakin kung nakauwi ka na o ano?" mapang-usig na tanong ni Adalee ng makapasok ako ng room. Nakalimutan ko palang itext ito o tawagan man lang nung makauwi ako.

"Nothing's special." tipid kong sagot dito at umupo sa katabing upuan nito.

"Nothing's special nothing's special ka diyan! Aba magkwento ka." pagpupumilit pa nito. Hindi ko sinagot at tinignan ang relo ko. Meron pang 30 minutes bago mag start ang first class namin.

"Ano na? Kwento na dalii!!" excited nitong sabi. Humarap naman ako dito.

"Alam mo yung feeling na nung makasama mo ng ilang beses pa lang yung tao pero ramdam mo na, na may koneksyon kayong dalawa. Na-feel mo na ba yon?" Ngumiti naman ito ng malapad bago ibinuka ang bibig.

"Hala ka Bri! Hahahaha! Baka itinadhana kayo niyang si Ga--"

"Naniniwala ka don?"

"Oo no! Imagine sa dami-dami ng nanliligaw sayo. Siya lang yung lalaking nakapag-paramdam sayo niyan."

Napaisip naman ako.

"Atsaka why not to try him kung nakakaramdam ka ng ganyan sakanya?"

Pinanliitan ko naman ito ng mata. "Kami na ng---"

"WHAT?!?! KAYO NA?!??! KAILAN PA?!??!" Gulat na gulat nitong tanong.

"Seryoso ako don sa sinabi ko nung kumain tayo kasama mga kaibigan niya."

"Omg! Totoo pala talaga. Nakakaloka ka ha, sinuprise mo ko. Libre ka naman! Dalaga ka na!" Ngiting-ngiti niyang aniya. Hinampas ko naman ito ng mahina sa braso.

"Tigilan mo ko ha. Ang oa ng reaksyon mo." at inirapan ko ito.

"Anong oa don! Masaya lang ako kasi finally meron ka ng boyfriend." Nakangiti pa rin nitong aniya.

"Oo na, okay? Gusto ko lang naman kasing maranasan ang mainlove." Pagpapakatotoo ko dito. "At sana sa unang to ay hindi ako masaktan."

"Stella expect mo na yan. Walang nagmamahal na hindi nasasaktan 'no."

"Oo alam ko naman. Pero baka hindi ko alam ang mangyayari kapag nasaktan ako."

"Sumugal ka na. Isang beses lang naman yan sa buhay no. I-enjoy mo lang habang andiyan pa." Tumango naman ako dito pero ang lakas na ng tibok ng puso ko.

A/N : Sorry for the long update mga loves! Sobrang busy lang ako these past few weeks. But anw, hope you like my update. Keep on supporting and let's spread love. No hate! GOD BLESS US ALL.

The girl before the one [Under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon