Months passes by, Gavin and I were still dating. He's been more sweets day by day. He never failed to make me smile. He never failed giving me an assurance that he loves me. However, I still have this doubt. I knew to myself that I'm already attached to him but not that close. It is still hard for me to give all my trust. At hindi ko alam kung bakit.
"Honey, what are you thinking?" I looked at him.
"Nothing."
"Tagal na rin pala nating ganito, ano?" Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Andito kami sa sala, nanood ng movie habang nag-uusap.
"Yeah. Almost 4 months na."
"And tomorrow is our 5th monthsary." Tomorrow is December 10.
"Papakilala kita kela mommy sa christmas." Ani ko rito dahil kapag umuuwi sila mommy ay hindi ko ito naipapakilala dahil ayaw niya dahil ang lagi niyang rason ay nahihiya siya at hindi pa siya ready. "Gusto mo na ba?"
"Oo naman."
"Akala ko ayaw mo pa rin." Napa-ayos naman ako ng upo at tinignan ito ng seryoso. Ganoon din ang ginawa nito sakin.
"Why?"
"Nothing. Ikaw kailan mo ako ipapakilala sa mga parents mo?"
Parang nagulat naman ito sa tinanong ko. Tumayo ito at tinalikuran ako.
"Why are you acting like that?" Bigla naman akong nainis.
"Nothing." Seryosong sagot nito ng nakatalikod pa rin.
"Bakit? Ang alam pa ba ng parents mo ay kayo pa ng ex mo?" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
"N-o no. That's no--"
Pinutol ko na ang sasabihin nito. "Then why?!" Napaharap na ito sakin.
"Hindi sa ganon. Wag na muna tayong mag-usap." Hindi naman ako nakakibo sa sinabi nito. Hindi ko inaasahan na magiging ganyan ang reaksyon niya. Tumahimik na lang ako at baka saan pa mapunta ang usapan.
Maya-maya pa'y lumapit ito sakin at niyakap ako. "Sorry honey. Wag ngayon please. Hindi pa ako ready." Hindi ko ito pinansin. Nasaktan ako bigla sa inasal niya. Bakit? Dahil ba ang gusto niya ang alam ng parents niya ay sila pa rin ng ex niya? Na kapag naghiwalay kami ay wala siyang magiging problema? Ganoon ba yon? Hindi ko mapigilang mag-overthink bigla. Kainis.
"So pwede bang umalis ka na rin?" Walang emosyon kong sabi rito kaya napabitaw ito ng yakap sakin.
"H-oney?"
"Wag mo akong gaguhin."
"Honey?! Hindi kita ginagago! Hindi lang talaga ako ready ngayon!"
"Bakit!??! Bakit hindi ka pa ready?! Dahil mahal mo pa yung ex mo!?!?" Hindi ko na napigilan ang magtaas ng boses.
"H-oney." Hinawakan nito ang kamay ko.
"Ikaw na ang mahal ko ngayon, okay? Wag kang mag-isip ng ganyan..." Yumuko ito. Malalim akong napabuntong-hininga.
"Okay. Kung ayaw mo hindi kita pipilitin."
"Honey sorry. Wag kang mag-alala. Dadating din tayo don. Ipapakilala kita, pangako. Hindi lang ngayon."
"Sige." Bigla akong nawalan ng gana. This is the first time that we end up like this. Something is wrong.
"Wag na tayong mag-away."
"Hindi naman tayo nag-aaway."
"Sige nga! Hug mo nga ako kung hindi." Niyakap ko ito.