Chapter 13

371 8 0
                                    

"Kanina ka pa tahimik honey. Okay ka lang ba?" Tanong ni Gavin pero hindi ako umimik at tahimik na uminom ng iced tea ko. Mabuti na lamang at busy mag-kwentuhang ang mga kasama namin kaya hindi kami ganoon pansin. Kay Adalee pa lang kasi ay agaw atensyon na ito masyado.

"Talk to me." Kinalabit ako nito kaya napaharap ako rito.

"Hmm?"

"What's the problem?" Why the sudden silence?" I smiled at him.

"Nothing. I just don't feel to talk."

"Gusto kong marinig boses mo. Gusto kong magdaldal ka." Napailing na lang ako sa sinabi nito.

"Teka nga pala. Friend na ba tayo sa facebook?"

"Hindi pa siguro." Sagot ko rito kaya mabilis nitong kinuha ang phone nito sa bag niya.

"Anong name mo honey sa fb?"

"Stella Davis." Sagot ko rito. Hindi naman ito nagsalita na.

"Why are you so gorgeous?!!!!" Kunwaring galit nito. "Napaka-famous mo pa 'o. Ang daming nagkakagusto sayo!" Dagdag pa nito.

Hindi naman ako umimik at kinuha ko yung phone sa bag ko para mag-open ng facebook at para i-accept ito.

"Stalk kita honey." nakangiting aniya. Hinayaan ko na lamang ito.

"Bakit ang daming nagko-comment sa profile mo? Kainis!" Kumamot ito sa ulo niya. "I-private mo ang profile picture mo honey." Napakunot-noo naman ako.

"Ganyan ka ba ka-overprotective?" Napatigil ito sa pag scroll at nag-angat ito ng tingin sakin.

"Ayoko lang na masyado kang head turner." Seryoso nitong sagot. "Baka may umaga---"

"Cut that. Nung wala ka nga wala akong naging boyfriend. Ngayon pa kayang andiyan ka na?" Nasabi ko bigla na siyang ikinapula ng mukha nito.

"Damn!"

"Bakit bigla-bigla kang nagmumura diyan?"

"Kinilig lang ako sa sinabi mo." Napailing-iling ako at hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti.

"Panget mo kiligin." Pag-papagaan ko ng atmosphere naming dalawa.

"Gwapo kaya ako."

"Sino namang nagsabi sayo?"

"Magulang ko hehehe." He pouted. Sarap tusukin pisngi nito. Kahit payat ay bagay na bagay naman sa'kanya. Hindi siya tulad ng ibang payat na hindi bagay sa kanila.

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa mga magulang mo?" Parang bigla naman itong napahinto at yumuko. Napakunot-noo naman ako sa ginawa nito.

"This is not the right time for that." biglang sumeryoso ang boses nito kaya nagulat ako. Hindi na lang ako umimik at kumain na lang ng burger. Bakit biglang ganon yung inasal niya? Weird.

Ilan minuto pa ang lumipas ng biglang hawakan ni Gavin ang kaliwang kamay ko. "Honey?"

Napaharap ako dito. "Bakit?"

"Ang ganda mo." He smiled.

"Mas maganda sa ex mo?" bigla kong tanong dito.

"Oo naman." mabilis nitong sagot. Hindi naman na ako umimik.

"Kwento ka uli about sayo."

"Ano pa ang gusto mong malaman?"

"Anything that you're comfortable to share."

"Wala namang magandang nangyari sak---,"

"Naomi? Sinong kasama mo?" Bigla namang binitawan ni Gavin ang kamay ko at lumipat ang tingin nito sa harapan kung saan may kausap na isang babae si Isaac. Halos lahat ng tingin namin ay nasa babae. Maganda ito at may pagka-morena. Medyo matangkad at chubby ito. Pero mas matangkad ako kumpara sa'kanya.

"Mga kaibigan ko lang." Nakangiting sagot nito.

"Hi Gavin." Nakangiting ani nito at kumaway pa kaya napatingin ako sa banda ni Gavin na seryoso lang na nakatingin sa babaeng Naomi ang pangalan. Umubo-ubo naman si Sed.

"By the way Naomi, this is Adalee and Stella. Our friends." Pagpapakilala sa'min ni Sed.

"Hi." Nakangiting bati dito ni Adalee na sinuklian naman nito ng ngiti. Lumipat naman ang tingin nito sa'kin. Pilit na lamang akong ngumiti.

"Kaya pala hindi ko sila kilala. O siya sige na. Maiwan ko na kayo." Nakangiting ani nito at tumalikod na at tuluya ng nakalayo.

"Sige sige." Ani ni Kevin at tumango naman ang iba ng nakangiti.

Nang makaalis ito ay parang lahat ay nabunutan ng tinik kaya biglang nagsalita si Adalee. "Anong meron sa babaeng 'yon at parang ang intense nati--ay ninyo pala ha?" Mapang-usig nitong tanong.

"She's Ga--"

"She's my ex-girlfriend." Putol ni Gavin sa sasabihin ni Asher. Hindi ko alam kung bakit biglang kumirot yung dibdib ko sa narinig kong sinabi nito. Kaya ba bigla niya na lang binitawan ang kamay ko? Bakit apektado pa rin ba siya sa ex niyo? Mahal niya pa ba yon kaya ayaw niyang malaman na may bago na siyang girlfriend?

"Kaya naman pala ganyan ka mag-react 'no? Hello baka nakakalimutan mo Gavin nandiyan Ste---"

"I'm okay Adalee. Ano ka ba!" I jokingly laughed.

"I'm sorry honey... I was just shocked a while ago, that's why."

Hinampas ko ng mahina yung braso nito. "Okay lang yon." Pilit akong ngumiti dito.

"Umalis na lang tayo dito if you don't feel comfortable." Suhestiyon ni Isaac.

"I said it's okay. I'm okay. Nothing to worry so let's just enjoy this moment."

They all sighed. What's their problem? I said I'm okay? As if they are all concern?

"Don't mind me. Tuloy niyo na yun usapan niyo kanina." Nakaramdam naman ata si Sha kaya ayon, dinaldal na yung apat.

"Honey are you mad?" Napalingon naman ako kay Gavin ng magsalita ito.

"No i'm not. Why would I?"

"I'm sorry. Hindi na mauulit yon." Nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin.

"Please stay..." and he carresed my back.

"I will. As long as you want me to." I sincerely said.

"I love you." Nakagat ko ang ibabang labi ko sa sinabi nito. Don't tell me mahal mo agad ako? Samantalang ilang araw pa lamang tayong nagkasama at magkakilala, mahal mo na agad ako? Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang sinabi nito pero hinayaan ko na lang. Baka iparamdam niya rin naman one of these days sa'kin na totoo nga ang sinasabi niyang mahal niya ako. Wala naman atang mali kung sumugal na ako diba? Tutal nandito na rin naman ako kaya lubos-lubusin ko na. Isang beses lang naman, kaya siguro i will just take the risk even if that will hurt me.

A/N : Ikaw ba handa kang sumugal sa pag-ibig?

FEEL FREE TO COMMENT LOVES!!Anyway, hope y'all like this update. Just keep on supporting. Samahan niyo ako sa ending. Spread love lang.

The girl before the one [Under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon